MISS CARMEN'S PoV
Ikatlong araw na ito simula ng magkaroon ng bond si Kit at Aiee at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila gumigising, kahit ang grupong SPIVE na kinabibilangan ni Aey, Kez, Leo, Tin at Kit.
Napapaisip ako dahil ngayon lang ako nakasaksi ng Bonding ng isang intermediate student at isang normal na tao. Ngayon lang din ako nakasaksi ng Bonding sa ganoong edad pa lamang, kadalasan kasi ay kapag isa ka nang ganap na Matriarch Student, nagkakaroon na ng bond o kaya'y kapag masyado kang nakakaranas ng masyadong saya, masyadong kalungkutan, katakutan, o kahit ano pang emosyon mo na sumosobra.
Napapaisip din ako dahil pinipili ng isang indibidwal kung sino ang gusto niyang maka-bond at kung sino man ang iyong napili ay dapat sang-ayunan niya ito. Sa madaling salita, dapat kilalang kilala mo ang taong makaka-bond mo at mayroong masusing pag-uusap.
Tuwing nagre-report sa akin ang aking sekretaryang si Judy, maganda naman ang pakikitungo ng grupong 'The Spive' kay Aiee, kahit na alam nilang wala itong main o kaya naman ay extra. Maliban lamang kay Kit.
Madalas tarayan ni Kit si Aiee ukol sa mga reports. Nauunawan ko naman ang kaniyang pakikitungo kay Aiee, naniniguro lamang siya na ligtas ang kaniyang mga kasamahan at isama mo na ang nasa loob ng Amethyst Univeristy. After all, Kit is the Prince, securing the University's safety is his priority.
Malay natin kung espiya si Aiee?
Naglalakad ako ngayon sa Unibersidad, dahil sa nangyari noong nakaraang tatlong araw. Marami na kaming inaatupag, sinalo ng ilang mga guro ang dapat na gawin ng The Spive dahil nga sakailang kalagayan.At alam kong sinasamantala ng ilang mga estudyante ang pagkakataong ito na maraming ginagawa ang kanilang mga guro.
Nasa second floor ako ngayon sa balcony,matatanaw mo ditto ang Unibersidad at ga kilos ng mga estudyante.
May nakita akong nagkukumpulag mga estudyante na nagkakasiyahan.
Dahil sa tinatamad akong maglakad papunta sa kanila,nag-palit na lang ako ng anyo bilang isang ibon na itim.
"Ryan, pakitaan mo naman kami ng isang shotgun," narinig kong sambit ng isang babaeng estudyante, makikita mo sa mata niya ang pagkamangha habang nakatingin sa sinasabi niyang Ryan.
Ginawa naman ni Ryan ang sinabi noong babae, si Ryan ang nasa gitna ngayon at pinapalibutan siya ng iba pang mga estudyante. Pumikit si Ryan at ilang sandali lamang ay naghuhulmang shotgun ang kaniyang kamay 'gaya ng sinabi ng babae.
Nagpalakpakan naman sila dahil sa ipinakita ni Ryan, mukhang manghang mangha dahil sa ginawa ni Ryan.Pagkalapat ng mga paa ko sa lupa ay agad akong nagpalit ng anyo.
Dahil sa aking presnsiya na naramdam ng ilang estudyante napatingin naman sila sa gawi ko at nagulat,kanina ay pumapalakpak sila ngayo'y gumilid sila sa aking dadaanan.
"M-miss C-carmen," humarap sa akin si Ryan.Ayoko nang magaksaya ng oras.Gaya ng ibang guro'y marami din akong ginagawa.
"Main?" tanong ko sa kaniya.
"W-weapon H-hand, Miss C-carmen. Please-" maiiyak na siya.
Nakita ko sa kaniyang wrist ang kaniyang birthstone.
"You, Ryan, from Ruby group and an intermediate student will be at the detention room, where you can't use your main even your extra for.... a week," direkta kong anunsyo sa harap niya.
"At kayo..." turo ko sa mga nanonod kanina. "You're going to clean the whole University, including the Topaz Building, no using of mains nor extras for...a week also," nakita ko naman sila na mangiyakngiyak na,aba!Kasalanan nila yan.
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasyON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...