"Alam mo ba kung anong pangalan ng beach na pinanggalingan mo?" Tanong sa akin ng isa sa mga teacher dito.
Pinag-isipan ko ang isasagot ko, pero hindi ko talaga alam yung pangalan. Basta sama lang ako nang sama.
Umiling ako.
"Big problem." Umiiling iling pa siya. Malaking problema talaga. Paano ba ito? Mag ga-gabi na eh, saan ako matutulog?
Naiisip ko na ang sarili kong matutulog sa labas ng University na ito at ang tanging hinihigaan ko ay mga tuyong dahon at mga lamok na kakagat sa akin. At merong pupulupot na ahas sa akin. At hindi ako makakahinga. Kapag hindi ako makahinga, mamamatay ako. Hindi ko na makikita ang mga pinsan ko.
"Ang tanging ikasasaya ko lamang ay: kapag hindi ka na nakabalik sa bahay na ito, isang araw at hindi na babalik pa. Hindi ka makasama at lalong hindi ka makita"
Natatandaan ko pa yung laging sinasabi sa akin ni Mama. Ang sabi niya sa akin lagi ko raw itatak sa kokote ko iyong mga salitang iyon at baka sakaling maunawaan ko. Ang sabi ko pa sa kaniya noon, hindi ko maintindihan yung mga sinasabi niya, pero maliwanag na maliwanag para sa akin ang mga sinabi niya, kaya ko nang ipagkumpara ang pagkaintindi ko sa liwanag ng buwan.
Siguro masaya na si Mama, kung nasaan man siya at kung ano man ang ginagawa niya ngayon. Nagpa-party pa nga ata iyon, kasi wala na ako doon. O baka naman ay hindi pa ako sumasagi sa isipan niya, dahil hindi naman niya ako iniisip o hindi naman siya nag-aalala sa akin.
"Khailee, always remember that we're always here for you no matter what... Our shoulders are ready to cry on. We're always here when you need help. We're only one call away. And always remember that... We love you."
Pero ibang iba ang mga pinsan ko, ibang-iba si Mama sa mga pinsan ko. Tuwing pinagsasabihan ako ni Mama ng masasamang salita, tinatawagan ko sila, then they will make me happy. Papatawin nila ako. Lagi nilang sinasabi na intindihin na lang si mama, baka raw ay may pinagdadaanan pero hindi sinasabi sa akin.
Pero bakit ganoon? Bakit mga pinsan ko pa ang nagsasabi ng mga ganoong salita? Bakit sila pa yung unang nakakaintindi?
Gusto ko sanang sabihin sa kanila yung number ni Mama, pero napaisip ako-- magiging isang sagabal lang ako sa kung anumang ginagawa ni Mama ngayon, hindi bale makakauwi rin naman ako. Kailangan ko lang talagang alalahanin ang daan pabalik o kaya naman ang beach na iyon.
Sa dinami-dami ba naman ng makakalimutan, ang beach pa na iyon!
"Khailee. Iyon lang ba talaga pangalan mo? Wala ka bang nickname? Alias?" Kailangan ba noon? Meron ako pero nakakahiya, kasi isa lang ang tumatawag sa akin noon.
Naalala ko tuloy si Bungo, nami-miss ko na siya. Kahit na tahimik lang iyon. Yung tipong hindi ka kakausapin hangga't di mo siya kakausapin. Pinangalanan niya ako, kasi raw ang taba ng pisngi ko.
Monay.
"Kailangan ba? Nakakahiya, eh," napayuko ako kasi lahat sila nakatingin sa akin. Para akong batang may ginawang kasalanan at pinapagalitang ng mga magulang niya.
"Wait, le'mme think!" Nag-tap pa si Kez sa kaniyang sintido. Nag-iisip.
"Sali ako, ano 'yan?" Pagtaas ng kamay ni Aey, siguro napansin niya na rin kasi nakabilog sila sa akin.
May ibinulong sa kaniya si Leo, at ngumisi sa akin. Ano iyon? May binabalak yata silang masama. Susko po! Sana naman ay buhay pa ako mamaya.
Habang nakabilog sila sa akin, may na-realize ako. I didn't feel any danger with them, kahit na hindi ko sila kilala, ang comforting nila sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasyON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...