CHAPTER 54: Drips of Blood

2K 44 7
                                    

This week is a stressful week, indeed. Ang daming projects, exams, and etc. Pero okay parin ako kasi para sa pangarap kakayanin! Kaya sa mga readers ko don't stop schooling. Mahirap ang walang education. Gayahin niyo ako, kahit marami ng utang, aral pa rin. HAHAHA.. 

"Poverty is not a reason nor an excuse."

WATTPAD IS LIFE! 



Ps. About sa new UN ko. Matagal na talaga akong KAEL BlackFire since 2014 yan na ang ginagamit kong codename. Binago ko lang sa watty. Yan din ginagamit kong codename sa DOTA

okay!  (y) 

  Lets continue stalking the killer.  

BRENT'S POV


Nasa harapan na ako ngayon ng bahay. Binuksan ko kaagad ang gate para makapasok na. Kailangan ko lang kasing bumili ng dagdag na panlinis sa mantsya ng dugo ng babaeng yun sa sahig ng bahay. 

Tskkk..


"Ha?" daing ko ng mapansin ko ang isang kakaibang bagay na nasa ilalim ng damo. 

Pupulutin ko na sana ito ng marinig ko ang kakaibang tunog mula sa loob ng bahay. 
Si Georgina? Teka sumisigaw ba siya? 

Nagmadali agad akong nagtungo sa tapat ng pintuan upang ienter ang passcode ng security lock. 


Beep!


Beep!


Beep!


Agad akong naglakad papasok upang hanapin ang babaeng yun. Pinuntahan ko kaagad ang kwarto ko sa baba para tingnan siya. Bubuksan ko na sana ang pinto nito ng nakarinig ako ng yabag na nagmumula sa aking likuran. 

"Brent..." saad ni Georgina na may kakaibang expresyon ng mukha. Ramdam kung may mali. Kinukutuban ako sa expresyon niyang yan. 

"Anong ginawa mo kanina? Parang may narinig akong sigaw mula sa labas" tanong ko.

"Ah..ehh.. ma-may ipis kasi kanina kaya..napasigaw a-ako. Pi-natay ko na." 

Teka? Nanginginig ba siya? Tama nga ang hinala ko may mali. 

Pero nagkunwari lang akong walang alam. 

"Ah! Oo..kailangan ko ng linisin yung mantsya ng dugo mo dun sa kusina baka mas lalo pang maging mahirap linisin yun!" saad ko sa kanya. Nagtungo na agad ako sa kusina. Rinig ko naman ang pagsunod niya sa akin. 

Kailangan kung malaman kung tama nga ang hinala ko. 

Ang hinala kung may ibang taong nakapasok sa bahay kanina. 

Yung nakita ko kanina. 


Isang tubong may taling tela sa dulo. 


Kung di ako maaring nagkakamali ay ang pulis na naman yun na minsang pumasok sa bahay ko.

Tskk..

Pakialamerong pulis..

Sinimulan ko ng maglinis gamit ang brush ay kinuskus ko na ang sahig na may mantsya ng dugo. 


"Ahh.. oo nga pala " pasimula ko. 

"Hmmm..."

"Isang kaibigan ang nagsabi sa akin kanina na dadaanan niya daw ako dito sa bahay para kumustahin daw ako." saad ko habang kinukuskus ang sahig. 

"Nga pala, matagal na kaming magkakilala at maski ang passcode ng security lock ay alam na niya. Buti nalang nasabihan ko na siya na may kasama na ako sa bahay. Nasabi ko rin sa kanyang magnobyo tayo."

Nilingon ko si Georgina. Pansin ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya. Habang nakatingin sa akin.

"Ah..ka-si.."

"May mga sinabi ba siya tungkol sa akin?" dagdag tanong ko sa kanya.

"Hi-hindi ..na-nasa basement kasi ako kanina kaya di ko siya nakita o nakausap man l-lang."


"Umalis ba siya agad nung sinabi mo sa kanyang wala ako?" mabilis kung tugon sa kanya.

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon