Kez's Pov
PRINCESS' SIGN
Napaupo na lamang ako sa pagkakahiga mula sa aking kama. Tumingin ako sa kanan ko at nandoon si Aey na mahimbing na natutulog at sa kaliwa ko naman ay si Tin na katabi si Leo.
Naalala ko ang panaginip ko. 'Yung princess' sign...
Yun yung nakalagay sa balikat ni aiee!
Oo tama! Hindi talaga ako nagkakamali. Kailangan ko itong sabihin kay Miss Carmen para maibalik na kay princess ang kaniyang birthstone.
Tatayo na sana ako pero biglang sumakit 'yung ulo ko, para bang may biglang pumalo dito kaya napaupo na lang ako at napahawak sa ulo ko. Bakit masakit ang aking ulo?
Argh! Bakit ngayon pa itonangyari!? Minasamasahe 'yung ulo at syempre ang buhok ko. S'yempre alam ko naman kung anong dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Para kasi akong tanga! Masyado kong ginamit yung lakas ko para sa buhok ko!
Masyado ko kasing nagamit ang lakas ko para gamitin ang buhok ko upang mapagpahingahan ni Aiee noong sumasakit ang ulo niya kanina. Hindi naman siya ganoon kabigat na gawain, ngunit kinailangan ko ng enerhiya para lang masuportahan ang bigat niya.
KANINA!?
Tumingin ako sa bintana at nakita kong palubog na ang araw. Teka!? Gabi iyon nangyari, ah. Ibig sabihin may isang araw o mahigit na kaming tulog dito?
Argh! Hindi ito pwede, ang dami dami ko pang gagawin at ganoon din iyong mga kasama ko. Tumingin ako sa kanila at hanggang ngayon ay mahimbing pa rin silang natutulog, kung hindi ko pa pakatitigan hindi ko mapapansin ang maliliit nilang galos na sa tingin ko naman ay ayos na.
Si Aey na magkahawak ang dalawang kamay at nakapatong,aba!? Ang babae nakabukaka!
Si Tin na pa-easy-easy lang, normal lang nakapatong yung dalawang kamay niya sa gilid niya, hayst kahit natutulog ang gwapo pa rin.
Si Leo na nakatagilid at nakaharap sa akin! Ito talagang monggoloid na ito kahit kelan, eh! Siguro pati sa panaginip niya, magkasama kami? Hahaha.. ano kayang pinagiisip nito?Monggoloid talaga. Napailing-iling na lamang ako.
Eh? Bakit parang kulang? Wala si Bhouxczx Kit m@p@gm@h@l na laging engri? Charot.
Bakit wala si Kit? Ano kayang nangyari do'n? Siguro mas nauna siyang gumising kesa sa amin.
Strong naman 'yun!
Pinindot ko ang birthstone ko na nakalagay malapit sa aking wrist, nakadikit na ito dati pa, simula pa no'ng pinanganak kami, siya yung nagsisilbing birthmark pero iba yung amin.
It's color is reddish-brown, representing the birthstone for January which is Garnet. Sabi ng iba marami raw color ang Garnet, pero ang pinakakilalang kulay nito ay reddish-brown.
Pagkapindot ko'y biglang lumitaw ang liwanag mula sa birthstone at ipinakita nito ang laman. Para lamang siyang projector at the same time cellphone.
Ipinakita sa akin ng birthstone ko kung ano ang nasa loob nito. Nandidito din 'yung mga lectures ko na may kinalaman sa healing at self-exploration at explanation ko tungkol sa healing.
Pumunta ako sa diary ko, laking gulat ko ng matagpuan ko ang isang blangkong pahina at may petsang: mm/dd/yy.
I-ni-slide ko ang diary ko para makapunta sa ibang page, dahil projector-type ang nakikita ko, para lang akong nags-swipe sa hangin.
Laking gulat ko nang nakakatalong slides na ako pero hindi pa rin lumalabas yung last entry ko dito sa diary ko. Sa Diary ko kasi, kapag hindi ka nakapag sulat ng entry mo sa isang araw, automatic na magli-leave na ng isang page.
![](https://img.wattpad.com/cover/109133785-288-k827822.jpg)
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasíaON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...