GEORGINA
"STOP GOING ON ABOUT HOW LONELY YOU ARE. NAKAKAINIS ANG MGA KLASE NG TAONG GANYAN. I HATE IT MUCH."
Sigaw ni Brent sa akin na gumulat at ang kanyang boses ay bumalot sa buong kwarto. Minsan ay di ko talaga maintindihan si Brent, napakadaling magbago ng kanyang mood. Kaya naman ay kailangan ko talagang mag ingat sa bawat kilos at salita na aking gagawin at sasabihin dahil maaring sa isang mali ko lang buhay ang kapalit.
"Kung ganun ay ano ang aking gagawin?" saad ko habang nakayuko. Ewan ko ba pero nahihiya ako. Para kasing natamaan ako sa mga sinabi niya. Hindi ko maikakailang tama ang kanyang sinabi."Hmm"
Biglang sumeryuso ang mukha ni Brent kasabay ng paghawak sa aking kamay ay nagsalita siyang muli na may mahinahong boses.
"Ikaw at ako... pareho tayung ulila...kaya tayo tayo nalang ang magdadamayan. Kaya wag mo nang uulitin ang ginawa mo kanina ha" saad niya habang inangat angat ang aking kamay.
"Pero at least ramdam kung andito pa rin si mama kapag nandito ako sa bahay nato."
Patuloy pa rin ang paghawak niya sa kamay ko. Ikinikiskis niya din ito sa kanyang pisngi. Nanaginip pa rin ata ako. Ang lalaking dati ay pinapangarap ko lang na mahawakan at makausap ngayon ay..
Ayyy.."Sa tuwing natutulog ako dito lage nya akong ginigising ng biglaan...minsan ay ginigising nya ako sa pamamagitan ng pagbalibag ng pintuan, at kung minsan naman ay sinasabuyan ako ng tubig sa aking mukha," ani ni Brent na may lungkot sa bawat kataga. Di ko aakalaing ganun pala ang naranasan niya sa kanyang mga magulang.
"Minsan ay nagagalit din siya sa akin inilalagay niya ako sa closet na yun at hindi ako pinagbubuksan hanggat di nya ako pinapatawad. "
"Kapag laging nangyayari yun.. di ako mapakali, at di ako makatulog. Umiiyak ako at minsan ay binalak ko na ding magpakamatay pero hindi ko ginawa.""Hanggang sa dumating ang araw na iyon. Ang araw na di ko inaasahang dumating. Di ko aakalain mangyayari iyon," saad niya.
"Sa di inaasahang pagkakataon ay gumanda din naman ang buhay ko. Life must go on ika nga."
"Iniwan nila ako. HAHHAHA" pagtawa niya. Tumatawa siya pero malungkot ang kanyang mga mata. Ang mga salitang binatawan niya, ang tuno ng kanyang boses. May halong kirot at puot. Tumingin ako sa mga mata niya. Na parang nagtatanong naghahanap ng kasagutan kong paanong bumuti ang kalagayan niya sa bahay nato pero wala, wala akong makita.
"Hanggang sa makilala kita."
Ngayun ay inilalapit na niya ang kanyang mukha sa aking mukha.
"Siguro ay hindi ka komportable dun sa basement kaya di na kita ikukulong dun basta magpakabait ka lang para magkasundo tayo. Ngayong nandito kana di na ulit ako nag iisa, salamat kasi minahal mo ako kahit ganito ako." saad ni Brent na may malambing na boses habang hawak parin ang aking kamay at inaamoy amoy ito na kumikiliti sa aking pakiramdam.
"Gusto mong malaman ano ang dapat mong gawin diba?" siya ulit. Di ko alam pero di ko magawang makapagsalita. Hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwalang nangyayari ito sa pagitan ko at ni Brent.
"Uhh!" daing ko ng bigla akong nakaramdam ng mainit at malambot na bagay sa kamay ko.
Ganun nalang ang paglaki ng aking mata dahil sa ginawang paghalik ni Brent sa king kamay. As in totoong halik, dama ko ang dila niya na dumadampi sa aking balat. Nakikiliti ako, di ko maintindihan ang dumadaloy sa aking emosyon ngayon. Si Brent ba talaga tong nasa tabi ko ngayon.
"I wonder if this is an enough answer for you. Siguro ay sapat na ang ginawa ko para malaman mo kung ano ang dapat mong gawin," saad niya sabay kindat pa sa akin. Bakit ganito ang init ng mga pisngi ko.
Hawak nya parin ang kamay ko at ngayun ay nakadikit na ito sa kanyang napakagwapong mukha.
"Bren-tttt.."
"Hmmmmm...??"
Dahan dahan ng lumapit si Brent sa akin, hinawakan niya ang aking mukha habang unti unti siya lumalapit sa akin upang ako ay halikan."Wag Brent.."
"hmmm...?"
"A-amoy suka parin ako at aya-" di ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla nalang akong hinalikan ni Brent. Isang maalab at madiin na halik.Hindi maipaliwanag ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Si Brent ang lalaking pinangarap ko lang dating mahalin at ngitian ako, ngayun ay hinahalikan na ako sa kabila ng aking kadungisan at amoy suka pa talaga ako.
Napakagaling niyang humalik di pa man ako ganun ka galing pero pilit akong lumaban sa napakainit niyang halik sa akin. Ang kanyang dila ay hindi mapakali habang sinasakop nito ang aking bibig. Ramdam ko rin ang mga kamay ni Brent na naghahari ngayun sa aking buong kamalayan.Ohw Brent!
Epekto lamang ba ito ng aking nakaing lason para sa daga?
Si Brent, ang lalaking palihim kong minahal sa loob ng tatlong taon ay hinahalikan ako?Nagpatuloy pa rin ang aming halikan, mainit maalab na parang kilala na namin ang isat isa.
At
Mahal ba namin ang isat isa?
Minulat ko ang aking mata at nakita ko ang napakaamong mukha ni Brent sa aking harapan. Nakapikit siya habang nakadikit parin ang kanyang mga labi sa aking labi.
Pero bago ko pa man maisarang muli ang aking mata upang damdamin ang halik ay lumabo na ang aking paningin kasabay ng muling pagsayaw ng buong paligid at pag itim ng aking mga paningin.
"Georgina!!!"
Ang huling salitang aking narinig kasabay ng aking pagbagsak sa mga bisig ni Brent.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...