KARYL ELVIS ZALDIVAR OR KEZ'S PoV
Mahirap.Mahirap makisama sa mga taong hindi nakaka-appreciate ng mga ginagawa mo,iyon ba'ng grabe'ng effort na iyong ibinuhos mo sa isang bagay o Gawain pero hindi nila napapansin?
Tsk.
Lalong lalo na mahirap makisama sa mga taong hindi man lang kinikilala ang mga taong dapat nilang kilalanin.Katulad na lamang ni princess.Para sa kanila wala lang ang prinsesa.
Gigil.
Nagpa-alam ako kay Travis ko bago mag-walk out.Umalis na ako dahil baka pagsasa-bunut-an ko lang ang mga nagka-klase do'n.Pupunta na lang ako'ng infirmary,mas maganda do'n tahimik dahil tulog iyong pupuntahan ko.
"Bakit naka-simangot ang pinakamagandang healer ko?" tanong ng isang pamilyar na boses lalaki.Naiinis ako tuwing naririnig ko iyon.
Wala ako'ng oras makipag-chitchat sa kaniya kaya,pinahaba ko ang aking buhok na para bang sinesenyasan siya na h'wag lalapit sa akin dahil kapag lumapit siya ay mahahampas ko siya ng akig buhok.
"Aga-aga ganiyan mood mo" bigla na lang siyang nag-pop sa aking harapan kaya muntikan na kaming magbanggaan,mabuti na lamang at nakatigil ako.Si Sebastian.
"Bakit ba?Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa estudyante'ng kay tagal tagal na nandidito pero hindi pa rin kilala ang kanilang prinsesa?!" dire-diretso ko'ng sabi.Tsk,nakakainis talaga.
"Si Princess kheitee ba kamo?"
Tumango ako,gusto ko sanang sabihin sa kaniya na hindi lamang iisa an gaming prinsesa dahil may half princess na,kaso h'wag na lamang.Hahayaan ko na lamang si Men-men o kaya ang dalawang prinsesa ang magsabi sa University.
"Maiinis din ako kung ako ang nasa kalagayan mo!" sabi niya.
Nakaramdam ako ng relief dahil hindi lang naman pala ako at si Aey ang nakakaramdam ng inis tuwing hindi nila kinikilala si princess.
Marami kaming napag-usapan.Tungkol kay princess at sa University.Somehow,I feel comfortable when I'm talking with him.Marami kasi kaming mga bagay na napagkakasunduan.
"Teka!Wala ka bang klase?!" naalala ko'ng class hour nga pala ngayon,masyado ako'ng nagpadala sa aming usapan at hindi ko napansin na estudyate rin pala siya na dapat nasa kaniyang klase.
Well,estudyante rin naman ako pero excemption ako,trainee ako eh!
"Uy!Concerned siya sa akin!" pang-aasar niya sa akin at tinusok-tusok niya ako sa aking tagiliran.
The hell?!
Pinahaba ko'ng muli ang aking buhok para hampasin sana si Sebastian ngunit natigil ang ambang paghahampas ko sa kaniya ng gumawa siya ng isang bubble at ipinasok do'n ang aking buhok.Hindi ko mai-iwas ang buhok ko dahil nagulat ako sa ginawa niya.
"Too slow!" panga-asar niya ulit sa akin.Naka-recover naman ako do'n at muli ko'ng pinahaba ang aking buhok at hahampasin siya ng bongga ngunit agad siyang naka-takbo.
"See you,when I see you,the prettiest healer" sigaw niya habang tumatakbo,nakaharap siya sa akin habang tumatakbo palayo sa akin.Habang tumatakbo ay nagugulo ang kaniiyang buhok causing his bangs to cover his half eye,again.
"Para'ng baliw lang.."nasabi ko sa aking isipan dahil nakangiti ako ngayon.
Ilang lakad na lang pala ang gagawin ko para marating ko ang infirmary,ipinagpatuloy ko na ito at pagdating ko do'n ay binati agad ako ng mga estudyante na in charge sa pagbabantay sa Tatlo.
"Nice Morning,Miss Kez!" bati ng iang babae na in charge.
"Morning" at dahil masaya na ang mood ko ngayon ay binati ko sila.Pasalamat sila at hindi nila naabutan iyong mood ko kanina,kung hindi makakatikim sila ng ratrat mula sa aking magandang bibig.
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasyON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...