40:BATTLE BEGINS(BATTLE 1)

132 14 4
                                    

THE BATTE BEGINS.

AGAD AKONG NAGMASID sa aking paligid nang mawala ang aming mga kasama.

"Nakakaloka ang battle na'to!" Nasabi ni Kez na tumitingin-tingin din sa paligid.

"Try natin maglakad guys.Wala tayong mapapala kung naka-stay tayo sa isang lugar,"suhestiyon ni Leo.Oo nga naman,wala kami'ng mapapala.

"Oo nga,Masyado'ng pasikat ang araw!" Sabi naman ni tin at pinayungan si Kez na naiinitan din gamit ang kaniyang kamay.

How sweet.

Sama-sama kami'ng naglakad papunta sa isa sa mga puno rito.Masyado'ng tirik ang araw at nakakasilaw.Sakto lang naman ang tangkad at dami ng dahon ng puno na aming nasilungan para matakpan kami.

Nang maka-upo ako sa ilalim ng puno ay nag-masid ulit ako sa paligid.Sa 'di kalayuan,meron din'g mga puno sa tapat.Pero bakit ganun?Parang feeling ko may mga mata'ng nakamasid sa amin?

Ako lang ba ang nakakakita no'n?

Hiniling ko sa aking birthstone na makita ko nang malapitan iyon.Hindi naman ako mapapagod sa simpleng hiling ko na iyon dahil hindi naman ako gumalaw at gumamit ng masyadong lakas.

"May naka-tingin sa atin!" Sigaw ko sa kanila dahilan upang sila'y maalarma,agad akong napatayo gano'n din sila.

Naka-tingin pa rin ako sa katapat naming puno at nakikita ko na ang kaninang mga nagma-may-ari ng mga mata'ng kanina na nagmamasid sa amin.

"Papalapit na sila!"

Nagsisilbi nila ako'ng mata ngayon dahil sa tingin ko ay hindi nila nakikita ang isang grupo ng mga babae't lalake na papunta sa amin.Masyado kasi'ng malayo.

"Nasa'n na kheitee?" Tanong nila sa akin dahil wala pa'ng dumadating.

Tumingin muli ako sa katapat naming puno at napa-iling nang wala na akong makita.

"Let's just walk again," suhestiyon ko naman ngayon.At nagsimula na kami'ng magalakad,ngayon naman ang direksyon namin ay papunta sa mga puno o kakahuyan.

Ang inaakala ko ay tatagal ang aming paglalakad sa kakahuyan ngunit ilang sandali ng aming paglalakad ay may natatanaw na ako ngayon na isang dalampasigan.

"My friend!"Sigaw ni Aey at dali-dali'ng naglakad sa buhangin papalapit sa tubig.

No doubt,Aey is friendly she even treat the water as her friend.Tinanong ko siya isang beses kung bakit niya kaibigan ang tubig.

"At first,I don't care about that water.All I know is we need it.But when the time my Birthstone gave my extra which is Water Manipulation,I don't know but I always talk to it,say my problems if you're busy,and one day I call it and treat it as a friend."

Iyan ang sinabi niya sa akin no'n.

Naiwan ako ngayon sa buhangin naka-upo habang pinapanood ko ang dalawa ko'ng kaibigan na babae na naglalaro ng tubig na three inches below the knee.

Sinadya ko talaga'ng medyo mapalayo sa mga lalaki,lalo na kay Kit.Mahirap na baka mag-sagut-an nanaman kami.

Naririnig ko ang tawanan ni kez at ni aey as if they're not at the battle.Ang saya saya nila,I wish I can get along with them.

"Hey!Pwede su--" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang maramdaman ko'ng mero'ng pumulupot sa aking leeg.

"A-ah!" Daing ko,dahil nararamdaman ni Kit ang sakit na aking nararamdaman ngayon ay napatingin siya sa akin at naalarma.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon