29:SIR CHEN,THE HANDSOME TRAINER
THIRD PERSON'S PoV
Isang linggo at ilang araw na lamang ang natitira para makapag-training sila sa darating na battle.Katulad ng Amethyst University ang ibang University ay nagte-training rin upang maging handa.Katulad ng sinabi ni Miss Anne,lahat ng University na nasa Circle of Birthstone Universities ay kasama.
"Bakit ba araw-araw na lang tayo nagte-training,baka pagdating ng battle wala na kaming lakas nito!"sinabi ng isang trainee sa isang Unibersidad.
Tama nga siya,lagi na lamang kasi nagte-training,katulad ng 'The Spix' na araw-araw din ngunit meron din namang pagkaka-iba.Ang training ng The spix ay hindi buong araw kumpara mo dito sa mga trainees ng unibersidad na ito,buong araw at araw-araw silang nagte-training.
"We have to!Ngayon pang kasama ang Amethyst!"
"Natatakot ka ba!?" galit na sigaw ng isa pang trainee sa kapwa niya trainee.Halos makita na ang ugat nito sa leeg.
Hindi naman nakasagot ang isang trainee sa tanong ng kapwa niya trainee.Kapag kasi sinabi niya ang totoo niyang nararamdaman hindi niya alam ang gagawin nito,kilala pa naman na sadista itong kausap niya.
"Wala kang dapat ika-takot,Achille.Remember tayo ang nanalo last battle" paalala nila kay achille.
"Hindi tayo matatalo,iyan ang lagi mong pakatatandaan!" sinabi ng isa pa nilang kasamang trainee.
Hindi na lamang nag-salita si Achille.
'hindi pa kasi nila nakakalaban ang The Spix,ako?Dalawa pa lang ang nakakalaban ko sa kanilang dalawa pero talo na agad ako' nasabi na lamang ni Achille sa kaniyang isipan.
Naalala kasi ni Achille ang nangyari sa kaniya noong kinalaban niya ang prinsesa ng Amethyst at ang sa tingin niyang magiging prinsipe na si Kit.Hindi naman talaga makukulong o maiiwan sa panaginip ang kung sino mang matatalo sa laban nila.Isa lamang iyong illusion ng kung sino man na kakilala ni Achille.
Noong natalo siya ng dalawa ay nawalan siya ng malay at pagkagising niya ay nasa loob na siya ng kuwarto niya.
Tumayo siya nang tawagin na sila ng kanilang guro na magte-train sa kanila.
*****
"Sa tingin mo handa na ba ang mga trainees natin?" tanong ni Sir Nystul sa mga kapwa guro niya na naghahanda sa mga bagong dating na mga pagkain.
"I don't know.Hindi ko pa naman sila nakikitang mag-training,I'm busy" natatawang sabi ni Sir Chen,totoo nga ang sinabi nila.Dahil laging si Miss Rose o kaya si Sir Nystul ang nagte-train sa The Spix dahil lagi namang busy ang mga guro dito.
"Well,it's the time for you to train them" sinabi ni Miss Rose,napatango naman si Sir Chen.
"Sakto,vacant ko ngayon at wala akong klase pagkatapos" sinabi niya.Kumain muna sila ng iba pang mga guro,ilang sandali ay pumasok si Miss Carmen sa loob.
"Sorry to disturb you,but I need a volunteer to train the Spix" sinabi ni Miss Carmen,kasama niya ang kaniyang sekretarya na si judy sa kaniyang likod,dala-dala ang lagi niyang mga dala na mga papel.
"Uhm,Pwede ako na lang ang mag-train?I have nothing to do after this!" pag-taas ng kamay ni Sir Chen.
Sinang-ayunan naman siya ni Miss Carmen at umalis na,siya naman ay nagpatuloy na sa pagkain para matapos agad at makapunta sa The Spix.
Kaya pumayag si Miss Carmen na si Sir Chen muna ang mag-train ay dahil sigurado siyang magkakasundo sila,ilang taon lang kasi ang agwat ng edad ng The spix kay Sir Chen,kaka-graduate lamang kasi ni Sir Chen as a Matriarch Student.
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasíaON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...