CHAPTER 60: Season 1 Finale

3.4K 51 13
                                    

This is it! End of season 1 :D 

I hope you will like this update. 

Credits to: Koogi <3 

WARNING: SPG AHEAD.. PATNUBAY NG BASEBALL BAT NI BRENT ANG KAILANGAN. CAPS YAN HA. 

Walang sisihan. Ps. Di pa ako ganun kagaling gumawa ng Bed scenes. Birhin pa nga kasi ako diba? HAHAH 

Thank you sa lahat ng nagbabasa until sa end ng chapter 1. 
Special Dedication to: Kambal Klarisa Corral. 


GEORGINA


  "Wala na akong ibang mahihiling kundi ang makita si Brent. Hayaan niyo akong makita siya," saad ko sa pulis habang may mga luha na ang aking mga mata. Nasasaktan ako sa mga nangayayari. Namimiss ko na si Brent. Sobrang namimiss ko na siya. 

"Ano?" saad ng pulis habang nakasalubong ang kanyang kilay.


Napansin ko ang pag-iba ng awra ng kanyang awra. Gulat siya habang may galit sa kanyang mga mata. 

"Excuse me? Naririnig mo ba yang mga pinagsasabi mo?" 

Ngayon ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin. "Di mo naman kailangang madaliin ang mga sagot mo, kaya please lang. Alalahanin mo lahat." 

Nakatayo na siya ngayon sa aking harapan. Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. 

"ALALAHANIN MO!!! OKAY!!!" sigaw nito sa akin. Gulat na gulat akong napasandal sa kinauupuan kung silya. 

"Nakakaintindihan ba tayo?" dagdag pa niya. 

Napayuko lang ako habang patuloy ang pagtalak ng pulis sa harapan ko. Di ko siya gustong pakinggan. Di ako maniniwala sa kanya at di ko rin siya kilala. Mahal ko si Brent at di ko siya magagawang ipahamak pa. 

"Bakit mo siya gustong makita?" 

Di ko siya sinagot bagkus ay lumingon ako sa kaliwang bahagi kung saan matatagpuan ang bintana. 

"Nakikinig kaba?! Bakit di ka nagsasalita?!!!" sigaw ulit niya sa akin. 

"Impossibleng wala kang nalalaman, impossibleng wala kang alam. Dapat may nakita ka sa lugar na yun!" Di pa rin ako tumingin sa kanya. Tulala parin ako habang nakatingin sa bintana. Di ko ipapahamak si Brent. Di ko siya kayang traydorin o ano paman. 

"Tingnan mo siya!" saad niya habang itinapat sa mukha ko ang litrato ni Anne na wala ng buhay. 

"Hindi lang ang pagsasak at pagbaril ang maaring makapatay. Ang pagsisinungaling mo at pagtatakip mo sa taong pumatay sa kanya. Para mo na rin siyang pinatay sa ikalawang beses." Sa aking narinig mula sa kanya ay mas lalo akong napayuko. Di ko magawang tingnan ang litrato ni Anne maski ang mukha ng pulis na nasa harapan ko. 

"Di ka talaga magsasalita? Kung ganun ay wala na akong magagawa pa."

"So-sorry..." saad ko habang patuloy paring nakayuko. Nasaksihan ko nalang ang pagkahulog ng litrato ni Anne sa aking paanan. Ramdam ko tuloyng nakatingin ito sa akin. Napaangat ako ng ulo at nakita ko ang pag alis ng pulis sa harapan ko. May galit ang kanyang mukha. Lumabas ito sa kwartong ito. Sinundan ko ito ng tingin at papalabas na din ito ng building na kinaroroonan ko. 

Saan siya pupunta? 


BRENT 


Nandito parin ako sa loob ng isang sasakyan. Di ko magawang makaalis at makatakas dahil sa pusas sa aking mga kamay. Nakahiga lang ako sa backseat habang inaalala ang mga nangyari. Asan kaya si Georgina ngayon? Anong ginawa nila sa kaniya? Kumakain kaya siya? 

Takte! 

Ano ba kasi ang problema sa akin ng lalaking yun? 

Napatingin ako sa bintana ng sasakyan may dilaw na paru parung dumapo dito. Naalala ko tuloy si Georgina. Katulad ng paru paru ang babaeng yun ay masyadong mahina. Di nga lang siya ganun ka akit akit pero okay na rin. 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon