47:BATTLE(1)

143 10 1
                                    

NAGISING AKO NANG makaramdam ako na may humawak sa akin kamay,tila ba ay may ginagawa do'n ngunit hindi ko magawang maimulat ang aking mga mata dahil sa sarap na aking nararamdaman.

"Hoy,kheitee!Tigil-tgil-an mo ako,gising ka na."Sabi ni Kez na siyang may hawak ng aking kanang kamay.Napangiti ako sa kaniya.

"Okay ka na pala."Sabi ko sa kaniya at umayos ng upo para magka-pantay kaming dalawa.Tumango naman siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagmasahe sa aking kanang kamay.Tumingin ako sa isa ko pang kamay at napangiti nang makita ko itong ayos na.Wala na rin akong maramdaman na sakit.

Nandito pa pala kami sa pinag-silungan naming kahapon.

"Thank you."Sabi k okay Kez nang matapos niyang masahiin ang aking kanang kamay.

"Nasa'n nga pala sina Leo at Tin?"

"Ayun!Iniwan tayo,naghahanap sila ng pagkain."Sabi ni Kez na may bahid ng iritasyon sa kaniyang mukha.Tumigil na rin ang ulan.Ngunit,makulimlim pa rin ang langit hanggang ngayon.Nararamdaman ko rin ang aking damit na basa.

Habang nag-iintay sa dalawang lalaki na aming kasama ay muli akong napa-tingin sa buhok ni Kez.Hindi siya naka-tali ngayon.

"Uhm,Kez.What happened to your hair yesterday?" Ito naman na siguro ang tamang oras para tanungin ko siya.Wala naman sigurong makaririnig dahil kaming dalawa lang ang nandito sa ilalim ng puno.

"Ano bang meron sa buhok ko?"Inosente niyang tanong sa akin at hinaplos ang kaniyang mahaba at itim na buhok.

"You didn't know?"Umiling siya.

"Kahapon kasi,I saw some of your hair becomes black—habang nakikipaglaban ka kahapon.Pero kasi 'di ba?Tuwing ginagamit mo ang main mo eh,nagiging Violet ang kulay ng buhok mo?How come?"Sinabi ko sa kaniya ang napansin ko kahapon.

Kumunot naman ang kaniyang noo at tila ba inaalala ang ga pangyayari kahapon.

"I didn't feel anything..."Sabi niya at kumuha ng ilang hibla ng buhok niya at tiningnan iyon.

"You sure?"Hindi siya naka-sagot dahil unti-unting nanlaki ang kaniyang mata habang nakaturo sa aking likuran.Tumingin naman ako sa aking likuran at nakita ko ang isang babae na may ngisi sa kaniyang mukha.

"Hi girls!"Bati niya sa amin at kumaway pa.May hawak-hawak siyang isang maliit na bote sa kaniyang kamay at akmang ibubuhos ang laman nito,mabuti na lamang at ako'y naka-iwas.

Tumingin ako sa maliit na lalagyanan na kaniyang hawak,mayroong likido do'n na kulay puti at parang bagong init lamang dahil kumukulo-kulo pa ito.

Muli siyang tumawa na para bang isang witch na tuwang-tuwa.Oh well,she looks like one.

Akma niyang ibubuhos muli ang likido ngunit mabilis akong umilag at gano'n din si Kez ngunit nagka-hiwalay kami.Hindi pa nag-iiba ang kulay ng mata ng babae'ng ito.I guess,the color of her birthstone is based on the color of the liquid.

Cream.Pearl University.

"Pearl University,huh?"I asked myself.Narinig naman niya iyon,napukaw ko ang kaniyang atensiyon.

"Oh,you knew it."Sabi niya na ngayon ay mayroong na siyang hawak na dalawang lalagyanan.Parehong puti ang kulay ng likido na nasa loob nito.

Para sa'n ba ang likidong iyon?

Sa tingin ko naman ay para sa masama niyang balak ang mga likido na iyan.Nasa battle kami,kaya naman alam kong may balak siya sa amin—saming mga kalaban niya.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon