GEORGINA
"Hah...hooo..ahhh.."
Isang malakas sa paghinga ang aking pinakawalan, panibagong imahinasyon na naman ang pumasok sa aking isipan. Pero parang totoo ang lahat.
Napahawak nalang ako sa aking leeg at nagpatuloy sa pag abot sa doorknob upang mabuksan ko na ito at makaalis na sa lugar na to.Ngunit ng pipihitin ko na ito ay isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa aking likuran. Dahilan upang mabitawan ko ang pagkakahawak ko sa doorknob.
"Di ka ba tutuloy? Lumampas ka na sa linya oh. Siguro naman dapat mo ng ipagpatuloy yan," si Brent habang nasa aking likuran, pagkatapos nyang sabihin iyun ay umupo siya sa aking kanan. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Di ko na alam kong ano ang nararamdaman ko. Napakaraming butil ng pawis ang nag uunahang lumabas sa akin katawan. Sinabayan pa ng sobrang kaba. Nanlaki ang aking mata habang nakatitig sa gwapong mukha ni Brent."O di naman kaya ay wala ka ng pupuntahan pang iba? " saad ulit nito habang hinahawakan ang aking pesnge. Natatakot na ako ngayon para sa akin buhay. Ito na ba talaga ang akin katapusan?
"Diba may pamilya kang nagmamahal sayu ng lubusan."
"Naghihintay na sayu ang uncle mo. Ang uncle mo na walang ibang inisip kundi ang kabutihan para sayo," saad ulit niya habang unti unti nang nagbabago ang expression ng kanyang mukha. May kaunti na itong galit.
A-anong nang gagawin ko ngayon?Napayuko ako sa harapan ng pintuan. Habang inaalala ang mga ginagawang kababuyan sa akin ng uncle ko noon. Naitanong ko tuloy sa aking sarili kung gusto ko pa ba talagang umalis sa bahay ni Brent.
Napalingon ako sa kinaroroonan ni Brent ngunit wala na siya doon.
Isang bagong hallucination na naman?
Ano na bang nangyayari sa utak kong ito..Ang aking uncle.
Ang kaisa isa kung kamag anak.
Naikuyom ko ang aking mga kamay sa aking hita kasabay ng aking pagyuko , habang pinagmamasdan ko ang pagbagsak ng mga butil ng tubig mula sa king mata. Hindi ko lubos maisip ang mangyayari sa akin ngayun. Di ko akalaing dadating sa puntong magtatanong na naman ako sa sarili ko kung itutuloy ko ba ang planong pagtakas. Kanina lamang ay buong buo na ang aking decisyon ngayon ay nagdududa na naman ako."So ano ngayun ang gagawin mo?"
Bulong ni Brent na nakayakap mula sa akin likuran. Nandun na naman siya sa aking likuran."Ako? Ako a---ayy...." saad ko na sobrang kaba.
Ano ang dapat kong gawin... ?
Napapikit ako kasabay ng pagbalik ng ilang alala sa aking isipan.
Ang pagligtas ni Brent sa akin sa mga adik sa kanto.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...