CHAPTER 42: Doubt

2.7K 68 2
                                    

ALEXANDER'S POV

"BEEP!! BEEP!! BEEP!!!"


Pagminamahalas ka nga naman oh. Traffic na naman. Nasa kalagitnaan ako nang kalsada. Mag aapat na minuto na ako dito at ang bagal parin talaga ng usad ng mga sasakyan. 
Habang nakahinto ang aking sasakyan ay bigla kung naalala ang minsan kung pagbisita sa bahay ni Brent Lorenzo. Ang paang nakita ko, ang weirdong mga galaw ng lalaking yun, ang pagkahuli niya sa aking nagsisinungaling na may kausap sa cellphone. 

"Ughhh!!"
Napasabunot ako sa ulo ko ng maalala ang lahat. Ang palpak mo talaga Xander. Anak ka ng tinapa! 

Pati na rin ang...ang pagkawala ng katabing kutsilyo ng gulay sa kusina niya.Paano nangyaring nawala yun sa kinalalagyan. Di kaya?

"PEEPPPP!!!"
Nagising ako mula sa pag iisip ng bumusina ang nasa likuran kong sasakyan. Pinaandar ko kaagad ang makina ng sasakyan at nagpaharurot pabalik sa police station. Nagbihis agad ako sa aking sasakyan ng pampatrolyang uniporme para di nila mahalata ang mga pinagagawa ko. 


"Andito nako!"

"Oh Suarez, buti naman at andito kana. Sa susunod magpaalam ka naman sana kung gagamitin mo ang patrol car. Teka nga bakit ngayon ka lang? Tas san ka nanggaling?"


"Okay!"

"Okayy? Tinatanong kita kung san ka nanggaling at bakit ngayun ka lang tas okay ang isasagot mo sakin?"

"Ahh, sa area lang natin. Bakit ba?"


"Umuulan ba sa labas?"
Anung problema ng isang to, bat ang daming tanong? Anak ng tinapa sarap sapakin ng matabang pulis na to.

"hhmmmm?"


"Nabasa kaba ng ulan bat parang ang masyado atang basa yang mukha mo?"
Napahawak ako sa aking pisngi at napag alaman kung pinagpapawisan nga ako. Ang lamig ata ng pawis ko at nanginginig din. Dahil ata to sobrang kaba ko kanina habang nakaharap ko ang Brent Lorenzo na yun. Takte! 


"Hoy! Suarez? Okay ka lang?"

"Okay lang ako. Wala to!"

Di ko na pinansin si Ricardo bagkus ay pumunta na ako sa desk ko. Naghubad na ako ng sapatos ng mapansin ko ang isang bagay na nakapatong sa kanan kong paa. 

Kinuha ko ito at napag alaman kung buhok pala ito. 

"Itim na buhok?"
Di kaya ang buhok na ito ay galing sa taong nagmamay ari ng paang nakita ko kanina? 

"Brent Lorenzo, sino ka nga ba talga?"
Bulong ko sa aking sarili. 


THIRD PERSON'S POV


Nakapatong si Brent kay Georgina habang katabi nito ang walang buhay na si Brigette.


"Feel's familiar, doesn't it?"


"Pero"



"Bakit nagugulat ka parin?"




"Di mo ba alam na ikaw ang gumawa niyan sa kanya?"



"Ikaw ang dahilan kung bakit siya nakahiga diyan."




"Ikaw ang kumitil sa buhay niya!"






"O baka naman iniisip mo na inutusan kitang gawin mo ang mga bagay na yun sa kanya?"

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon