8:BOND

287 21 3
                                    


"Masamang pagsalitaan ang mas nakakataas sa iyo," inulit ni Kez ang sinabi niya.

Halata ang kalituhan sa kanilang mukha. Hindi ko maipaliwanag, hindi ko makuha kung kuha ba nila ang sinasabi ni Kez o hindi? Mukhang alam na nila ang sinasabi ni Kez at ayaw lang nilang tanggapin iyon.

Pero ako?

Hindi ko alam kung anong nangyayari dito.

Nagpasalit-salit ang tingin ni Aey sa akin at kay Kez, ang iba naman ay nananatili ang tingin sa akin. Bakit ako? Bakit ba sinabi ni Kez iyon? Trip niya?

"Huh?" lumabas sa bibig ni Aey, nananatiling magulo ang isipan.

Maski ako'y naguguluhan din. Ano bang sinasabi ni Kez na huwag magsalita sa mas nakakataas? 

"Alam mong may karampatang parusa kapag may ginawa ka na hindi kanais-nais sa mas nakatataas sa'yo, Kit. At sa sitwasyon mo, ang babaeng nasa harapan mo ang mas nakakataas sayo..." pagpapaalala ni Kez sa kaniya.

Ang bilis ng pangyayari. Ang daming sinabi ni Kez. 'Di ko maintindihan.

Walang mababakas na emosyon sa mukha ni Kit,p ara bang alam na alam na niya ang mga sinasabi ni KEz at parang sawang sawa na siya marinig pang muli. Kung tutuusin, alam naman na ni Kit iyon dahil siya nga ang Prinsipe.

"Pati ba naman si Kez, pinipikot mo!" tulak sa akin ni Kit, napangiwi na lang ako nang napadapa dahil sa balikat niya ako tinulak.

Sumasakit na ng sobra ang sugat ko, dinagdagan pa ito ng sakit emosyonal, dahil sinabi ni Kit ni pinipikot ko si Kez. Lahat na lang ba ng sasabihin at gagawin ng mga kaibigan niya ay isisisi niya sa'kin?

"Tsk, Kit. Pinaalalahanan na kita," may paghahamon sa boses ni Kez. Gulat ako sa tono niya, hindi ba siya natatakot kay Kit?

"What in the world are you sayin?!" Sigaw ni Kit Out of frustration he pulled his hair, closed his eye and opened it again before looking at the celing.

Nakita ko namang nakatingin lang sa akin 'yung tatlo, agad akong hinigop ng mga mata ni Aey na nanginginig dahil siguro nagpipigil ng luha. Nakita ko sa mga mata ni Aey na naguguluhan siya, natatakot, at may saya, pagkabasa ko sa mga mata niya. Wala akong maintindihan, bakit sila ganito?

"Princess," she mouthed.

Nagulat ako sa kaniya. Hindi ako naniniwala. Kung tinatawag nila akong Prinsesa ngayon, malamang sa malamang ay nagbibiro lamang ito. Kung prank lang ito, sige! You pranked me, guys.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Kez? Hindi nakakatawa," sabat ni Tin na halatang gulo na.

"Hindi nakakatawa? Baka kapag nalaman mo kung sino iyang babae na iyan, maiyak ka sa tuwa?" turo sa akin ni Kez. Seryoso talaga siya.

Sumasakit lang ang ulo ko sa kanila. Their conversation and questions right now are tiggering something inside me that I can't pin point what. Tumingin ako kay Kit, hindi siya nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang nasa isip niya.

Sino nga bang talaga ako?

FLASHBACK

Pumunta kami sa isang resort dahil may reunion ang pamilya namin, hindi ako sumabay sa mga magulang ko dahil mas gusto ko pa sa mga pinsan ko. Mas masaya.

"Oh! Michelle, there they're!" may lumapit sa aming mga matatanda na kasing edad ng mga lola namin. Meron ding kasing edad lamang ng mga magulang namin. Meron ding mga magaganda't gwapo na mga kasing edad namin.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon