----
THIRD PERSON'S POV
Habang nagkakasiyahan ang mga estudyante sa loob ng kanilang University ay hindi nila alam na mayroon na palang nakamasid sa kanila.
"Magsaya muna kayo ngayon."Sabi niya—ng nagmamasid.
"Titirahin na ba natin boss?"Tanong ng kasama niya.
"H'wag muna.Intayin muna natin ang malaking kaganapan sa kanila."
"Malapit na iyon,hindi ba?"
Hindi na siya nagsalita.
Ang mga kasama niya ay may dala-dalang armas na pwede'ng ipambato sa mga nagsasaya ngayon.Pero,napagpasiyahan na lang na h'wag muna.
Iintayin na lang ang malaking kaganapan kung saan may iba't ibang eskwelahan ang dadayo pa dito sa Amethyst University.
Malaking kaganapan kung saan ipapasa na ang title na napanalunan ng The Spix.
"Tara na,"sabi niya at nauna nang umalis.
Nagpaiwan muna ang isa niyang kasama,gusto niya pang pagmasdan ang buong Unibersidad habang nagkakasiyahn ang mga estudyante.
"Kung buhay pa sana ang asawa ko,ganiyan din sana siya kasaya ngayon."Sabi niya biglang nalungkot ang kaniyang mukha.
Bigla niya tuloy na-miss ang kaniyang namayapang asawa.Kung hindi dahil sa kapabayaan ng Amethyst University ay hindi mamamatay ang kaniyang asawa.
Para sa kaniya ay itinuturing niyang bayani ang kaniyang asawa dahil sa ginawa nito sa paaralan.Isa itng gur sa paaralan na ito,napakabait na guro.
Napakabait na guro na ang ginawa lamang ay pinrotektahan ang kaniyang mga estudyante.
No'n kasing nagdaang kaguluhan dito sa Amethyst University nangyari iyon at hinding-hindi niya iyon malilimutan.
Ni hindi man lang sila nabiyayaan ng anak.
"Kahit anong mangyari ay h'wag na h'wag mong pagtataksilan ang paaralan kung sa'n ka natuto at lumaki."
Natatandaan niya pa ang sinabi ng kaniyang asawa no'n.Pareho silang dito nakapagtapos at dito na rin nag-trabaho.
"Rel!"Medyo nagulat siya nang may sumigaw sa kaniyang pangalan.
Tumigin siya at nakita niya si Miss Rose—isa sa mga guro dito at trainor ng The Spix—itinapon niya sa gilid ang dalaniyang armas at ngumiti sa kaniya.
"Bakit po?"
"Ayaw mo bang makisali sa kasiyahan sa baba?"
"Hindi na po,nakakahiya naman."Napakamot pa siya sa kaniyang batok,kailangan ay umakto siya sa kung anong trabaho niya dito sa Unibersidad.Isa lamang siyang chef dito.
"Ano ka ba?Others?"
Biglang sumikip ang kaniyang dibdib,hindi man niya sabihin ay talagang natamaan siya sa sinabi ni Miss Rose.Hindi naman siya others pero angiging gano'n na siya.
Unti-unting nagiging iba dahil sa pagtataksil na ginagawa niya sa Unibersidad na ito.
Hindi siya sumagot.
"Oh,sige.Basta kung gusto mo bumaba ka na lang ah?"Tumango naman siya.
Nakaramdam siya ng kakaibang init sa paligid,papalapit anng papalapit.
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasíaON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...