4: THE NAME

289 23 2
                                        

Sobrang tahimik ng paghahanap namin, sumusunod lang ako sa kanila dahil hindi ko naman alam kung sino iyong hinahanap nila. Kapag tinatanong ko,

"Ano ba'ng itsura ng hinahanap natin?"

"We don't know, too. Bata pa lang kami nawala na siya," sagot sa akin ni Leo.

"Eh tao naman ang hinahanap natin, 'no? Bakit nandito tayo sa gubat?" Tanong ko.

Oo nandito kami sa gubat, super creepy nga! Puro tuyong dahon at matataas na puno, mukha ngang naliligaw na kami dahil paulit-ulit lang ang mga nakikita ko.

"Sana hindi ka na lang sumama, ang dami mong tanong," Kit said.

Nanahimik na lang ako dahil baka matalakan na naman ng masungit na kasama namin. Saan ba pinaglihi ito?

"50 meters ahead. May garden," sabi ni Aey, ang galing talaga! Ano bang meron siya?

Tumingin naman ako kay Aey, nakatingin lang siyang diretso. Bakit ba napakaseryoso nila? Sa paglalakad namin may nakikita akong liwanag. Sandali kong nakalimutan ang mga sinabi sa akin ni Kit.

Napangiti ako dahil palapit kami ng palapit doon. Tinanong ko kung pupunta ba kami doon at mas lalong lumapad ang aking ngiti nang papalapit kami nang papalapit.

Woah.

Hindi ko inaasahang may kasing ganda ang mga bulaklak na nakita ko sa Gate ng University. Napakaganda ng mga bulaklak na ito.

"Ang ganda!" Napasigaw na lang ako dahil hindi ko maitago. Kung naitago ko ang pagkamangha ko noong papunta kami sa Amethyst University ngayon, HINDI!

Humiga na ako sa damuhan, halatang walang pumupunta dito dahil ang linis. Sa paghiga ko nakita ko agad ang asul na kalangitan. Nakakapagtaka dahil napakaunti lamang ng ulap. 

Pero sumagi sa mata ko ang isang bulaklak, kahit na paborito ko ang mga bulaklak onti lang ang alam ko dito, onti lang din ang alam kong bulaklak at sa kasamaang palad kasama itong bulaklak sa hindi ko alam.

Kawawa ka naman, aiee!

Pero hindi ko basta basta hinahawakan ang mga bulaklak, lalo na kapag hindi ko alam. May nakapagsabi kasi sa akin na 'Looks can be deceiving', maganda nga iyong bulaklak pero paano kung may mangyari sa akin pagkatapos ko itong hawakan?

Nakahiga ako at naglalaro, narinig ko na lamang na tumatawa iyong mga kasama ko--syempre hindi kasama si Kit, naramdaman ko na lamang na may humiga sa tabi ko.

"Haha! Ang saya pala ng ganito aiee!" Sabi ni Aey habang nagpaikot ikot kami sa damuhan.Haha.Sobrang saya!Alam kong mukha kaming bata pero,We don't care,as long as we're happy.

Nagpatuloy pa kami sa pag-ikot sa damuhan,nag-laro din kami ng habulan pero hindi kami tatakbo.Iikot kami sa damuhan para hindi mahuli ng taya.

"Haha!Ang dumi na natin" Tawa ni Kez,hala!Nakalimutan kong puti nga pala ang suot ko.Tsk!Mahihirapan akong maglaba nito eh.

"Ayan,aiee!Ang dumi mo!Haha"

"Akala ko white suot mo kanina?Nagpalit ka ba?Kulay brown na kasi eh!Hahaha"

Ikinasaya na nila iyon?Hindi ko na lang sila sinagot,imbes tumawa na lang ako.

"Hahaha" tawa ko pero napatigil ako kasi nakita kong ang seryoso ng tingin sa akin ng lalaking walang preno ang bibig.

Hindi ko na lang iyon pinansin,nagpatuloy lang ako sa pag-ikot.Wala naman akong mapapala diyan.Makakain ba iyannAng sarap pakinggan ng mga boses nang mga kasama ko.Pumasok sa isipan ko ang mga memories kasama ang mga pinsan ko.

Mayamaya ay tumigil na din kami,napakadumi na namin.Nadumihan na din ang mga mukha namin at buhok.Akala ko pa naman malinis itong damuhan na ito.Berde'ng berde kasi ang kulay,natatamaan ng sinag ng araw kaya kumikislap.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon