22:LECTURE

206 17 1
                                    

Nang matapos ang program ay umalis na ang mga estudyante kasama ang kanilang mga guro ng may ngiti sa kanilang labi.Ngumingiti sila na para bang wala silang problemang kinakaharap.Mayroong mga naiwan dito sa grounds karamihan ay mga grammar students na naglalaro,naghahabulan,nag-uusap at ung anong pwedeng gawin ng isang bata.

Meron din namang intermidiate students na nandidito at naglalaro iyon,nga lang iba ang klase ng kanilang paglalaro--main and extra.Hindi ko na lamang sila pinansin dahil bakas sa kanilang itsura ang kasiyahan habang naglalaro sila gamit ang kanila-kanila.

"Hey" tawag pansin sa akin ng isang babae,maganda ang boses nito at pamilyar.Tumingin ako sa kaniya.

"Hey" may ngiti sa aking labing binigkas.Ayokong sirain ang maganda kong mood para lamang sa kaniya.

"Hi,I'm Ysha Madrigal an intermidiate student Level 2,and my main is Water Manipulation" pagpapakilala niya sa akin,kumaway pa siya na akala mo eh walang nangyari kanina.I just smiled.Wala naman akong sasabihin sa kaniya dahil ngayon lang kami nagkita.

But,she looks familiar.

"Uh--I just wanna say sorry to what I've done earlier.." nakayukong sabi niya sa akin and her hands intertwined like she's sincere.

Hinawakan ko ang kaniyang baba upang patingalain siya,ngumiti ako.

"H'wag kang yumuko sayang ang ganda mo" Kahit naman muntikan na niya akong sampalin kanina ay okay lang iyon sa akin,naiintindihan ko naman siya,atsaka sino nga ba naman ang makakakilala sa akin?Kumpara mo naman sa itsura nitong si Ysha ay mas mukha pa siyang prinsesa kaysa sa akin.

Tumingala siya at ngumiti sa akin.

Mas lalong nakapag-paganda sa kaniyaang pag-ngiti niya.Kaya hindi na ako magtataka na kung bakit maraming mga lalake ang nakapaligid sa kaniya ngayon.

Nakaramdam naman ako ng hiya dahil puro lalaki na ang nandito kaya tinanguan ko na si Ysha at nagpaalam na.

"Uhm,Ysha.You know?It's okay basta wag mo na lang ulit gagawin iyon"

"Oh my Gee!Thank you,princess!" niyakap na niya ako at hindi na ako nagulat.Natuwa pa nga ako dahil wala nang magta-taray sa akin.

Umalis na ako at nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay may itinanong ulit si Ysha.

"Princess,I know you're so high to reach but,I'm hoping that you see me as a friend!" sigaw niya.

"Bye Princess!"sigaw ng mga lalaki,nag thumbs up na lamang ako sa kanila habang nakatalikod at nagpatuloy sa paglalakad.


*****

"Goodnight,my princess" nagpaalam sa akin si Kit bago niya ako lisanin sa aking kwarto,kinumutan niya ako at napangiti nang hawiin niya ang ilang hibla ng aking buhok papunta sa likod ng aking tenga.

"Goodnight" at ngumiti ako sa kaniya,hindi ko alam pero nakaramdam nanaman ako ng init sa aking pisngi at narinig ko si Kit na tumawa na tila nang-aasar.

Bakit ko ba laging naakalimutan na iisa na ang katawan namin?

"Goodnight,guys!!"pahabol ko sa mga kaibigan kong paalis na rin kasabay ni Kit,sumagot na rin sila pabalik sa akin at narinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan.


Ilang minuto na ang lumipas noong sila'y umalis,pero hindi pa rin ako nakakatulog.ilang pwesto ang aking ginawa.Pero kahit anong gawin ko hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon