CHAPTER 55: He Cares

2.1K 54 11
                                    

I just want to say thank you sa lahat ng sumusuporta sa story na to. Yun lang.. Labyow! 

THIRD PERSON'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON'S POV


Parehong  nanlalaki ang mga mata nina Brent at Xander habang nakatinging  sa kanilang paanan kung saan may iilan ng patak ng dugo. 

"Ughh!!" daing ni Xander. Sinangga kasi ng kaliwang kamay niya ang kutsilyo dahilan upang dumugo ito habang hawak naman niya sa kanang kamay ang kamay ni Brent. 

Masasaksak na sana siya ni Brent kung di niya iyon nagawa. 
Malakas na idiniin ni Brent ang kutsilyong iyon upang tuluyan na niyang masaksak ang pulis. Pero agad din nakailad si Xander. Hinawakan niya ng buong lakas ang kanang kamay ni Brent at ibinalibag ito. Namudmud sa sahig si Brent habang hawak naman ni Xander ang kanang kamay niya muka sa likod. 

Tumilapon ang kutsilyong hawak ng binata ilang pulgada ang layo sa kanilang dalawa. 

"Arghhh!!! Ugh!" Daing ni Brent habang nakamudmud sa sahig. 

"Wag kang gagalaw! Dahil sa pagtutok mo sa akin ng kutsilyo. Nagpapatunay lamang na isa kang mamatay tao. Ngayon ay may sapat na akong ebidensiya." saad ni Xander habang pilit na pinipigilan ang pagalaw ni Brent. 


"Mabubulok ka sa bilangguan!" dagdag pa ng pulis. 

Uminit ang tenga ni Brent sa kanyang narinig. Gamit ang kaliwang siko ay malakas niyang siniko ang pulis na nasa kanyang likuran. Sapol sa kaliwang pesnge ang pulis. Tumalsik ang suot nitong eyeglasses, ganun din ang iilang dugo. Nabitawan ng pulis ang binata. 

Mabilis na tumayo si Brent habang nakahawak naman si Xander sa pesnge niyang tinamaan ng siko. 

Walang ekspresyon ang mukha ni Brent habang nakatingin sa pulis. Di pa man lubusang nakakatayo ang pulis ay isang malakas na suntok na ang natanggap na ito ng suntok mula kay Brent na agad naman niyang nagantihan ng suntok sa panga nito.

 Tatlong sunod sunod na suntok ang natanggap ni Brent mula sa pulis. 

Napaatras si Brent habang wala paring ekspresyon ang mukha. 

"Yun lang ba ang kaya mo officer?"

"Maghintay ka!"

Napalingon naman ang pulis ng mapansin niyang malapit lang siya sa stun gun. 
Pero bago paman niya mabalik ang tingin kay Brent ay isang malakas na suntok na ang natanggap niya.  Bahagya siyang napaatras. Nalalasahan na niya ngayon ang dugo sa kanyang bibig. 

"Pweh!" dumura ang pulis ng dugo. Ramdam niya rin ang sakit ng kanang kamay niyang may sugat. Napayuko siya at napansin niyang napakalapit na pala niya sa stun gun kaya mabilis niya itong kinuha. 

Nahawakan na sana niya ito pero agad naman siyang napigilan ni Brent na hawak na ang kutsilyo. Sasaksakin na sana siya ni Brent ng napigilan na naman niya ito gamit ang kanang kamay niya. 

"Ughh!!Arggh!" daing ng pulis. Habang nakangiti lang si Brent.

Kung kanina ay di ganun kasakit ang sugat sa kanang kamay niya ngayun ay ramdam na ramdam na niya ito. Sa isip niya na baka ito na ang katapusan niya. 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon