Chapter 64: Senses

932 20 5
                                    

COMEBACK IS REAL GUYS! 

As promise I made my comeback this April 2019 ... 
Nakakapanibago lang kasi bumalik yung urge ko to write stories. 
Lately, I have been so stressed.  Nasa adulthood stage na po ang inyong lingkod mga ka killers! 
Sana intendehen niyo ako. 

KAEL is back! 

G and B is back! 


with love ... 
with blood..
let's kill this love 

comment naman kayo please... 
.............................................................................................................



Nasa ikalawang palapag ako ngayon ng bahay ni Brent. Tanaw na tanaw ko ang hubad na katawan nito habang nakaupo sa sofa hawak hawak ang kanyang cellphone gamit ang kanyang duguang kamay. Nasa lapag naman ang  walang buhay na katawan ng isang delivery girl. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako papunta sa kusina. 

Habang nasa hagdan ay bigla kong naalala na mag aanim na buwan na pala simula nung magkakilala kami ni Brent. Di ko akalaing hahantong sa ganito ang masidhi kong damdamin para sa kanya. Subalit sa mga nangyari ay wala akong niisang pinagsisisihan masaya ako sa piling niya kahit alam kong mali ang kanyang mga pinag gagawa. Hindi mali, aming pinagagawa. 


"Linisin mo yan!" 


Napalingon ako mula sa kusina ng marinig ko ang pag sigaw ni Brent. Nangangahulugang iyong ipapalinis niya sa akin ang bangkay ng babaeng nasa sala. Sa anim na buwan naming pagsasama ni Brent ay parang wala na sa akin ang makakita ng patay na katawan sa loob ng kanyang bahay. Minsan ay muntikan na kaming mahuli pero sadyang nakakalusot parin si Brent. 


"Oo, lilinisin ko na yan!" sigaw ko. 

Dali dali akong kumuha ng gloves mula sa kabinet at agad kong sinimulang linisin ang sala. Habang si Brent naman ay busy parin sa kanyang paglalaro. Napuno ng dugo ang sala. Tadtad ng saksak ang leeg nito at ganun din ang kanyang tiyan. 

"Phew!"

Makalipas ng ilang minuto ay naisilid ko na sa sako ang walang buhay na babae. Nahirapan akong gawin yun ng mag isa. Minsan kasi tinatamaan din ng katamaran itong si Brent. 


"Magbihis ka na!" saad ng boses mula sa likod ko. Napalingon ako at si Brent iyon na may hawak na damit. Kinuha ko ito sa kamay niya pero bago ko pa yun magawa ay hinila niya ako papunta sa kanyang mga bisig. 

"Gumaganda ka talaga kapag may dugo ang katawan mo, so sexy.." 

Di ko maiwasang makiliti dahil dinidilaan niya ngayon ang leeg kong puno ng dugo. Di ko mapigilang mapaungol dahil sa sarap na dulot ng ginagawa ni Brent sa akin ngayon. 

"Ughhh! Bre.." di ko natuloy ang aking pag ungol dahil bigla niya nalang akong itinulak. 

"Bilisan mo na! Ang libog mo talaga..." saad nito habang may mga ngiti sa labi. Di ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili ko kung bakit nagustuhan ko ang isang katulad niya. 
Dali dali akong nagbihis. Nasa labas na si Brent inihahanda ang kotse. 

"Uh" 

Lalabas na sana ako ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin. 

"Ang pangit mo na talaga, Georgina!" 

Napalingon ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Pero wala akong nakita. 
Minsan talaga di ko maintindihan ang sarili ko dahil nakakarinig ako boses. Boses na parang katulad ng aking boses. 

"PEEPPPP!" nagising ako sa aking pag iisip ng marinig ko ang malakas na busena ng sasakyan ni Brent. 

"Andyan na!" sigaw ko. Dali dali akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Katabi ko si Brent sa loob ng kotse. Ngumunguya ito ng gum habang nakatingin sa kalsada. 
Tahimik lang ako habang nakayukong pinagmamasdan ang hawak kong isang supot mansanas. 

Dumaan kasi kami kanina sa bilihan ng mansanas. Everytime kasi na mas ihahatid kaming bangkay sa bundok na yun lage kaming bumibili ng mansanas. 


"Are you okay?" 


"Uhhh! O..o.."


"You're lying...Tell me what's wrong? Di ka pa rin ba sanay sa kung anong buhay ang meron ka ngayon Georgina?"


"Brent, kasi..."


"Ano? Iiwan mo rin ba ako? Tulad ng ginawa nila sa akin."


"Hindi naman sa ganun pero yung ganito, yung pagpatay mo ..."


"Pagpatay ko? HAHAHHAHA" 


"Baka nakakalimutan mo Georgina, di lang ako ang mamatay tao ang nasa loob ng sasakyang to?" 

Napahigpit ang hawak ko sa supot ng mansanas dahil sa mga sinabi ni Brent sa akin. Marahil ay tama siya kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa sitwasyon namin. Ilang buwan na din ang nagdaan simula nung makilala ko si Brent. Dapat ay sanay na ako, dapat. 


"Okay lang yan labs!" saad ni Brent habang hinahaplos ang buhok ko kasunod ng pagbibigay sa akin ng napakagwapong ngiti. Nakita ko na naman ang ngiti niyang nakakawala ng mga bagabag. 


Anong meron sayo Brent at di ko magawang magalit sayo? 


"Uhhhh.."


"Gising na mahal ko..." 

Di ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising na lamang ako dahil sa mga haplos ni Brent sa aking mukha. 


"Nandito na tayo..." 


Lumabas agad ako sa sasakyan. Nandito na naman kami sa masukal at napakatagong kagubatang ito. Ang kagubatan kung saan namin itinatapon ang mga bangkay ng napag iinitan ni Brent. Dina ito yung dating bulubundukin kung saan itinapon namin si Brigette. 

Ngayon ay tanaw ko si Brent habang hinuhubad ang damit niyang pang itaas. Tanaw na tanaw ko ngayon napakisig niyang katawan. Ang naglalakihan niyang muscles at abs. Di ko tuloy mapigilan uminit dahil sa tanawing aking natutunghayan. 

"Ang sarap diba?" 

Ito na naman ang boses na naririnig ko sa aking isipan. Ano bang nangyayari sa akin? 

"Ano Georgina, sungaban ko na ba? Wala namang makakakita...Kung di mo kayang gawin ako ng gagawa..." dagdag pa nito. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang sakit. 

Tanaw ko naman ang nag aalalang mukha ni Brent na ngayon ay palapit na sa akin. Tuluyan ko ng nabitawan ang supot ng mansanas na hawak ko.

"Okay ka lang ba? Hoyy!! Georgina!!" 

"Okay lang ako Brent..nahihilo lang ng kunti.." di ko na maunawaan ang sarili ko parang gusto kong halikan si Brent sa mga oras na to . Gusto ko siyang mapaligaya. Nag iinit ako na di ko maipaliwanag. 

"Talaga ba, wag mu-" di na natuloy ni Brent ang sasabihin niya dahil hinalikan ko siya ng sobrang diin. Hinaplos ko ang kanyang katawan.  Ramdam ko ang paganti ng kanyang mga labi subalit may naghahalong pagtataka ang kanyang mga mata dahil sa aking ikinikilos. Maski ako ay di ko maunawaan. Nababaliw na ba ako. 


Bigla akong itinulak papalayo ni Brent. Napasandal ako sa isang puno na nasa aking likuran. 

"Anong nangyayari sayo? Nababaliw ka na ba? di to ang tamang oras para dyan" saad ni Brent habang may kaunting galit ang mga mata. 

"Bilisan na natin, gutom na ako."


Bakit ganun? 


Anong nangyayari sa akin? 


Nababaliw na ba ako? 





Napuno ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Makalipas kasi ng ilang oras na paghuhukay at paglilibing sa katawan ng delivery girl ay agad na kaming nagmaneho pabalik ng bahay. 


"Do you want to do it pag uwi natin?" saad ni Brent habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. 

"Hin.."


"In.denial ka pa? Siguro wet na wet ka na naman. Yan ang gusto ko sayo Georgina. Di mo ako hinahayaang magsawa sayo. You have lots of suprises. Ipagpatuloy mo lang yan at magkakasundo tayo. HAHAHAHA.."



Napayuko nalang ako habang naririnig ko ang mga sinabi ni Brent. 
Makalipas ng ilang oras na pagmamaneho ay dumating na kami sa bahay ni Brent. Agad akong nagluto ng makakain namin. 

Nakita ko naman si Brent na papunta sa basement ng bahay. 

Ano kayang gagawin niya dun? 



........................................................................................................................................

Nasa basement ako ngayon habang hawak hawak ang isang bagay na bubuo ang nakakapagod kong araw. Napangiti ako ng marahan sa ideyang pumapasok sa aking isipan. This gonna be hella exciting night. 

Naramdaman ko ang marahang pagtigas ng aking ibaba dahil sa aking naiisip. Di ko maintindihan kung bakit pero kakaibang libog ang dulot sa akin ng inaasta ni Georgina ngayon. Lalo na nitong mga nakaraang araw. Parang bagong tao ang kasama ko sa bahay. Di ko siya maunawaan minsan. 


"Ang sarap naman nito! Gumagaling kana ahh" papuri ko niluto niyang dinuguan. 

"Syempre, kasi magaling kang magturo.." mahina nitong sagot. 

"Hahahhaha..." 

Lumipas ang kalahating minuto at sumapit na ang 10:30pm. Tamang oras para sa kakaibang planong pumasok sa isipan ko. Habang kumakain si Georgina ay bigla akong lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya ng sobrang diin. Nanlalaki ang kanyang mata habang ginagawa ko iyon. 

"Brenttt...ughhhh.."
Habang ginagawa ko iyon ay dahan dahan ko namang itinatali ang kanyang kamay sa likuran ng silya. 

"Brent..!?" pagtataka niya. 


"Shhhhhh..." saad ko habang pinagpapatuloy ang pagtali sa kanyang kamay sa silya.

Hinubad ko ang suot kong basketball shirt sa harapan niya habang dahan dahang gumigiling. Nakita ko kasi to sa isang post sa facebook. Magaling din naman ako sumayaw kaya sinubukan ko na. Baka magustuhan ni Georgina. I slowly dance infront of her. 

Ramdam ko naman ang init katawan niya habang pinamamasdan ang aking katawang gumigiling. Tinanggal ko na din ang suot kong boxer shorts at bumungad kay Georgina ang napakalaki kong kargada na ngayon ay brief nalang ang humaharang. 

"Are you excited labs?"

Napatango naman siya habang pinagmamasdan ang hubad kong katawan. 
Tatangalin ko na sana ang huling saplot ng aking katawan ng may nakita akong kakaiba sa bintana ng sala. 

"Uhhh " saad ko habang mabilis na kinuha ang kutsilyong nasa misa. Dali dali akong tumakbo papunta sa sala at agad na lumabas. 

"Brent?"

Di ako maaring magkamali mata ang aking nakita. 


"Tangn*! Papatayin ko talaga ang taong yun!" 

Kitang kita ko ang pagtalon ng isang lalaki sa aming bakuran. Uminit bigla ang dugo ko. Gusto kong pumatay ng tao ngayon. 


"HOY!!"  sigaw ko pero di ito nakinig. Kahit na nakabrief nalang ako ay mabilis akong tumakbo upang sundan siya. Di ko mapapalagpas ang ginawa niya. Babalatan ko siya ng buhay. 


Pero huli na ang lahat dahil nakasakay na ito ng motorsiklo.

"BUWIST!"  sigaw ko ng bigla kong maalala si Georgina. Nag iisa nalang siya dun at nakatali pa siya sa silya.


 Paano kung?


Mabilis akong tumakbo pabalik ng bahay. Dali dali akong nagtungo sa kusina. 

"Hindi! Georgina?!"


Huli na ba ako? 


 


She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon