KEZ
"Saan siya galing?"
Ayan ang kanina pang tanong ni Miss Carmen sa amin. Nakakaloka! Hindi ba niya maintindihan yung sagot namin?
"Hindi po namin alam. Galing daw siya sa Beach," kibit-balikat na sagot ni Aey. Kanina pa namin ito sinasagot, isang tanong pa Miss!
"Saan ba kasi na naman kayo nagsususuot?!" Alam kong nagpipigil lang ng galit 'tong si Miss.
Kung meron lang nagmamay-ari ng Enhanced Synesthesia dito. Tss. Nagbunganga lang sa amin si Miss Carmen, hindi niya kami mapaparusahan kasi nga... we're special.
So special, that they can't use theirs.
Papunta na kaming Indoctrination Room. Wala naman kaming ginagawa kaya maglalaro muna kami. Nakakatamad nang walang ginagawa, ayaw ko rin namang maglibot sa buong University at mapapagod ako. Martyr lang ang maglilibot sa lugar na ito.
'Di kalayuan may nakita akong nagkukumpulang mga babae. Napangiwi ako. Ayan nanaman.
Nagpaalam na muna ako sa mga kaibigan ko para puntahan ang mga babae 'di kalayuan.
"Gora na kayo! May gagawin lang ako," hindi ko na inintay pa ang sagot nila at umalis na ako.
Wala akong nakakasalubong na mga estudyante dito kasi Class hours, kaya nagtataka ako kung bakit may nagkukumpulan. Hindi kaya cutting sila?
Malayo pa lang ako, pinahaba ko na ang aking buhok at winagayway para warning-an sila. Nang makita nila ang buhok kong maganda, tumingin sila sa likod nila't para silang nakakita ng multo. Duh?!
Ako? Magiging multo? Sa ganda kong ito?
"M-Miss Kez," they said in chorus. In fairness?
"What's yours?" Tanong ko, tukoy sa kanilang abilidad. Ibinalik ko na rin yung buhok ko sa normal nitong ayos.
"We all have the L-Lure Call, Miss Kez." Bakit ba sila nauutal? Nakakatakot ba ako?
"Now I know. Ano nga palang ginagawa niyo dito?" I crossed my arms.
"D-don't bring us to Miss Carmen, M-Miss Kez," nakayukong sabi nung isa. In fairness magaganda boses nila ah?
Ano ka ba, Kez! Kaya nga Lure Call, 'di ba?
"Answer my question or else dadalhin ko talaga kayo... tototohanin ko yung sinabi ng kasama niyo?"
Oh, my. I'm enjoying this.
"Kinakantahan lang po namin yung c-crush namin," at umalis sila sa bilog. Nakita ko ang isang lalaking naka-smile at may sinasabi.
He's hypnotized!
"I all love you girls," paulit-ulit na sabi ng lalaki habang nakangiti. Gwapo. May sinabi pa siyang mga pangalan. Siguro mga pangalan nung mga babaeng ito.
Kahit na hindi tama ang ginawa nila, isang paga-aksaya ng enerhiya lang ang gagawin ko kung dadalhin ko pa sila kay Miss.
"Oh, siya! Sige, pasalamat kayo't gwapo yang nakuha niyo. Alis in 1-2-"

BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasyON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...