Tatlong araw na ang lumipas noong i-report ng mga kasama ko ang kanilang nalaman kay Miss Carmen. Sa tatlong araw na pamamalagi ko dito, nagsimula na akong magluto sa Food Room. Itinannong ko kasi sa kanila kung ano ang pwede kong gawin para naman hindi lang ako nakatunganga rito.
"Philly Cheesesteak Omelet," basa ko sa monitor ng mga orders, inipon ko kaagad ang mga ingredients. Kailangan kong bilisan dahil kailangan daw na mabilis ang pags-serve rito dahil talaga namang ginagamit nila ang kanilang oras sa tama.
Kahit na sinabi ko kay Miss Carmen na huwag na akong swelduhan nagpumilit pa rin siya. Every five days ang sweldo ko rito, hindi katulad ng sa mga Tita ko at kay Mama na kinsenas.
"Aiee, last na 'yun. Tara na!" yaya sa akin ni kuya Roel, kasamahan ko.Siya ang naka-assign sa drinks,sabi niya matagal na raw siya nagta-trabaho. Dito rin siya nagtapos. Gusto ko nga rin itanong kung may powers or ability rin kaya siya 'gaya nina Kez?
"Oo naman!" Hindi na ako nagulat sa pagsagot ni Kuya Roel.
"Sige, Kuya! Mauna na kayo maglilinis pa ako,"sabi ko. Ayoko namang iwan na marumi itong pinaglutuan ko.
Nauna na ngang umalis si Kuya Roel, ang sabi niya kasi may ginagawa pa siya pagkatapos ng duty niya rito sa University. Hindi ko rin naman alam kung dito ba siya tumitira. Ang masasabi ko lang ay masipag talaga si Kuya Roel!
"Miss Carmen!" Pabalik na rin ako nang makita ko si Miss Carmen.
"Oh? Aiee,"lumingon siya sa direksyon ko.
"Magandang gabi po!"Bati ko, kailangan kong maging pormal dahil siya pala ang Discipline Teacher sa Unibersidad.
"Good Evening too. Anong ginagawa mo rito? Tapos na ba ang ginagawa mo?" Tanong niya.
"Opo! Sa totoo nga lang po, pabalik na ako sa kwarto kaso may nakita po akong napakagandang babae, kaya binati ko muna,"sabi ko sa kaniya. Kung iisipin niyang bino-bola ko siya, hindi noh! Maganda si Miss Carmen.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kuya Roel sa'kin. Ka-batch niya si Miss Carmen at talagang hindi maipagkakaila ang ganda niya, siya nga raw ang Queen Bee noon.
"Kaya nga po pati si Kuya roel ay nagagandahan sa inyo!"
"Roel?"
Natigilan ako. Bigla tuloy akong nakonsensya, kita kasi sa mukha ni Miss na para bang ayaw niyang naririnig ang pangalan ni Kuya.
Baka ex?
Hay nako, Khailee.
"Ah, sorry po. Baka hindi niyo po kilala. Kasamahan ko po siya sa Food Room."
"Nam-bola ka pa! Sige na, may gagawin pa ako," paalam niya, umalis na agad siya at hindi pa dinugtungan ang sinabi ko patungkol kay Kuya Roel.
*****
Pa-ulit ulit lang ang ginagawa ko sa mga nagdaang araw. Sa umaga, maglilinis ako ng building Opaz. Hindi naman mahirap mag-linis, wala naman kasing masyadong tao ang dumadaan o pumupunta sa building na ito. Ewan ko nga, eh, mukha siyang napabayaan kumpara sa ibang buildings.
Sa hapon naman, pupunta akong Food Room, minsan nakikita kong kumakain sila Aey, Kez, Leo, Tin at ang nagmamay-ari ng walang prenong bibig. Masasabi kong hindi mo talaga mapaghihiwalay ang limang 'to.
"Aiee!" Papasok pa lang ng Food room ay kinawayan agad ako ni Kez. Mabuti na lang at may mabait sa grupo nila. Balanse.
"Hi! kakain kayo?" walang kwenta kong sagot. Malamang nandito sila para kumain.

BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasyON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...