CHAPTER 59: Butterfly

2.2K 43 5
                                    

  Last two chapters for season 1 ... 

We need to end, so that we can begin again. 


GEORGINA'S POV


"Kaninang 3:00pm lang.. si Brent Lorenzo, sinabi na niya lahat ng nalalaman niya."  

Napadikit ako upuan ng bigla nalang bumilis ang pagpapatakbo ng detective sa patrol car. 
Anong ibig sabihin ng mga sinabi niya? 

Umamin na si Brent? 
Lahat? 
Lahat sinabi niya. Ang pagpatay niya, ang lahat lahat? 
Di maari. Ano nang mangyayari ngayon sa amin ni Brent. 

Huwag mong sabihing pati ang pagpatay ko kay ...

Hindi! Hindi magagawa ni Brent yun sa akin. 


Inayos ko ang aking pagkakaupo. Nasa backseat kasi ako, bahagya akong lumapit sa drivers seat para makausap ulit ang detective.  

" Sir-" pasimula ko. 

"May huli ka pang kailangan gawin para sa amin, bilang witness." saad niya sa akin habang nakafokus sa pagmamaneho.

"Si Brent po. Anong mangyayari kay Brent? Nasaan siya?" may pag aalala kung tanong. 

"Ipapaliwanag ko sayu ang lahat pagdumating na tayo sa police station."



Police station? Dinala nila si Brent sa isang police station? Ikukulong naba nila si Brent. Wag naman sana. Anong kailangan ko bang gawin para sa kanila. Bilang witness, hindi ko kayang ipahamak si Brent. 

Dahil 

Mahal ko siya. At sa tingin ko ay mahal na din niya ako. 

"Strumming my pain with his fingers.."

Bigla na lamang nakuha ang aking atensyon ng pagtunog ng radyo sa loob ng sasakyan ng detective.  Ang kantang yun? 

Mas lalo ko na tuloy namiss si Brent. Sana ay magkita na kami, sana ay matakasan na namin ang sitwasyong ito. 

Diyos ko! 

Tulungan niyo po kami.

Matapos ang ilang minuto ay dumating na kami sa station. Dinala niya ako sa isang silid kung saan may isang maliit na mesa at dalawang upuan na magkaharap.  Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuang yun. 

Nang makaupo na ako ay biglang tumunog ang cellphone ng detective. "Hello, oo ako to!"


"Oo, andito na kami,.......Bilisan mo diyan..." pagkatapos ay agad niyang pinatay ang tawag. 

"si-Brent?" tanong ko ulit. 

"Sasabihin ko rin sayu kung nasaan siya matapos mung sagutin ang ilan sa mga katanungan namin sayu." saad niya habang nakatingin sa cellphone niya. Napayuko nalang ako habang nanginginig na naman. 

"Kumain ka na ba?" 

"Uhhh..Hindi pa po."

"Relax ka lang. Wag kang matakot. Dito ka lang muna kukuha lang ako ng makakain mo."
Lumabas na siya ng silid at naiwan na lamang akong mag isa. 

"Brent, asan ka na ba?" bulong ko.



  THIRD PERSON'S POV


Nang makalabas na ang detective na si Mori ay siya ring pagtunog ulit ng cellphone nito. 

"Hello?"

.........................

"Si Xander? Hindi ako sigurado chief pero bakit mo tinatanong?"

....................................

"Di niya sinasagot ang mga tawag mo? Bat naman?"

.......................................

"Kung magleleave siya sigurado akong babalik agad yun. Pe-"

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon