Ang bilis ng takbo ng mga reads mga labs ah!
Natutuwa yung mga cobra ko sa tiyan sa nangyayari. Pagpalain sana kayu ng baseball bat ni Brent at mga bandages na sa mga kamay at paa ni Georgina. Mahal na mahal kayu ni Author!
Remember that~Happy Monthsary sa Killerstalkers GC sa FB!
stay strong!~ Labyuuww..CONTINUE na natin tong kabaliwang to~ Patayan na!
THIRD PERSON'S POV
Nasa police station si Alexander. Tinatamad siya ng mga oras na iyon. Naka on ang tv habang may tinitingnan siya sa laptop niya. Nasa tapat naman ng tv ang police officer na si Kim habang may hawak na tasa ng kape.
"In our headlines.." pasiunang bati ng reporter sa tv.
"Isang bangkay ang natagpuan sa isang bulubundukin, sinasabing ang bangkay na ito ay ang nawawalang anak ng Principal ng Hansen Elementary School na si Ms. Anne Hansen."
Nakuha ng report na iyon ang atensyon ni Alexander, kaya tumayo siya tumabi sa nagkakapeng si Kim.
"Isinasagawa na ang autopsy sa katawan ng biktima upang makakuha ng ilang DNA na maaring makapagturo sa salarin sa pagpatay. Ayun pa sa mga police walang mahanap na ebidensiya na maaring makatukoy sa kung sino man ang suspect. Ayun pa sa kanila maaring lalaki ang gumawa sa naturang krimen."
Dagdag pa ng reporter.
"Habang patuloy ang pagkalat ng balita,maraming mga false reports ang dumarating sa mga pulisya. Napakahirap ngayon tukuyin kung alin ang tama sa mga ito. Ang mga maling reports na ito ay mas nagpapahirap pa sa inbestigasyong ginagawa ng mga police."Napakunot ang noo ni Alexander sa kanyang natuklasan. Ngayon ay parang napagdugtong dugtong na niya ang mga pangyayari. Napag isipan na niya ang lahat. Mabilis siyang naglakad pabalik sa desk niya, kinuha ang jacket niya pati ang susi ng patrol car.
"San ka pupunta?" tanong ni Kim.
"May kakausapin lang ako. Magpapatrolya nalang din."
"Sama ako."
"You don't have to. Baka magalit si Ricardo kapag nalaman niyang dalawa tayung nagpatrolya."
"Okay!"
Mabilis na kinontak ni Alexander ang taong kakatagpuin niya. Sa isang coffee shop sila magkikita.
"Sinasabi ko na nga bang mangyayari to!"
Kunot noong saad ng lalaking kaharap ni Alex.
"Bakit sa isang coffee shop pa? What the hell are these two guys doing in a place like this? - Dating? Hahah..""Sorry Detective Mori, wala na kasi akong ibang maisip na lugar."
"Akala ko magtatapat ka ng feelings sa akin ngayon, cause you sound really nervouse nung tumawag ka..haha.. okay lets be serious.. what's this all about PO1 Suarez? I'll be listening.."
"Haaha..Di ka parin talaga nagbabago.. detective. May kaso kasing hawak si Dalisay na maaring may koneksyon sa kasong hawak ko."
"Yan ka nanaman Alex, nakikialam ka nanaman sa kaso ng may kaso. At balak mo pa talaga akong idamay.."May waiter na papalapit sa table ng dalawa dala dala ang orders nila.
"Anak ng! Bat yan ang inorder mo? Sa lahat pa ng oorderin pangbabae talaga."
"I thought you like sweets."
"Well, PO1 Suarez, tumaas na kasi ang glucose levels kaya I moderated my sugar intakes. So what is it all about? Tell me whatever you want basta hindi tungkol sa babae o pag ibig wala akong maiitutulong dyan. ""Please give me the information about the autopsy of Hansen Principal's Daughter."
diretsong saad ni Alex sa detective. Susubo na sana ng cake si Mori ng marinig niya ito ay di na niya itinuloy.
"Sorry Alex, pero di namin pwedeng ibigay sa isang civilian ang mga impormasyong katulad nun."
"Hindi ako civilian, I'm a police."
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...