50:BATTLE(1)

115 6 24
                                    


HINDI KO INAAKALANG dito na ang aking katapusan.Akala ko ay mananalo ang aming grupo ng kompleto kami,walang labis,walang kulang.Sabagay,nasa isang battle kami kung saan anytime pwede kang mamatay.

Kung mamamatay man ako ngayon,napakalungkot ko dahil hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko na maiiwan,sa mga kakilala ko at higit sa lahat ang kapatid ko.Ramdam ko ang init ng papalaking apoy mula sa itaas.

"Ate!Magi-ingat ka don ah?Mami-miss kita"

Biglang pumasok sa aking isipan ang sinabi ni Khailee bago kami umalis sa University.Ang kapatid ko,ano kayang ginagawa no'n ngayon?Malamang masaya dahil kasama niya si Ryke.Ano kayang mararamdaman ng loka na iyon kapag nalaman niyang mawawala ako?

"Bring home the title,The Spix!"

Painit na ng painit ng pumasok sa aking isipan ang isinigaw ng mga estudyante sa Amethyst bago kami umalis.Nang sinabi nila iyon ay kita ko sa kanilang mukha ang pag-asa,pag-asa na mananalo kami at maibabalik ang title na minsang napunta sa amin.

Malamang,malulungkot sila kapag nalaman nilang may nangyaring masama sa isang miyembro ng The Spix na kanilang inaasahan.

Syempre,hindi ko sila bibiguin.

*****

ASHBI ERIE YERINA or AEY'S PoV

"Ang init!!"Sigaw ko habang nakikipaglaban sa aking kalaban,nandito kasi kami malapit sa mga halaman na nasusunog.

Sino ba naman kasi ang nagpa-simula ng sunog na ito?

Gusto ko sanang apulahin ang apoy na kumakalat ngunit magiging distraction lamang iyon para sa akin dahil mayroon akong kalaban.

"Tigilan mo na ang buhok ko!!"Rinig kong sigaw ni Kez di kalayuan sa amin.KAnina niya pa kalaban ang isang lalaking ito na gustong gusto na hinahawakan ang kaniyang buhok.

Bakla?

Si Leo naman ay nasa aking tabi lamang—siya ang nagsisilbing weapon ko.Gano'n din si Kit at Tin na magkasangga habang kinakalaban ang limang matra na sabay-sabay umaatake.

Asan si Princess Kheitee?

"Ashbi!Focus!"Sigaw ni Leo sa akin,napansin niya sigurong kanina ko pa inililibot ang aking mga mata.

"Nakita mo ba si Kheitee?"bulong ko sa kaniya.Umiling siya at hinagisan ng shuriken ang papalapit sa amin.Sa sobrang lakas ng pagkahagis ni Leo ay bumaon ito hanggang sa likod nong hinagisan niya,bapahiga ang allaking iyon at bumalik naman ang shuriken sa kamay ni Leo.

"AAAHHH!!"Rinig kong sigaw ng isang ababe mula sa itaas,napatingin ako at laking gulat ko nang makita ko si Kheitee na lumilipad at malapit nang bumagsak sa mga halaman na nasusunog.

Hindi ako nagkakamali na si Kheitee iyon dahil sa suot nitong all black.

"Kheitee!"Sigaw ko sa kaniya dahil malapit na siyng bumagsak ngunit hindi niya ako narinig dahil hindi man lang siya lumingon sa aking direksyon.

Kheitee!Oh my god!Hindi ka pwedeng mawala princess!

Napaluhod ako sa damuhan dahil sa aking nasasaksihan.Napansin naman iyon I Leo kaya naman hinarang niya ang kaniiyang katawan sa aking harapan para hindi ako atakihin ng aing mga kalaban.

Gusto ko siyang tulungan ngunit hindi ko magawa dahil sa grabeng lungkot na aking nararamdaman.Tuluyan na akong napaiyak ng pumasok sa aking isip na wala na si Kheitee dahil nasunog na siya sa apoy.

"Why are you crying?!"Tanong ni Leo nang hindi man lang tumitingin sa akin,narinig niya siguro ang aking hagulgol.

"Si-si khe-kheitee...wala n-na,"sabi ko.Kahit hindi siya makatingin ay ramdam ko ang kaniyang pagkagulat at lungkot.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon