39:GOODLUCK!

129 14 6
                                        

PAGKAGISING ko ay agad ako'ng nag-ayos ng aking sarili bago bumaba sa sala para kumain.Naa-amoy ko na kasi ang mga pagkain sa ibaba.

"Morning," natatamad ko'ng bati sa kanila habang itinatali ang aking kulay brown na buhok.

"Nasan si Men-men?"

"Naga-ayos pa eh."

What?Sino nag-luto ng mga pagkain na nasa harapan namin ngayon?Pansin ko rin na hindi pala lahat kami gising na.Tanging kami pa lamang mga babae.

"Sino nag-luto nito?"

"'Di ko rin alam eh,pagdating ko meron ng pagkain dito," tugon ni Aey habang kumakain,grabe.Hindi man lang ako inintay!

Kumuha na ako ng bacon at kanin at nilagay sa plato ko.Naninibago tuloy ako.Kasi kapag kumakain ako sa University,kakaiba ang upuan at lamesa namin,e,dito,ordinaryo lang.

Isusubo ko na sana ang laman ng kutsara ko nang mero'ng bumati mula sa aking likuran.Parang bulong.

"Morning," mula sa likod ay binati niya ako sa aking tenga.Muntikan ko nang mabitawan ang kutsara ko dahil sa ginawa niya.

"Morning!Ano,nakatulog ka ba ng maayos?"

"Not really," sabi niya at umupo sa tabi ko.Kapal ng mukha'ng tumabi sa akin ng isang Kit.Nakakalimutan niya bang may hindi pa siya ine-explain sa akin?!

Hah!Akala niya maayos na kami ah?

"Bakit naman?Let me guess..." Umakto pa akong nag-iisip at tumingin sa kisame.

"Siguro hindi mo nakausap iyong mga babae mo bago matulog,especially...Ysha," sabi ko sa kaniya at binigyan ng mapanglokong ngiti.

Isinubo ko na ang laman ng kutsara na ka-muntikan ko nang mabitawan kanina.Gosh.Gusto niya palang mag-laro kami ah?

Nakalimutan niya kung sino si Ysha?Nagloloko ba siya?Paanong hindi niya maaalala iyon eh lagi naman silang magkasama?!Hay nako,Kit.

Gusto niya ng kalimutan?Laro?

Then I will give it to him!

"Oh.I remembered Ysha,she's--"

"Your girlfriend," pagpapatuloy ko sa kaniyang dapat sasabihin.

"What?She's not my girlfriend--"

"Your crush or maybe your wife?"

"She's not my--"

"Eh,bakit kayo lagi'ng magkasama?"

"Bakit kayo minsan magkasama?" Pagbabalik niya sa akin ng tanong.

"Who?Don't question me back,I'm asking you--"

"Who's Ryke?"

Argh!Iniiba niya iyong topic namin.Talagang nakikipaglaro siya ah?!

"Who's Ysha?"

"Who's Ryke?"

Nagkatitigan kami'ng dalawa.Naitigil ko ang aking pagkain dahil sa pakikipag-usap ko dito kay Kit.Mag-katabi naman kami ngayon kaya magkalpit ang aming mga mukha.Pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa inis na aking nararamdaman.

Ngunit siya'y seryosong nakatingin lamang sa akin.Agaw pansin ang kaniyang magulong buhok at ang kaniyang..eyeglass?Sa pagkakaalam ko,hindi naman malabo ang mata nito'ng si Kit.

At kung malabo man,hindi dapat eyeglass ang ginagamit niya.Merong special device ang pinapagamit sa mga Matra'ng may malalabo'ng mata.

Porma,siguro?

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon