CHAPTER 10 : Ice Cube ✔

5.3K 148 8
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Thank you po sa lahat ng sumuporta. Pangako di ko kayu bibiguin sa mga updates ko. Pwera nalang kong ako ang bibiguin nyo.

Gusto ko po sana tawagin kayung mga killerstalkers (KS), ang lahat ng nagbabasa ng story na to simula ngayun ay mga killerstalkers (KS) na.

Kaya ngayun patuloy na natin ang pagstalk sa killer. :) 


  GEORGINA 

Nasa harapan ako ngayon ng kubeta, tanaw ko ang kalderong may kumukulong tubig. Magluluto kasi ako ngayon ng ulam namin. Tanghali na kailangan ko ng bilisan ang pagluluto. 

"Sana ay sapat na itong sagot sa mga tanong mo kanina.."  mga katagang biglang pumasok sa aking isipan. Ano bang nangyayari sa akin? Di ko parin makalimutan ang nangyari kahapon.
Kaya naman ay iniiwasan ko si Brent sa mga oras na ito, naiilang parin kasi ako sa kanya. At di ko siya magawang titigan, ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi. 


Ang halik na iyon! Iba ang halik na iyon sa naunang halik namin nung nasa basement. Parang may pag ibig? 


Napahawak ako sa aking labi. Totoo ba talagang nangyari ang bagay na iyon sa pagitan namin ni Brent? I


AT KAPAG HINDI PA ITO TUMIGIL AY SIGURADONG MABABALIW NA AKO.

"CLINKKK.... CLINKKKKSS... CLICK"

Nataranta ako dahil ang kalderong aking nasa harapan ay parang sasabog na sa sobrang init. Kaya naman ay dali dali akong kumuha ng basahan upang alisin ito at upang ihain na ang tanghalian.

<Ang hirap palang mag isip kapag may ginagawa kang isang bagay.>

Sa aking pagkataranta ay... 


"AHHHHH...ANG INIT..TSSKK..AHHH"

Napaso ako ng kaldero dahilan upang maihulog ko ito at matapon ang aking nilulutong tinolang manok upang maging aming tanghalian. 

Hindi!! Sasaktan na ulit ba ako ni Brent, sipa, tadyak o di kayay suntok?

"WHAT WAS THAT?!"

Sigaw ni Brent mula sa kanyang kwarto. 

Kaya naman ay inihanda ko na ang aking sarili sa mga possibleng mangyari sa akin ngayun. 

"ANONG NANGYARI?"

"Ah..eh.. kasi napadulas yung basahang ginamit ko sa pagkuha sa kaldero kaya naman ay..natapon ko. Wag ka mag alala lilinisin ko kaagad ang-"

Ako na natatarantang nililinis ang mga natapong ulam sa sahig..ngunit bigla na lamang kinuha ni Brent ang aking kaliwang kamay at..

"UGHH!! " -Daing ko.

Hinila nya akong bigla papunta sa kubeta, at binuksan niya ang gripo at itinapat ang aking kaliwang kamay na di ko namalayang nalapnos na din pala ng sabaw na mula sa aking nilulutong tinula.

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon