7:PRINCESS' SIGN

303 23 3
                                    



Do you ever feel that you're confuse about your feeling? Sarili mong nararamdaman hindi mo maintindihan.

Iyon bang masaya ka pero malungkot ka, sa hindi malamang dahilan?

Kanina pa ako sa trabaho ko, kahit kahapon pa nangyari iyong pakiramdam na iyon, ewan ko ba pero ang lakas pa rin ng tama sa akin. Siguro dahil hindi ko maintindihan kaya ko hindi makalimutan.

So far, natapos ko nang maayos iyong trabaho ko, kahit na maraming bumabagabag sa isip ko. 

Ang lungkot ko, kasi wala pa ang itinuturing nilang prinsesa at malungkot pa rin ang kapaligirang AU, at lalo na ang kanilang prinsipe na patuloy sa pagtataray sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay isa ako sa mga estudyante ng AU, nakiki-feel sa nararamdaman nila.

"Sige, mauna na ako," napakurap-kurap ako nang magsalita si Kuya Roel, oo nga pala at narito pa ako sa Food Room. Tinapik niya ako sa braso bago ngumiti na kalaunan ay naging ngisi. Tama ba ang nakita ko?

Baka pagod lang 'to. But somehow, I felt uncomfortable.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba ako nag-iisip ng ganito pati sa kasamahan ko sa trabaho ay nadadamay ko. Ngisi lang naman iyon, Aiee! Baka may iniisip lang si Kuya kaya ganoon.

Ano naman kaya ang naiisip niya?

Umiling-iling ako at natawa, ewan ko sa'yo, Aiee.

Napatalon ako nang may kumalabit sa akin, pagtingin ko wala naman. Nakaalis na ba si Kuya Roel? Baka naman pati pag-alis ni Kuya Roel ay nasa isip ko lang.

Isang kalabit pa mula kanino at napalingon ako sa aking kanan. Sino ba 'yon? Babanggitin ko sana ang pangalan ni Kuya Roel, ngunit pakiramdam ko ay umalis na ngang talaga siya rito, tahimik ang lugar.

Sumuko na ako sa pag-lingon, kung sino ka mang kumakalabit, bahala ka na dyan. Kailangan ko nang umalis dahil maglilinis pa ako ng Topaz Building!

"Uy! Wait lang!" Nakakailang hakbang pa lang ako paalis ay sumulpot na ang isang babae. "Tapos ka na ba?" Tanong niya, tumango na lang ako at hinanap ang lugar na kaniyang pinagtaguan.

"Ano kasi Kez--

"I know you're shocked because I'm here. Sino ba namang hindi magugulat, 'di ba?" She laughed like she's the happiest girl in the world.

"'Yung sa kahapon kasi, 'yung kay KIT. Ako na magso-sorry kasi hindi naman marunong mag-sorry ang taong iyon," umirap pa siya sa kawlan. Mukhang pati siya ay naiinis kay Kit.

"Halata naman," bulong ko.

"Kaya nga ako nandidito, para mag-sorry, kasi nga hindi siya marunong mag-sorry," sabay tawa niya. Lagi siyang tumatawa.

"Ano ka ba? Wala iyon," sabi ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Naturakinesis," bigla niyang sabi nang sumabay siya sa paglalakad. Ano raw?

Hindi na lang ako umimik dahil hindi ko naman alam iyon. Naturakinesis?

"Naturakinesis, from the word nature .The one who have it obviously can control nature."

Ah.

Hindi na lang din ulit ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung bakit niya sinasabi lahat ng ito sa akin.

"Kit's main is Naturakinesis," pagdagdag niya pa ng makita na hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil siguro tuwing naabutan niya ako sa Training Room, tatalakan niya ako at maya maya mapupunta na lang ako bigla sa kung saan. Pero kadalasan napupunta ako sa gubat sa labas ng University. 

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon