^_^
XANDER
Anak ng takte!
Shit!
Nakuha pa talaga nilang maghalikan sa loob ng isang police station office. Di ba nila magawang magseryoso? This case is too serious.
Kaya naman agad kung hinila si Georgina mula sa halikan nila. Naiinis ako. Seryoso ang kasong to pero para sa kanila parang wala lang.
Anak ng tinapa!
"Ang dalawang yun? Totoo bang magkasintahan sila?"
Tanong ni Mori. Nandito kami ngayon sa isang sulok ng opisina habang pinagmamasdan ang dalawa."Anong sa tingin mo?"
"Maaring totoo na magkasintahan nga sila..maaring ding hindi pero pagsila nga di ito umaayon sa atin. Anong plano mo?"
Plano? Wala.. wala akong plano. Wala akong maisip. Ang galing naman kasi talaga gumawa ng kwento ng kriminal na yun. Di ko lubos maisip na kaya nyang paikutin ang mga pangyayari. Di siya basta bastang kriminal.
"Takte naman oh! Wala akong plano. Paano natin malalamang nagsasabi sila ng katotohanan?" saad ko.
"Hindi naman natin sila pwedeng hingan ng ebidensiya.."
"ebidensiya?.." bulong ko.
Tama!
Isang ideya ang pumasok sa isip ko.
Agad akong nagtungo sa isang computer ng opisina at ginamit iyon upang mag print ng isang documento.
"Anong ginagawa mo?" tanong ng isang detective ng opisinang iyon.
Di ko siya sinagot bagkus ay nakatoon ang aking pansin sa paglabas ng papel mula sa printer na aking gagamitin upang mailabas ko ang katotohanan sa dalawang yun. Lumapit agad ako sa dalawa dala ang dalawang piraso ng papel.
"Ms. Flores!" saad ko dahilan upang mapalingon silang dalawa.
"Sumama ka muna sa akin para ma fill upan mo ang form na ito." saad ko habang inaalalayan siya sa pagtayo.
"Ba-bakit po? A-ano po yan?" takang tanong niya sa akin.
"Teka! San niyo siya dadalhin? Ano yan-" pagpigil ni Brent pero napatigil siya ng nahawakan siya ni Mori mula sa likod.
"Wag kang mag alala sir, pati ikaw ay may fifill upan ding form." saad ni Mori mula sa likod ni Brent.
Mapapatunayan ng form na ito kung totoo nga ang mga pinagsasabi nila. Inilalayan ko si Georgina patungo sa isang mesa mga ilang metro ang layo mula kay Brent. Nang makarating kami sa mesa ay todo lingon parin ito kay Brent.
Agad kung ibinigay sa kanya ang forms na kailangan niyang fill upan. Nakatingin lang siya sa papel na hawak niya. Bakas sa mukha niya ang kaba at pag aalinlangan.
"Ms. Flores please answer it honestly."
"Ah..o-"
"At bakit naman namin to sasagutan?!" tanong ni Brent mula sa kinalalagyan niya. Napalingon ako at sinagot ko agad ang tanong niya.
"Wag mong sagutan kung ayaw mo. Di kami namimilit dito. Pero kung di mo talaga sasagutan yan nangangahulugang hindi totoo na magkasintahan kayo. At pawang kasinungalingan lang ang lahat."
Napansin ko ang pag iba ng reaction ng kanyang mukha kasabay ng pagkuyom ng kanyang kanang kamay. Bumalik ako sa mesa kung nasaan si Georgina. Nagsisimula na siyang sagutan ang form na binigay ko.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...