6:Alex/a

269 19 2
                                    


"Nalaman ng mga Topaz-ian ang ginagawa ng University! Nalaman nila na nagpapadala tayo ng mga estudyante para kunin ang mga birthstones na pagma-mayari ng Amethyst."

"Remember? The Opal Group?"

"Ginawa nilang panakot para sa atin ang mga walang magawang mga bata."

Umikot na naman ako sa pang-ilang beses, pumasok na naman kasi sa isipan ko yung mga sinabi ni Miss Carmen sa akin kanina. I asked her..

"Miss, kailan po ako makakabalik?"

"After your mission, a water."

Mission? Why would she give me a mission if we both know that I don't have the ability to accomplish it? Tinanong ko si Miss kung anong mission iyon, ngunit iniba niya ang usapan 

"Miss, what mission?" Tanong ko ulit sa kaniya. Tumigil muna siya ng pagsasalita para huminga ng malalim.

"Your mission is..."





Pinagsisisihan kong tinanong ko pa ang mission na dapat kong gawin. Bakit ganoon?

Ngayong araw ko na sisimulan ang mission ko, sa pagsisimula ko kailangan ko na ring tanggapin na nakataya ang buhay ko rito, na hindi ko kailanman matatanggap. Ngunit sisimulan ko na rin naman na para makabalik.

Nandito ako ngayon sa IR. Nandito ako para hintayin 'yung mga una kong nakasama dito sa AU. Habang nag-iintay, nag-ikot ikot ako sa loob.

Napakasimple lamang nitong loob, purong puti. Merong mga lamesa na gawa sa kahoy bawat gilid, punong-puno ito ng mga kagamitan na ginagamit nila sa pagt-training 'gaya ng naabutan ko noong una kong punta rito.

Hinawakan ko ang isang maliit na kutsilyo, namangha ako nang makita ang repleksyon dito. Sa hawakan nito ay may nakita akong kulay ube na hindi ko alam kung dyamante ba o simpleng bato lamang.

Tumingin pa ako sa ibang mga kagamitan sa lamesa, hindi lang pala violet ang naroon. Mayroon ding kulay puti, asul at iba pang kulay na nire-representa ang mga kulay ng birthstones.

Kukunin ko na sana 'yung iba, pero narinig kong bumukas ang pintuan.

I heard them talking to each other, naglakad sila papunta sa gitna, ngunit natigil din nang makita ako.

"Bakit ka nandito?" Diretsahang tanong sa akin ni Kit. Kanina may nakikita akong nga ngiti sa labi nila, pero nang magsalita siya ay nawala. Ganoon ba talaga ang epekto niiya sa kanila?

Hindi ako nakasagot agad, patuloy lang siya sa paglalakad papunta sa akin. Sa sobrang seryoso niya, halos maramdaman ko na ang lumalabas na itim na aura sa kaniya na aking naiisip.

"Why are you here?" Ulit niya. Hindi na ako tuluyang nakasagot nang muli niya akong hawakan sa magkabilang balikat ko. He likes to hold me there for the same reason.

Ang sakit na nararamdaman ko ay kapareho ng sakit nang una niyang gawin iyon sa'kin. Ang kaibahan nga lang ngayon ay mas ramdam ko ang sakit sa aking kaliwang balikat. Himala nga at ngayon ko lang naramdaman ang sakit, mayroon kasi akong sugat doon na nakuha ko dati no'ng bata ako.

Kakaiba nga ang sugat na ito dahil hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin akong sakit.

"Why are you here!?" Muli niya akong inalog na mas lalong ikinasakit nito. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya dahil hindi pa ako nakakasagot.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nag-uusap sila, nagtutulakan para pigilan si Kit.

"Kit, chill. Baka naman nag-lilinis lang siya dito," Tin said. Seryoso din ito. 

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon