57:NIGHTMARE

77 7 1
                                    


******

Kheitee's PoV

"PRINCESS!!"

Sigaw ng isang lalaki,tumingin ako sa pinanggalingan ng boses nakita ko ang pigura ng isang lalaki hindi ko siya mamukhaan pero feeling ko ay malapit siya sa kaibigan ko.

Where am I?

"Aey!"

Sigaw muli ng isa pang lalaki,he ran towards Aey's direction.Aey seems like she didn't know what's happening and where she is.

Kahit ako,hindi ko alam kung bakit ako nandito.

Nagulat ako ng tumakbo ang lalaki at tumalon sa harapan nito para..saluhin ang isang kutsilyo na dapat ay sa tingin ko tatami kay Aey.

Gosh!Ano ito?Are we still in a battle?!

"Kuya Leo!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses babae.Katulad ng ginawa ng lalaki kay Aey,tumalon din siya sa harapan ni Leo at sinalo ang bagay na dapat tatami kay Leo.

A-ano ito?!

Naalala ko na!Nasa panaginip nanaman ako!Ito ang panaginip ko no'n na hindi ko alam kung bakit!Ano ito?!Pangitain ba ito?Katulad ito ng panaginip ko no'n pero iba ngayon dahil nakikita ko ang mukha nila.

"Kez!"Sigaw naman ng isa pang lalaki,nakita ko ang kaniyang mukha,mayroon siyang bangs na sumasalubong sa hangin habang tumatakbo patungo sa direksyon ni Kez.Sinubukan siyang pigilan ni Kez pero huli na dahil natamaan na ang lalaki.

Ganoon din ang nangyayari sa iba kay Tin na prinotektahan din ng isang babae.Sinubukan kong gumalaw pero tila nakapako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan athindi ako makalakad.Dapat may gawin ako!

Tumingin ako sa paligid at kita ko ang iba pang naglalaban.Mga esudyante rin sa Amethyst na dapat kong tulungan dahil kita na ang paghihirap sa kanila.

What should I do?!

"A-aray!"

Wala namang umaatake sa akin gnunit nakaramdam ako ng sakit,I knew where it's come from.Nararamdaman ito ni Kit.

"K-kit?"

Pagtawag ko,ilakasan ko pa ang boses ko ngunit mas malakas ang tunog ng labanan ngayon.

"Anong pakiramdam ng isang tulad mo na walang magawa para protektahan ang kasama niya?"

Agad na nagpintig ang tenga ko ng marinig koi yon,tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang pinakainaiinisan kong babae.

"Hindi ka dapat naging prinsesa kung ganiyan lang din ang gagawin mo sa oras na kailangan ka ng maraming tao."

Natamaan ako sa sinabi niya,totoo naman dapat hindi na ako naging prinsesa kung ganito lang din ang gagawin ko.

Naglakad na siya paalis at nakita ko kung saan siya pupunta...kay Kit na kasalukuyang nakikipaglaban.

"Kit!!"

****

THIRD PERSON'S PoV

Naisaayos na ng mga Matra in charge ang The Spix,maayos na ang kalagayan nila ngayon at payapang natutulog.

"All fine na po Miss,uhm.."may kinuha ang sekretarya ni Miss Carmen sa kaniyang bag na punong-puno ng papel."I also informed the teachers na h'wag muna mag-klase as what you've said,"sabi niya.

"Well then,thank you.You can also rest,alam kong napagod ka."

Nagulat ang sekretarya ni Miss Carmen dahil minsan lang ito.Hindi naman sa hindi siya binibigyan ng pahinga ngunit.Nag-bow muna siya bago lumabas.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon