KARYL ELVIS ZALDIVAR or KEZ'S PoV"PRINCESS!" Sigaw ng isang boses lalaki,hindi ko makita ng malinaw ang mukha nito dahil malabo.
Nasaan ako,nasaan ang travis ko?
"Aey!" Sigaw muli ng isang lalaki,tumakbo siya sa direksyon ni Aey na nakatulala at tila hindi rin alam ang nangyayari.
Na-loka na lamang ako ng biglang tumalon ang lalaking iyon papalapit kay aey upang saluhin ang isang kutsilyo na dapat tatama kay Aey.
"Leo!" Sigaw ng isang babae,mahina ang boses nito.Katulad noong ginawa ng isang lalaki ay tumakbo siya sa direksyon ni Leo at sinalo ang kung ano mang bagay na dapat ay tatama kay Leo.
"KEZ!" Sigaw ng isang lalaki sa aking pangalan.Katulad ng boses na tumawag sa pangalan ni Princess at ni leo ay pamilyar ito.Tumingin ako sa aking harapan at nakita ko ang isang fire ball na papalapit sa akin.Hindi lamang siya ordinaryong fire ball dahil sobrang laki nito.Kasing laki na nito ang size ko!
Ano bang nangyayari dito!?Hindi ko alam pero hindi ako makagalPo ang katawan ko para ba'ng may pumipigil sa akin para hindi gumalaw.
Malapit na sa akin ang malaking fire ball at nakita ko sa aking peripheral vision ang isang lalaki na tinatawag ang aking pangalan at tumatakbo papunta sa aking direksyon.
"KEZ!" sigaw niya sa aking pangalan,ngunit hindi ako makapagsalita pabalik.Nararamdaman ko na ang init ng fire ball na papalapit sa akin.Pumikit na lamang ako para tanggapin ito dahil ito rin naman ang aking kahahantungan.Ang mamatay.
Ngunit kanina pa ako nakapikit at hindi pa rin tumatama sa akin ang malaking fire ball.Hindi naman sa hinihiling o gusto ko'ng matamaan ng malaking fire ball pero..bakit?
Dumilat ako at tanging nakikita ko na lamang ay ang sunog na damuhan na dinaanan kanina ng fire ball,hinanap ko ito ngunit.Kita ko lamang ay ang mga kasamahan ko na nakikipag-laban din sa amin.
Nakaka-galaw na rin ako.
"A-Ouch!" Napatingin ako sa baba dahil doon nanggaling ang daing.
Nakita ko ang isang lalaki na sunog ang balat na naka-higa sa damuhan sa aking paa'nan.
"H-hey.You're too pretty to cry" sinabi niya sa akin.Pinunasan ko ang aking mga luha at umupo para makita ko ang kaniyang mukha ngunit kahit ano'ng gawin ko ay nanatili itong malabo.Hindi ko makita ang mukha niya,pero nasisigurado ko'ng lalaki ito.
Pamilyar din ang boses niya.
"T-thank you!" Sabi ko sa kaniya dahil kung hindi dahil sa kaniya,sunog ako ngayon.
"No....Tha-thank you..Because,I met you...I...met the..prettiest..healer...in my....life"sinabi niya iyon,hindi ko makita ang ekspresyon ng kaniyang mukha pero siguro ay nakangiti siya dahil sa kaniyang boses.Boses niya na kahit bakas ang sakit ay maririnig mo ang kasiyahan.
Kasiyahan dahil siguro nakita o nakasama niya ako.
May sinabi pa siya ngunit parang bigla na lang nag-mute ang aking paligid.Wala akong naririnig.Anong nangyayari?!Bakit wala akong marinig?
Naramdaman ko naman ang pag-haplos sa aking kamay ng lalaki.
"I'm the most handsome healer you've met,Kez...and don't ever try to replace my place.Because here.." itinuro niya ang kaniyang puso."You're the prettiest healer I know,I love you!" Huli niyang sinabi at hindi na nakapag-salita.Sinubukan ko siyang gisingin pero nonsense.Walang kwenta dahil hindi na siya sumasagot o gumagalaw man lang.
Ngayon kilala ko na kung sino ang sumagip ng buhay ko,sa boses pa lang at kayabangan ay kilala ko na.
Siya si ---
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasyON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...