THIRD PERSON'S POV
"DI MO AKO KATULONG! TINGIN MO MAS MAGALING KAPA SA AKIN? LAGI KA LANG NAMAN NANONOOD NG TV SA BAHAY E. WALA KANG SILBI."
Isang babae ang may kausap sa telepono may dala itong isang supot na may lamang pagkain.
"ANO? WAG KANANG MARAMING RASON PA. PUMUNTA KANA DITO SA BOARDING HOUSE AT IBIGAY MO NA YUNG BINIGAY SA YUNG BAYAD NG MGA BOARDERS KO. IBIBILI MO NANAMAN YUN NG ALAK, WALA KA TALAGANG SILBING ANAK. "
Nasa harapan na siya ng isang malaking paupahan ng maalala niya ang isang boarder na matagal ng di nagbabayad ng upa.
"ANO NA BANG NANGYARI SA BABAENG TO AT ANG TAGAL NG WALA BAYAD NA PINAPADALA? NAMATAY NA BA TO ANO!! LECHEENG BUHAY TO OH."
Dinayal niya ulit ang number nito at di ito makontact.
"The number you have dialed is unavailable..Please call-"
Nairita na ang matanda at nagpatuloy sa kanyang pag akyat sa paupahan.
"Ayus din tong babaeng to ..ah.. tingnan natin kung sino ang manalo sa larong to."
Kinuha niya ulit ang cellphone niya at dinayal ang number ng boarder na di pa nagbabayad ng upa sa loob ng 2 buwan.
"....please leave a message after the beep."
"BEEP!"
"GEORGINA!!!! AKO TO ANG LAND LADY MO! DI KO NA KAYA PANG MAGHINTAY SA BAYAD MO SA UPA. ALAM KO NOONG MAY PINAGDADAANAN KA KAYA PINABAYAAN KITA PERO NGAYUN DI NA AKO MAKAKAPAGHINTAY PA. KAILANGAN MO NG MAGBAYAD, NARINIG MO BA AKO? NAKAHANAP NA AKO NG PAPALIT SA PWESTO MO KAYA LILINISIN KO NA ANG KWARTONG INUUPAHAN MO."
Mahabang sermon nito.
"KUKUNIN KO ANG BAYAD SAYU KAPAG NAGKITA NA TAYO. KUNG WALA KANG PERA SIGURO DAPAT KA NAMANG MAGTRABAHO DIBA?"
"TOOOT..TOT.."
Binaba na niya ang cellphone niya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hayyy..ang babaeng yun..akala niya palalampasin ko siya. " - habang dahan dahang binubuksan ang pintuan ng boarding house.
"kala niya talaga..."
"DIYOS KONG MAHABAGINN!!!!!!!"
-sigaw niya ng may bumungad sa kanyang lalaki sa loob ng paupahan, nakatingin ito sa kwarto na inuupahan ni Georgina. Ng mapansin nitong andun siya ay lumingon ito."Hello?"
Salubong ng lalaki sa matanda.
"Nandito po ako para kunin ang mga gamit ng dating umuupa nitong kwartong to."
"Ah...ee..ganun ba.. sige sige.."- gulat na sagot ng matanda habang kinukuha ang susi mula sa bulsa niya at binubuksan ang pintuan ng kwarto.
"Kaano ano ka pala ni Georgina?"
"Ah..eh...."
"Alam ko na yang mga yan...Kumusta na pala yung babaeng yun, iniingatan na ba niya ang sarili niya?""Ah ..e..oo po.. okay naman siya. Malusog na po siya ngayon."
Napatakip ng ilong si Brent dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa kwarto ni Georgina. Ang kalat ng loob nito at parang hindi dalaga o babae ang nakatira dito.
"Hayysss.. ang babaeng talagang yun napakaburara. Hindi naman to ganito kabaho kung bubuksan lang sana niya ang bintana e..may pagka weirdo din talaga yung babaeng yun."
"Magkano po pala ang upa sa isang kwartong ganito kalaki?"
Tanong ni Brent sa landlady ni Georgina habang papasok na sa loob ng kwarto.
"Teka yung sapatos mo wag munang hubarin napakadumi dito sa loob. Nasa P 1,200 ang isang buwan lang naman hijo.""Ganun ho ba?"
Naglibot libot sa loob si Brent, tinitingnan ang iilang gamit ni Georgina ng mapansin niya ang litrato ni Georgina sa study table nito.
"Woahh...ang cute naman niya dito. Bata pa talaga siya dito. HAHAHA"
Inilagay niya ang litrato sa kanyang bulsa. Napansin din niya ang kanyang mga litrato na nakadikit sa pader ang iilan dito ay mga stolen at ang iilan naman ay galing sa kanyang facebook.
"Ahmmm..."
"Po??"
"Ilang taon ka na ba?" -tanong ng matandang babae kay Brent.
"I'm 20 years old po."
Habang patuloy na naglilibot sa kwarto ni Georgina at nagliligpit ng iilang gamit na maari pang pakinabangan.
"Talaga? Akala ko kasi magkasing edad lang kayu ng anak ko. 23 years old na kasi yun tas sexy."
"Ganun po ba?"
"Oo, ahmm meron ka na bang trabaho?""Meron na po..security guard ako."
Pumasok si Brent sa loob ng banyo ng kwartong iyon ng mapansin niya na isang litratong nakadikit sa pader nito.
Litrato niya habang nakatopless, pawis galing sa paglalaro ng baseball.Agad din niyang napansin ang kanyang damit na sa pagkakaalala niya ay bigla nalang nawala nung naglalaro siya ng baseball. Ang pagkakaaalala niya pa ay ang damit na iyon ay puno ng pawis. Nakasabit ito sa isang hayhayan sa loob ng banyo.
"Baliw talaga yung babaeng yun..."Lumabas na si Brent sa banyo ng may ngiti sa labi. Di niya maipaliwanag pero natutuwa siya sa kanyang mga nasaksihan ngayun.
"San ka nga pala nun nag-aaral? Yung anak ko kasi graduate siya sa B University at---""Ito po tanggapin niyo, nandyan na po lahat ng perang katumbas ng halagang dapat bayaran ni Georgina.. tas sinubrahan ko din po yan para sa konsimisyon niyo."
"Naku hijo salamat--"
"Maari po ba akong makahiram sa inyo ng gloves, isang malaking garbage bag at kahon po.""Ay oo naman, yun lang ba? "
"Yun lang po salamat."
"Sige, hintay ka lang muna dito ha."Nang naibigay na ng matanda lahat ng kailangan niya ay agad ng sinimulan ni Brent ang paglilinis ng kwarto ni Georgina, hanggang ngayun ay di pa rin niya maipaliwanag ang sayang dulot ng mga litratong nasa loob ng kwartong ito at ang ninakaw na niyang damit.
Nang matapos na siyang maglinis ay agad niyang binaba lahat ng mga mapapakinabangan pang gamit ni Georgina at inilagay ito sa kanyang kotse.
"Lahat ng nandito itatapon ko na?"
"Opo, maraming salamat po,, nakuha ko na po lahat ng pwede pang gamitin ni Georgina.""Okay sige hijo.. pero di mo pa nasasabi sa akin kung anong meron sa inyo ni Georgina, kaano ano mo ba siya? Girlfriend mo ba siya?"
"HAHAHAH.. Joker din po pala kayu.. sige po alis napo ako."
"Sige hijo, mag iingat ka."
"Salamat po."Nagpaharurot na ng takbo si Brent pabalik sa kanyang bahay ng may ngiti sa kanyang mga labi.
Samantala sa bahay ni Brent ay naiwan si Georgina sa loob ulit ng basement nakatali ang mga paa gamit ang isang mahabang kadena na nakalock sa poste ng basement.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...