CHAPTER 1: She's the STALKER✔

8.4K 221 18
                                    

"A is for Akin ka lang"
"B is for Brent" , saad ko habang nakahiga. Kakagising ko lang at hawak hawak ko ngayon ang litrato ni Brent. Isa ito sa mga litratong stolen ko lang habang naglalaro siya ng baseball. 
Siya nalang talaga ang nagbibigay kulay sa buhay ko. 

"GEORGINA!!!! ANONG GINAGAWA MO DYAN! GISING NA!!! PUMUNTA KANA SA PALENGKE!!", napatakip nalang ako ng tenga dahil sa narinig kong bulyaw ng tiyuhin kong sugarol at lasinggero. 

"Sige po!"

Meron akong lalaking nagugustuhan. 

Gusto kung malaman ang lahat ng tungkol sa kanya.

Sinusubaybayan ko ang mga gawain niya araw araw. Ang mga kilos niya, ang mga taong malapit sa kanya, at ang iba pa niyang mga gawain. 

Masakit mang isipin pero di niya ako kilala, di niya ako kaibigan, at kahit kailan alam kung di niya ako papansinin. Sino ba naman ang magkakagusto sa babaeng patpatin, panget, at nilalayuan ng lahat. 

Di ko rin naman gustong malaman niyang ganito ako sa kanya. Dahil baka pandirihan niya lang ako at isa pa di kami bagay. Langit siya, lupa ako. Kape siya, asin ako. Spaghetti siya, bagoong ako.

Alam niyo yun? 

Di kami bagay, di kami hayop, at di kami match basta yun na yun. 

Kung meron mang award ang pagiging stalker siguro ay mahihirapan kayong talunin ako.   

Ako si  Georgina Flores at ito ang aking kwento. 

Ako ay isang STALKER.


..........................................................................................

Nakasakay ako ngayon sa jeep. Tanaw na tanaw ko ang mga mata niya habang nakatingin sa malayo. May bahid ito ng lungkot at takot na di ko maipaliwanag kahit matagal ko na siyang kilala. Ang pagkatao niyang parang puno ng mysteryo. Mysteryo na gusto kong alamin. Gusto kong matuklasan. 

Kahit anong gawin ko ay di ko parin talaga mapigilan ang sarili kung titigan siya ng palihim. Ang mapupungay niyang mga mata, ang napakakintab niyang buhok, ang mapupula niyang labi, ang matangos niyang ilong, at ang maskulado niyang katawan at mga bisig. 

"Para!!" napahinto ako sa pagpapantansya ng biglang huminto ang jeep sa Kanto Tinio, ang kanto bago ang Kanto Tana kung saan matatagpuan ang bahay namin. 

Kasabay ng paghinto ng jeep ay sya ring pag-alis ng lalaking aking lihim na iniibig. Si Brent Lorenzo, na malabong maging akin at mapasaakin kahit akin man itong naisin. 

"Para!" sigaw ko. Ito na naman ako umaandar na naman ang pagiging stalker ko. Lihim kong sinundan si Brent. 

Di nagtagal ay merong babaeng biglang yumakap sa mga bisig niya. Gulat naman ng bahagya si Brent dahil sa babaeng yun. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa malampasan ko sila habang naglalampungan sa daan. 

Kahit na gusto ko siyang tanungin kung kaano ano niya ang babaeng iyon ay di ko magawa. 
Wala akong karapatang magtanong. Dahil walang kami, walang kami. At ni ang pagkakaibigan ay wala kami.

 WALAA!!

 Nakita ko din kasi siya minsang may kahalikang babae sa park  pero iba din ang babaeng iyon.  Maganda ang hubog ng katawan nito. May magandang mukha, magandang damit, at talaga namang nakakaakit na klase ng babae. Ang babaeng nanaiisin ng sino mang lalaki. 
Di naman din kasi katatakang maraming babae talaga ang maakit sa angking kakigsigan ni Brent. Maliban sa pagiging baseball player kilala din siyang singer at matalino din siya. 

Kaya naman ay maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. 

Ano laban ko sa kanila? Isa lamang akong hamak na mahirap na babaeng patpatin, di ganun katanggad, panget, at isa pang desperadang stalker. 

Wala, wala akong laban. Tulad ng pag-asa kung mahawakan o mayakap man lang si Brent.
Wala akong pag-asa.

Habang naglalakad ako sa aking inuupahan ay naalala ko ang isang planong matagal ko ng binalak na gawin. Tumingin ako sa aking relo at binilisan ang aking paglalakad. Ngayung gabi ko isasakatuparan ang aking plano.
Mula sa ilang linggo pagmamatyag sa bahay ni Brent ay nabuo ang isang planong matagal ko ng binalak na gawin. Kahit di ko siya maangkin ay makita ko man lang ang loob ng kanyang bahay. Makakuha ng ilang litrato at maamoy ang kanyang higaan ay ayos na para sa isang katulad ko. 

"hahhahahaa" 

Nagmadali agad akong nagtungo sa bahay ni Brent.  At agad ko inakyat ang maiksing bakuran ng kayang bahay. Buti nalang at medyo madilim na ang paligid at medyo malayo layo ang kasunod na bahay sa bahay ni Brent kaya wala ako masyadong aberya. Gamit ang flashlight ng aking cellphone ay agad kung tinungo ang likod na parte ng bahay at gamit ang id card ko ay pinilit kung buksan ang pintoan. 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon