They only care for their benefit. People are using people.They care for you if they can get something from you.
The world is full of idiots, the world is full of users, and that fact is alarming.
THIRD PERSON
Nasa harapan na ng bahay ni Brent sina Mori at Georgina. Pumasok agad sila sa gate at naunang naglakad si Georgina upang i-enter ang security code ng bahay. Buti na lamang at hindi niya ito nakakalimutan. Nasa likuran lang ng dalaga ang detective nagmamasid sa maaring gawin ng dalaga sa kanya.
BEEEP!!
BEPP!
BEPP!!Kasunod ng pagbukas ng pintuan ay siya ring pagkaalala ni Mori sa bilin sa kanya ni Xander.
"Anong plano mo ngayon ha PO1 Xander? Marahil ay nakagawa ng siya ng krimen pero ang malaking issue dito ay ang pagpasok mo sa bahay niya at ang paghuli mo sa kanya ng walang ano mang warrant." nag-aalalang saad ng detective sa Mori kay Xander.
"Shit! Nadadamay pa ang pangalan ko sa katangahan mo e. I shouldn't have listen to you. Akala ko promotion ang makukuha pero sa nangyayari maaring ang pagkadetective ko ang nanganganib na mawala." dagdag pa nito. Nakayuko lang si Xander na parang may malalim na iniisip.
"Hoy! Sumagot ka naman diyan."
"Makakakuha ka ng promotion wag kang mag-alala..." sagot ng binatang police.
"So anong plano mo hah?"
"Basta't tulongan mo lang ako para mapaamin silang dalawa. Just help me trick them."
Tumatakbo ngayon sa utak ng detective ang mga utos at bilin ng binatang police na si Xander. Pagkapasok niya sa bahay Brent ay agad niyang sinunod ang mga utos niyo.
Pamunta agad si Mori sa kusina ng bahay at sumalubong sa kanya ang isang kutsilyong may bahid pa ng dugo. Nagsuot siya ng gloves at agad na kinuha ang kutsilyo. Isinilid niya ito sa isang clear plastic bag. Sumunod niyang ginawa ay mula sa bulsa niya ay kumuha siya ng puting panyo. Ipinahid niya ito sa sahig na minsang nilinis ni Brent.
Nakatingin lang sa kanya si Georgina habang ginagawa niya iyun. Nagtataka rin ito pero wala siyang magawa kundi ang panoorin lang ang ginagawa ng detective.
Matapos pahiran ng detective ang sahig ay bigla itong tumayo. Nilapitan ang dalaga at..
"Ba-bakit po?" takang tanong nito sa detective.
"Say "ahh!"" utos nito sa dalaga.
"Ano po? Bakit po ba?"
Napikon na ang detective sa daming tanong ng dalaga kaya naman ay hinawakan niya ang panga ng dalaga upang bumuka ang bibig nito.
"Arghh! daming satsat e.."
Kumuha siya cotton buds at pinahid ito sa dila ng dalaga. Matapos ay isinilid niya iyon sa isang clear plastic bag. Hinawakan niya ding bigla ang buhok dalaga kasunod ng marahang paghila dito upang makakuha ng buhok.
Matapos magawa ang lahat pinag uutos ni Xander ay agad ng naglakad patungo sa pintuan ang detective para makaalis na sa bahay na iyon.
"Excuse me sir.." napatigil ang detective dahil sa pagtawag sa kanya ng dalaga.
"Anong mangyayari kay Brent?" nilingon niya ang dalaga.
"May ebidensiya na kami laban sa kanya kaya kailangan pa namin siyang imbestigahan. Hindi pa rin tiyak kung ano ang magiging kapalaran niya. Maghintay ka lang dito."
GEORGINA
Tanaw ko ngayon ang papaalis na patrol car ng detective.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...