70:MELVOURNE

47 3 0
                                        


NOT EDITED.

---

Lahat ng mga kasama ng The Spix sa loob ng water shield na ginawa ni Ashbi ay nag-iiyakan habang nanonood sa knailang prinsesa.

Prinsesa nila na nakakatakot sa labas.

Ang iba ay namamangha dahil sa galing nitong taglay dahil mag-isa lamang siyang nakikipag-laban sa napakaraming mga kalaban.

"Nakakatakot,"sabi ng isa sa mga estudyante'ng kasama nila.

Talaga namang nakakatakot ang kanilang prinsesa habang mag-isang nakikipaglaban.Napapaligiran siya ng pinagsamang kulay violet at itim na usok,at kung mayroong nagtatangkang lumapit sa usok na iyon ay kakapusin ng hininga at mamatay.

Hindi malinaw sa mga nanonood kung ano'ng ginagamit pang-laban ng kanilang prinsesa.

"Nasaan si Miss Carmen?"Tanong ni Travis sa kanila pero umiling lamang sila bilang sagot.

Oo ga naman,nasaan si Miss Carmen,hindi pa nila ito nakikita simula no'ng pagsabog.

"Ayun!!"Sigaw ng isang estudyante habang nakaturo sa isang direksyon.

Napatingin naman ang lahat do'n at nakita nila si Miss Carmen at ilang mga guro na nakikipaglaban din.

Medyo may kalayuan sila sa kanilang prinsesa.

Kung mapapansin mo sila Miss Carmen at ang mga guro ay napakarmi na rin nilang mga sugat.

"Lumabas ang isa,tawain niyo silaMiss Carmen!"Sigaw ni Lawrence,inuutusan niya ang mga estudyante.

"Ang tanga mo talaga!"BInatukan siya ni Ashbi."Yan pa inutusan mo?!Natatakot na nga,ikaw ang pumunta!"Pinagtulakan ni Ashbi si Lawrence hanggang sa makalabas.

Pagkalabas ay agad na tumakbo sa kinaroroonan ng kanilang mga guro,marami-rami pa rin ang mga kalaban at akala mo ay machine ang mga taga-Topaz na naglalabas ng mga estudyante na maaaring kumalaban sa kanila.

"Miss Carmen—psst!"Sabi niya,saglit na napalingon sa kaniya si Miss Carmen at ininguso niya ang malaking water shield na kanilang pwesto.

Mukhang nakuha naman iyon ni Miss Carmen.Umalis na si Lawrence do'n dahil nakita niyang may ilang mga kalaban ang nakakita sa kaniya.

Masama 'to!

Wala pa siyang lakas makipaglaban ngayon.Tumakbo lang siya ng tumakbo at nang malapit na sa base nila ay..

"Pffft!"Impit na daing niya,nasugatan siya sa kaniyang braso ng napakahabang espada.

Mabilis na kumalat ang dugo sa kaniyang baso pababa sa damuhan.

"Masakit iyon ah?!"Siga niya sa may gawa at walang sabi'ng nagmold ng machine gun sa kaniyang kamay at sunod-sunod na pinaulanan ito ng bala.

Inalalayan siya ni Travis at ilang mga estudyante na lumabas sa shield.

"Heal him."Dinig niyang utos ni Keian,may ilangmga healer ang nagsipuntahan sa kaniya.

"Tutunganga lang ba tayo dito?"Tanong ni Ashbi,hindi niya kinakayang nanonood lamang sa kanilang prinsesa na mag-isang nakikipaglaban.

"Papasukin niyo sila Miss Carmen,"utos ni Karyl sa kanila.

"Anong nangyari kay Kheitee?"Tanong ni Miss Rose nang sila'y makapasok.

"We also don't know,naging ganiyan na lang si Princess—"

"—h'wag kang magsasalita kung hindi moa lam angkalagayan niya."Putol ni Keian sa isang estudyante na nagsasalita.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon