CHAPTER 13: Illusions ☻

4.3K 119 3
                                    

GEORGINA

GEORGINA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TIK 




TOK



TIK



TOK




TIK




TOK




Dahan dahan kung iminulat at aking mata. Tansya ko ay nasa mga 20 minutes na ang lumipas simula nung lumisan si Brent. Ang lakas pa rin ng buhos ng ulan sa labas. 


Dahan dahan akong tumayo habang nakasupporta ang aking dalawang kamay sa mesa. Sinilip ko ang pintuan na nilabasan ni Brent. Nasa isip ko na ang lahat. 

Handa ko na bang gawin ang isang bagay na dapat matagal ko ng ginawa? Ang pagtakas sa lugar na ito. Kahit na ganun ang pakikitungo ni Brent sa akin di parin maikakailang isa siyang mamatay tao. Kahit na anong oras ng aking buhay sa lugar na ito, ay nanganganib ang aking buhay at kapag di ako gumawa ng paraan para makatakas sa lugar na to ay sigurado akong ako na ang susunod na bangkay sa loob ng closet. 

"Ughhh!!" daing ko dahil sa sakit na aking naramdaman habang sinusubukang tumayo. 

Napaupo muli ako dahil sa halong kaba at lamig na aking nararamdaman. Niyakap ko ang aking sarili habang napakaraming tumatakbong mga ideya sa aking isipan. Mga katanungan, mga balak, at mga pagdududa. Na di ko maaring ipawalang bahala. 
Bawat decisyon na aking gagawin at ang mga hakbang na aking gagawin ngayon ay may kaakibat na consequences. 
At maaring kamatayan iyon kapag pumalpak ako. 

Teka? 

Anong oras na nga ba? 


Napalingon ako sa orasan. 

It's already 6:05pm, ibig sabihin may isang oras pa ako bago siya bumalik. 

Ito na nga ba ang tamang pagkakataon kung makaalis sa bahay na to? Ito na lang ang tanging naiisip kong tamang oras para makaalis,. Dahil kung hindi ngayon di ko na alam kung kailan pa. 

May sapat pa akong oras  para makaalis, sapat na oras para makahingi ng tulong sa labas at madala ako sa mga police. 

Pero?

Marami paring agam agam ang aking utak maging ang kaba sa aking puso ay hindi ko maiwaglit. Maari kasing danasin ko ang dinanas ni Anne sa kamay ni Brent. 

"Don't cross the line!"

Naaalala ko ang paalala ni Brent sa akin. Napaatras ako at nadagdagan na naman ang takot na aking nararamdaman. 


Stop! this Georgina, kailangan mo ng umalis sa bahay na ito. 

Pagpapalakas ko ng loob sa aking sarili. Tama kailangan ko na talagang makaalis dito.Dalawang bagay ang tumatakbo sa aking isipan ngayon. 


Una, ang desisyong umalis sa bahay na ito, upang matakasan ko na si Brent at makabalik na ako sa aking dating buhay ng wala siya. 

  "Let's make a deal." 

"Don't cross the line!" 

"Simula sa lugar na ito, pag ginawa mo at lumampas ka. Gigil.itan ko ang leeg mo at hihiwain ko ito ng dahan dahan at the same steady speed that you feel the pain you will never ever feel again. "     

Nanginig ako habang naaalala ko na naman ang mga nasabi ni Brent sa akin. 

  "And you're going to see Anne again. "   

Ikalawa, ang manatili na lamang sa tabi ni Brent.. Bilang isang babaeng di matukoy kung anung koneksyon sa kanya. Ang manatili sa loob ng bahay nato habang nakalibing na sa hukay ang kabila kong paa. 

Ano nga ba ako kay Brent? 

Laruan?

Katulong?



di kaya'y..

ISA LAMANG AKONG HAMAK NA STALKER NA INAASAM PARIN ANG PAG IBIG NG ISANG KILLER NA IMPOSEBLE NAMANG MAGING AKIN. 



GEORGINA! Gumising kana, kailangan mo ng umalis sa bahay na to. Sa impreynong to. 
-usig sa akin ng aking kosensya. 


Kaya naman ay pinilit kung maglakad papunta sa pintuan ngunit ng mapansin ko ang aking suot na napakadumi ay nagtungo muna ako sa banyo upang makakuha ng damit. Kahit na sobrang sakit parin ng mga sugat ko ay pinilit kong magtungo sa banyo. 

Nang makarating ako sa banyo ay agad kung tinungo ang washing machine. Binuksan ko ito ay dahan dahang binunot ang ilan sa mga damit ngunit ng naabot ko ng ang isa sa mga damit ay may naamoy akong masangsang, kasabay ng isang bagay na aking nahawakan sa loob ng washing machine. Kinapa ko ito at dinama kung anong klaseng damit itong nahahawakan ko. 
Dahan dahan ko itong binunot palabas ng washing machine. 

"Uhhh.." daing ko nang makita ko ang nabunot ko mula sa washing machine. Nanlaki ang aking mata kasunod ng sobrang kaba na aking naramdaman. 


"Kamay?" 

Isang kamay ang aking nahawakan sa loob ng washing machine. Sa aking pagkagulat ay napaatras ako sa aking kinaroroonan. 

Isang kamay ?

Sa washing machine ba nilalagay ni Brent ang mga katawan ng taong pinapatay niya? 

Kahit  na sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba ay lumapit uli ako sa washing machine at hinawakan ang kamay na nakausli sa labas nito. Pilit ko itong hinila at sa aking paghila ay lumabas ang pirapirasong katawan ng tao. Kasabay nun ay ang pagtalsik ng napakaraming dugo sa aking mukha. 

"AHHHHHHH!!!" 

Napasigaw ako sa sobrang takot, dahil sa mga patayng katawan ng tao sa aking harapan. 

Napapikit ako, ramdam ko ang takot, kaba at pagkabahala sa aking buong katawan. 

Si Brent! Ang lalaking yun! Isang siyang mamamatay tao. 

NAgkaroon lang ulit ako ng lakas ng loob at isa pang dahilan upang maglakas loob na makatakas sa bahay na ito. Dahil kapag hindi pa ako talaga lumabas sa lugar na to ay maaring maging ganito din ang mangyari sa akin. Ang ma chop chop at maging laman ng washing machine o di kayay ref. Hindi hindi pwede! 

Hindi ako pwedeng mamatay! 

Hindi!

Kinalma ko ang aking sarili at dahan dahan kung minulat ang aking mga mata. 

.

.


.

.

.

.

.
Ganoon nalang ako mas lalo pang nagulat ng ang mga pirapirasong katawan sa aking harapan ay mga bagong labang damit pala ni Brent.

Anong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito ?  

Kung ano ano ng pumapasok sa isip ko.. 


ARGGHHHH!! Georgina kumalma ka!

Nagbihis agad ako. Dali dali akong nagtungo sa sala upang makalabas na. Gumapang ako ng gumapang upang mabilis na makarating sa pintuang konti nalang ay abot ko na.Ito na malapit na talaga ako. Ang kailangan ko nalang gawin ay ang mabuksan ito at makahingi ng tulong mula sa labas.  

"SAAN KA PUPUNTA?"
Bigla na lamang akong napatigil ng maramdaman ko ang isang patalim na nasa aking leeg. Konti nalang at hihiwa na ito sa aking mga laman. 

"Bre--nnttt-tt? ahh.."
Kasabay ng aking pagsambit sa mga katagang iyon ay ang pagtalsik ng dugo mula sa aking leeg. 


Ito na ba ang aking katapusan?


She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon