38:UNIVERSITIES' PLACE

143 13 7
                                    

KHEITEE'S

"Aish!" Nasapo ko ang aking ulo.Bakit ba lagi ko iyon napapanaginipan?

Umupo ako,naka-tulog pala ako.Medyo hindi na rin masakit iyong balikat ko dahil sa dalawang babae na nakapatong sa balikat ko.

Tumingin ako sa gilid ko at inaakalang babae'ng tulog ang makikita ko.

But...bakit lalaki?

Eerr!

Nakayuko siya habang ang ulo ay nakapatong sa kama na aking hinihigaan,nakata-gilid ang kaniyang ulo kaya kailangan ko pang humiga muli para makita kung sino ito.

Sinubukan ko'ng magdahan-dahan upang hindi siya magising ngunit hindi ko kinaya,nakagawa ako ng ingay kaya gumalaw siya at ako naman ay nagkunwaring natutulog ulit.

Pero mali ang anggulo ng ulo ko dahil nakatapat ito sa kaniya.Mahihirapan akong magkunwaring tulog!

Medyo nakikita ko ang kaniyang mukha at nakita ko siyang naka-ngiti habang nakatingin sa akin.Medyo magulo rin ang kaniyang buhok dahil kagigising lang nito pero nakadagdag gwapo pa ito sa kaniya.

Iyong ngiti niya sa akin ay para bang ako ang pinakamamahal niya.Parang napaka-halaga ko sa kaniya.Tinitigan niya ang aking mukha at inayos ang mga hibla ng aking buhok at inilagay ito sa likod ng aking tenga.

Nakaramdam ako ng kiliti ng gawin niya iyon at para bang may kuryenteng dumaloy mula sa kaniyang kamay papunta sa aking buong katawan.

Medyo gumalaw ako at inimpit ang aking ngiti.

"I know you're awake," sabi niya at tumawa.Gosh.Pati tawa niya ang gwapo!

Hindi ko na lang siya pinansin at umakmang tatagilid para hindi ko na makita ang kaniyabg mukha.Gwapong mukha.

Hinawakan niya ang aking dalawang pisngi gamit ang kaniyang dalawang kamay at do'n na ako dumilat dahil kakaiba talaga ang feeling na ito.

"You're blushing!"

Feeling na kinikilig ako.

Hindi ko nanaman sya sinagot dahil bakit ko naman siya sasagutin?Bakit ako ang kinakausap niya?

"Hindi ba meron ka ng Ysha?Bakit mo pa ako kinakausap?"

Nawala ang ngiti niya nang sabihin ko iyon.Pero nananatili pa rin ang kaniyang dalawang kamay sa aking mga pisngi.

"Who's Ysha?" Inosente niyang tanong.

"Gano'n na ba talaga ka-dami ang babae mo't hindi mo na kilala si Ysha na lagi mong kasama?"

"Girls?I don't have girls,I only have yo--"

"Then why do you always with that girl?!"Tinanggal ko ang kaniyang kamay at umupo na,kailangan ko nang umalis dito sa tabi ni Kit.Medyo lumalakas na rin ang aking boses.

"Princess Kheitee!Honey Princess!Babe!Baby!" Pag-tawag niya sa akin habang naglalakad ako papunta sa likod na parte ng sasakyan namin.

"Don't call me that!Iyan ba ang endearment ng mga babae mo?!" Sigaw ko sa kaniya.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon