ALEXANDER'S POV
Sigurado ako, may kung anong bagay na itinatago siya sa footage ng black box na yun at hindi niya yun gustong ipakita sa akin o kahit kanino man.
Kailangan kung matuklasan kong ano yun.
"Ibigay mo sa akin ang footage na yun.. ngayun din."
Tiningnan ko siya pero tanging blankong expresyon lamang ang sinagot niya sa akin.
"Nangangahulugan ba itong di mo talaga ibibigay sakin ang footage na yan? Kung matatagalan pa bago ka makapag desisyon kailangan ko ng sapilitang kunin sayo yan. "
Lalapit na sana ako sa sasakyan niya ng bigla na lamang niya akong hinarang ng kanang kamay niya, nakapatong ito sa pagitan ng sasakyan niya ."Okay, okay."
Tumingin ako sa mga daliri niya at nahalata kung nanginginig ito. Nangangahulugan lamang itong mayroon siyang itinatago, kinakabahan siya.
"I'll give it to you PO1! Kung ang black box na yun ang ikinapuputok ng botse mo."
Pumasok siya sa sasakyan niya at lumipas ang isang minuto bago niya inabot sa akin ang memory card ng blackbox niya.
"Oh, yan.. masaya kana?" -siya habang pabalik na sa kanyang sasakyan.
"Teka lang..."
"hmmmm??""I need to see your license too...."
"Ha?""Benge ka ba..kailang----"
Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagpaharorot na siya ng takbo..Naikuyom ko nalang ang kamay ko habang pinagmamasdan ang sasakyan nyang mabilis ang pagtakbo.
"Hayyysssss..."
Wala na akong nagawa kundi ang hayaan nalang siya pero para kasing ang mukha niya pamilyar.. nakita ko na ata siya sa kung saang lugar pero di ko lang maalala.
"I'm ba-!"
"I'm back!"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ay sumingit na naman ang pabida kung pulis na si Ricardo.
"San ka galing?"- tanong ng isa ko pang kasamahan.
"Dun sa nag iihaw ng barbecue sa kanto... ahhhh...busog ko masyado.."
Nagsalubong ang aking kilay sa aking narinig. Ito talaga ang klase ng pulis na inilalarawan nung matandang lalaki kanina e. Walang silbi, ginagamit lang ang katungkulan sa walang silbing bagay. Pabida masyado wala namang binatbat. Batukan ko kaya to. PEro wag na baka magkagulo ulit."Oyy...Xander..san ka galing?"
"Nagpatrol lang naman ako.."
"Pabida ka talaga masyado Xander noh?"
"Siguro ay sabihin mo yan sa sarili mo PO2 Santos. Wag mo namang ibigay sa akin ang mga katangian mo. "
"Abay! Lumalaban ka na ngayun ah. Kebago bago mo."
"At ikaw, ang tagal mo na dito...wa-la ka parin atang silbi.. masarap ba ang barbecue?"
"Sumusubra ka na ah.."
Hinawakan niya ang kwelyo ng uniporme ko at iniangat ito ng baghagya. Inihanda ko na ang sarili ko upang dumepensa sa gagawin niya pero biglang dumating ang superior naming police.
"Anong ibig sabihin nito? Bakit kayu nanditong dalawa?"Agad kaming sumalodo.
"Ah.. sir..andito kana pala! Galing pa po ako sa pagpapatrolya ko sir..kakauwi ko lang at nagpapahinga lang ng kaunti."
-si Ricardo, napakababida talaga inagaw pa ang ginawa kung pagpapatrolya. Sarap talaga manuntok kapag itong mukha ni Ricardo ang susuntukin e.
"Mapagkakatiwalaan ka talaga PO2 Ricardo..."Umupo na sa kanyang table ang superior namin di man lang ako pinansin o tinanong. Pero wala akong pakialam balang araw mas tataas pa ang rank ko sa inyo. Mga damuhong pulis kayu.
Babalik na sana ako sa pagpapatrolya ng maalala ko ang memory card ng blackbox ng lalaking yun. Kaya naman ay dali dali kung kinuha ang laptop ko at kumuha din ng card reader upang makita ko na ang mga footage nito.
Clinik ko ang pinakalatest na video ng mga footages.
Plinay ko na ito at nakita kung ang bilis pala niyang nagpatakbo sa makipot na daanang yun. Di lang pala kasalanan ng matandang lalaki kundi siya rin ay may kasalanan. Ang bilis niya magpatakbo, anong aasahan niya sa ganung klaseng daan. Haysss... tanga.<Tingin ko kailangan pa ng driving lessons at seminar ang lalaking yun... Bastard.>
Nagpatuloy ako sa aking pag explore sa mga footages ng araw na iyon ng mapansin kung di niya laging ginagamit ang sasakyan niya, lagi lang kasi itong nakapark sa parking area ng bahay niya.
Pero may napansin akong kakaiba, yung parking area ng bahay niya..pamilyar ito sa akin.
Nagpatuloy pa ako sa aking pag eexplore ng mapansin ko ang isang footage.< Tingin ko kailangan kong tingnan ang footage nato.>
<Umuulan? Di ko masyadong makita ang mga pangyayari. I guess I'll stop watch-->
"Huh?"
Teka? Yung lalaking yun... Bakit siya nasa labas habang ganun kalakas ang ulan at parang may tinitingnan siya sa baba?
"Huh? Babae?"
May karga siyang babae?Isang babaeng pilit na kumakawala sa pagkakakarga sa kanya nung lalaki. Nag aaway ba sila? Girlfriend niya ba ito? Di ko masyadong maaninag ang itsura nung babae pero mahahalata mong maganda ito. Patuloy parin silang nag-aaway ng biglang inilagay nung lalaki sa harapan ng sasakyan niya ang babae. Di ko na tuloy makita ang mga pangyayari dahil natakpan nung likod ng babae ang view ng footage. The next thing I saw was that the man is already caring the woman, papasok ata sa bahay nung lalaking yun.
Pamilyar talaga ang mukha nung lalaking yun... pati yung babae. San ko nga ba sila nakita?
"Ito na pala ang itsura ngayun ng anak ng mag asawang Lorenzo, yan si Brent Lorenzo. Nakatira parin siya sa bahay nila hanggang ngayun andyan na rin yung address."Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ng police na maydating may hawak ng kasong hawak ko na na ngayun.
Agad kong kinuha ang file na yun at nakita kong siya nga ang lalaking yun. Ngayun ay natagpuan na din kita sa wakas. Brent Lorenzo pala ang pangalan mo ha.
Magsisimula na ang paglutas ko sa kasung to. Pero yung babaeng yun?
Sino siya at anung ginagawa niya sa bahay ni Brent Lorenzo?
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...