CHAPTER 48: Reason

2K 49 6
                                    

  Weekends mean updating and wattpading. LOL 
Mga ka killerstalkers, nakamove on na ako sa hospital pero masakit parin haha. 

Malapit na tayu mag 3rd monthsary mga labs. Kapit lang! Kunting saksak at patayan pa. Makikilala rin sina Georgina at Brent ng buong wattpad world. 


Tiyo Antonio on the top image.. 
papagahasa ba kayu sa kanya? 

Wohooo... continueee naa...  

NOTE: STILL A FLASHBACK...


GEORGINA FLORES 


"Andyan ka lang pala!"  

Nanginig ako sa mga katagang aking narinig sa papalapit kong tiyuhin na si Tiyo Antonio. Papalapit na siya ng papalapit sa akin habang may nanlilisik na mga mata at halatang nakainom nanaman siya. 


"Anong kinakatakot mo Georgina?"
Nasa harapan ko na siya ngayon habang marahang hinahaplos ang aking buhok. Bagamat ganun ang kanyang kinikilos ay ramdam ko parin ang galit mula sa kanya. 

"Ako lang naman to ang Tiyo Antonio mo.. Gusto ko lang haplosin ang aking magandang pamangkin. Okay lang ba yun sayu?"
Nakangiti na siya ngayon sa aking harapan habang patuloy parin ang paghaplos niya sa aking buhok. Bat ganito di ko magalaw ang mga binti ko? Dahil ba to sa takot? Hindi maari..

"hhmmmm.."

Biglang huminto sa paghaplos ng aking buhok si tiyo. Tiningnan ko siya. Di ko maintindihan pero nakangiti siya. Isang nakakalokong ngiti. 

"Mayroon akong sasabihin sayo Georgina. Kaya makinig ka sa akin!"
Malakas niyang hinila ang aking buhok pababa. Napaupo ako at hinahaplos na naman niya ngayon ang pesnge ko.

"Ang kawawa kung pamangkin..nagtataka ako kung sino ang gumawa sayo ng ganito aking pamangkin. Ang dami mung pasa.."

Kinulong ng dalawa niyang amoy alak na mga kamay ang aking buong mukha. Malapit ang kanyang mukha sa aking mukha at amoy na amoy ko ang alak na nagmumula sa kanyang hininga. 

"Oh! Alam ko kung sino. Ang taong dahilan kung bakit din ako ganito. Ang taong maraming buhay ang sinira!! "

"Tiyo! ercckkk...Ah."

Mula sa marahang pagkakahawak sa aking mukha ay ibinaba niya ang kanyang kamay papunta sa aking leeg. Ngayon ay sinasakal na niya ako. 

"Ang taong iyon...ay ang iyong ina! Ang ina mong malandi. Gusto mo bang malaman ang isang sikreto huh Georgina?!"

Lumuwang ang kanyang pagkakasakal sa akin. Hinahabol ko ngayon ang aking hininga habang  hawak hawak niya parin ang aking panga gamit ang kanyang kanang kamay. Inilapit niya ang aking mukha papunta sa kanyang mukha at ngumiting muli.

"Boyfriend ako ng iyong ina."
Nanlaki ang aking mata sa aking narinig mula kay tiyo. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ito o hindi dahil maaring bunga lamang ito ng kanyang kalasingan. Peroo..

"Nakakatawa diba? HAHAHHA.."

Binitawan niya ako at bahagya akong napaatras. Tawa pa rin siya ng tawa hanggang sa mahimasmasan. 


"Nakakagaan din pala ng pakiramdam ang pagsasabi ng isang sikreto.."

Nakangiti niyang sabi. Tinitingnan ko lang ang mukha niya ng biglang nagbago ang ekspresyon nito. 

"Wag mo akong tingnan ng ganyan. Di mo alam ang lahat. Sana pala hindi ko pinakilala sa kapatid ko ang iyong ina. Hindi sana..HINDI NIYA SANA AKO INIWAN!"

Pasigaw na saad ni tiyo habang tumatayo mula sa pagkakaupo. Yumuko siya dahilan upang magkalapit muli ang aming mga mukha, 

"Hindi ko naman alam na maiinlab sila sa isat isa. Kung alam ko lang, kung alam ko lang!!"

Sinakal ako ulit ni Tiyo. Ngayon ay umiiyak na ako. Nakaramdam na ako ng takot sa maaring susunod na mangyari. 

"Dahil ba mas mataas at edukado ang aking kapatid ay pinagpalit na niya ako? Dahil ba dun kaya niya ako iniwan? Huh! Sagutin mo ko Georgina!!"

Pilit kung inaalis ang kamay niyang nakasakal sa aking leeg pero sadyang siyang malakas. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak at ipagdasal ang aking kaligtasan. 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon