48:BATTLE(1)

150 10 0
                                        


"Aey!"Sigaw ko sa kaniyang pangalan para makuha ang kaniyang atensiyon.Nang tumingin naman siya sa akin ay ini-nguso ko ang kaniyang gilid.Mabilis naman siyang gumalaw at tumingin sa kaniyang gilid at tinira ang papalapit na kalaban.

Mabilis niyang binulusukan ng tubig ang lalaki na may balak tumira sa kaniya.Napaatras ng unti ang lalaki at iyon na ang nagsilbing tiyansa ni Aey para sipain ang tiyan ng lalaki.

"Hey!"Sigaw ng kung sino na sumulpot sa aking harapan.Hindi ko na alam ang ginawa ni Aey sa kalaban niya dahil nandito na ang atensyon ko—sa lalaking ito.

"Hey,too!"Sigaw ko pabalik.

"I'm John and I'm from Blue Topaz University.I'm nominated as the prince of our University,amazing isn't it?No wonder,my mother is one of the head in our University.And I'm proud to say that my bestfriend,May,is nominated also as a princess in our Univer---"

"Too girly of you being a prince."Pagpa-prangka ko sa kaniya.Why?!It's true.Para siyang bakla kung magsalita.Habang nagsasalita siya kanina,pumipitik ang mga daliri niya at ang kaniyag bewang.

"Anong sabi mo?!"He asked.Hindi ko na lang siya pinansin.I started to punch him in the face to shut his mouth.Maingay eh.

Pagkatapos ko siyang suntukin ay napahiga siya sa damuhan at daglian ko siyang sinipa sa kaniyang tagiliran para hindi na makatayo.Patuloy lang ako sa pag-sipa sa kaniyang tagiliran nang bigla akong mapa-luhod dahil sa sakit na aking nararamdaman.

It felt like something is stuck on my knees.

Hindi ko pa nakikita ang kung ano man na nasa aking tuhod ay nakaramdam agad ako ng sakit at ang likidong dumadaloy sa aking tuhod pababa sa binti patungo sa paa.

Nakaramdam din ako ng hilo dahil do'n ngunit hindi ko na lang pinansin,tiningnan ko ang lalaki na parang bakla na nakahiga pa rin ngayon at tila'y umuubo pa.

Dahil sa sakit ng aking tuhod ay hinayaan ko na lang muna siya umubo,pasalamat siya at masakit ang aking tuhod.Nang matapos siya sa kaniyang pag-ubo ay tumayo siya at tumingin ng masama sa akin.

"Don't look at me like that."Sabi ko sa kaniya ngunit hindi niya ako sinunod bagkus ay sinugod niya ako at sinuntok sa aking tagiliran.Hindi agad ako nakaangal.Napaatras ako nang kaunti at sa aking pag-tingala ay nakita kong mayroon na siyang dalawang fire ball sa kaniyang dalawang palad.

The fire balls and also he seems to be ready to attack me,right here,right now at my direction.Masyadong matalim ang tingin niya sa akin.Napatingin ako sa kaniyang mga mata and I'm fascinated by his eyes—light blue eyes.

I ready myself for his fire balls.Akala ko papakawalan na niya ang mga fire balls pero meron pa siyang ginawa do'n na nakapagpa-mangha sa akin.The two fire balls is merging!

The two fire ball is merging.

Ang kaninang dalawang fire ball ay ngayon isa na lang,akala ko do'n na magtatapos ang kaniyang ginagawa sa fire ball ngunit unti-unti itong lumaki hanggang sa mas lumaki pa ito sa akin.

Kita kong naagaw naming ang atensyon ng ibang naglalabansumilip sila sandal sa amin ngunit itinuon muli ang pansin sa kanilang kalaban.I can feel the heat of the big fire ball.

Ang init.

"Argh!"Daing ko nang maramdaman kong may tumusok muli sa akin.Inilibot ko ang aking tingin at nakita ko ang isang lalaking nakatitig sa akin mula sa 'di kalayuan.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay bigla niyang inilabas ang kaniyang dila at kita ko ro'n ang isang pako na nakatusok sa kaniyang dila.Do'n pa lang sa nakatusok na pako sa knaiyang dila ay masasabi ko ng siya ang tumutusok sa akin ng pako.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon