CHAPTER 25: Observation

3K 89 3
                                    


ALEXANDER'S POV

"THAT GUY SEEMS TO LOVE GOING PATROL NOWADAYS."

Narinig ko sa mga kasamahan kong police. Pero wala akong pakialam kailangan kung malaman kung sino ang babaeng yun at ramdam ko ring may kung anung ginagawang kakaiba ang Brent Lorenzo na iyun. 

Simula nung araw na malaman kung siya yun ay lagi kung tinitingnan ang bahay niya, pinagmamasdan ang araw araw niyang ginagawa. Pero sinisiguro kung di niya ako nahahalata. 

Para na akong stalker pero wala akong pakialam.. kailangan kung malaman ang kagaguhang ginagawa ng lalaking to at ang babaeng yun.. sino nga ba siya? 

Lage kong itong ginagawa bilang pagsisimula na din ng aking pag iimbestiga. Habang tumatagal ay mas lalo akong nachachallenge upang ma resulba ang hawak kung kaso. 


"Hmm?"

si Brent habang nakajacket at palabas na ng bahay niya. 

Tumingin ako sa aking relo. 


3:30pm??


Brent Lorenzo would leave the house every day at 3:30pm and returen at 7:30pm. 


Sumunod ang mga araw at ganun parin ang kalimitan nyang ginagawa. Walang pagbabago.  Lagi rin siyang parang may kausap sa loob ng bahay niya.. di kaya yun yung babaeng yun? 


Ng makita kong nakalayo na si Brent ay agad akong bumaba sa patrol car at nagtungo sa gate ng bahay niya, bukas ito kaya agad akong pumasok. Napansin ko ang isang paso na may upos ng sigarilyo sa tabi ng pintuan ng bahay niya. 

Inilapit ko ang aking tenga sa pintuan.. pero wala akong narinig. Mahihirapan akong malaman kung may tao ba sa loob pero sigurado akong may kung sino siya kausap sa loob ng bahay na to. 



Kung ganito lang ay mahihirapan akong malaman kung sino ang babaeng yun at kung anong meron sa loob ng bahay na to. 

Napayuko ako at napansin ko ang isang butas na ginawa para sa mga alagang pusa o aso. Kaya naman ay agad akong umupo upang matingna ko kung ano ang nasa loob ng bahay. 
Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang kusina, sala at... 

<teka?>

Nanlaki ang aking mata sa aking nakita.

Isang paa? 

There's someone who's crawling inside. 




THIRD PERSON'S POV


Sa mga natuklasan ni Xander ay nagkaroon siya ng lakas ng loob upang kumatok. Kinatok nya ang loob ng bahay ni Brent ng sobrang lakas na nagpagulat ka Georgina na nasa loob ng bahay. 

"BANG ...BANG...BANG.."-tunog ng pintuang kinakalabog ng police na si Xander.

"POLICE TO, BUKSAN MO ANG PINTO! "

Sa isip ni Xander ay meron talagang tao sa loob ng bahay ni Brent. Sigurado siya dito at di siya maaring magkamali kaya naman ay nagpatuloy siya sa pagkalabog sa pintuan. 


"IT'S THE POLICE..OPEN THE DOOR!"

PAtuloy niyang pagkalabog. 

"sigurado akong pa-"

"Police ba ang sinasabi mo?"
Napalingon si Xander at napag alaman niyang si Brent iyon may hawak itong isang supot ng plastic. 

"Di naman ako tumawag ng police ah... Anong hangin ang nagdala sayu dito police officer???"




She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon