30:INFIRMARY

153 18 5
                                        

Kez's

"Let.me.take.care.of.my.chosen.matra!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki.

Napatigil ako sa pagga-gamot kay Sir Chen at tumingin sa pinanggalingan ng sigaw.

"Ryke?" Sabi ko ng makilala ko ang lalaking sumigaw,nakakatakot siya.Pareho silang dalawa ni Kit na nagbibigayan ng mga masasamang tinginan.

Naloka ako nang makita ko na karga-karga pa ni Kit si Princess Kheitee na walang malay.

Napansin kong lahat pala kami ay nakatingin na sa kanila ngunit para sa kanila ay wala lang ang mga tingin.Tumingin ako sa itsura ni Ryke,gwapo naman pala ang playboy--- este ang lalaki.Nagmumukha lang siyang playby dahil sa pangalan niya.Cute din siya hihi,pero syempre mas cute at gwapo kumpara sa kanila ang Travis ko ano!

My gosh!Si Sir Chen pa pala,isa ring gwapo ito eh!Teacher ba talaga ito o estudyante?Nakakaawa na rin ang kalagayan niya ngayon,puro basag na salamin ang nakatusok sa katawan niya.

"Mamaya ka na tumingin tingin diyan!Gamutin mo muna ako,tsk!"pagalit niya sa akin,pinanlakihan pa ako ng mata.

"Aba!Kung hindi mo kami pinagod,'edi sana hindi mo dinadanas ang sakit ngayon!" bawi ko sa kaniya.Hah!Kahit teacher pa siya wala siyang karapatang pag-salita-an ako ano,over my angelic face,long and beautiful hair!?

Sinimulan ko na siyang gamutin para matapos na rin.Matapos kong tanggalin ang mga basag na salamin ay sinnunod kong pagalingin ang mga sugat niya,medyo nahirapan ako dahil masyadong malalim.

Kahit naman nasa Advanced Level na ako ng pagiging healer,eh ibig sabihin noon na mabilis na ang pangga-gamot ko.Hindi naman ako ganoon ka-galing para mabilis ang aking pangga-gamot.Pero pwedeko namang bilisan pero may consequence,mapapaagod ako ng bongga!

"Tatanggalin ko pa ba iyang peklat mo sir?" tanong ko sa kaniya,hindi ko siya gagalangin dahil siya ang nanguna na bastusin ako.

Hindi niya ba alam ang Golden rule?H'wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa'yo.

Oh,pak!Nakabisado ko pa.Kahit naman ang focus namin ay ang panghahasa ng aming main at extra,may mga Matra dito na katulad ni Aiee---Princess Khailee!na galing sa human world.Sila ay galing sa human world na inilayo ng kanilang mga magulang na mas pinili na manirahan doon dahil delikado dito sa mundo namin.Talaga namang delikado dito pero anong magagawa namin?Dito nararapat ang mga katulad naming may mga mains at extras,sa mundong ito nararapat ang mga Matras.

Iyong mga matra na galing sa human world ay nagshe-share ng kanilang mga nalalaman tungkol sa mundo ng mga tao.Nagtu-turo din ang iba.Isang beses nga,tinanong namin ang isang Matra na galing sa human world.

"Bakit ka pa nag-punta dito kung masaya naman pala sa human world?"

"Oo masaya doon.Masaya kami nila mama at papa doon kasama ang mga kapatid ko,kaming pamilya masaya doon pero noong panahon na,biglang may lumabas na birthstone sa aking pulsuhan,nalaman ko na meron akong main at extra.Ganoon din ang mga kapatid ko,pati na rin ang mga magulang ko pero itinatago nila"

"Bakit?"

"Dahil delikado daw dito,sinabi ko sa kania na kung pwede pumunta kami dito pero hindi talaga sila pumapayag.Nagpuilit ako dahil gusto kong makakilala ng iba pang mga katulad ko.Gusto ko ring malaman kung ano ang main at extra ko at para na rin ma-kontrol ko ito ng tama!"

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon