ALAM MO BA IYONG FEELING na iniwan ka ng kasama mo ng hindi man lang nagpapaalam?Kasi ako,naramdaman ko na.Iyon ba'ng inaakala mo'ng new friend mo na siya at tatagal kayo like your other friends na tumagal.Pero hanggang akala lang pala iyon.
At dinadamdam ko iyon ngayon.Akala ko pagkagising ko ay makikita ko pa ang fairy na aking kasama bago matulog. Sinubukan ko'ng hanapin siya pero hindi ko siya makita.Siguro gan'on talaga sila'ng mga fairy – mang-iiwan!
Napaupo ako sa puno na aking pinagtulugan kagabi,bahala na siya.Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko pa rin mahanap.Bumalik ako dito matapos ng mahabaan ko'ng paglalakad at nagbabakasakaling bumalik siya.
"Bahala ka'ng fairy ka!Pipitikin talaga kita kapag nakita kita."Pag-kausap ko sa aking sarili.Malay mo,nagtatago lang siya sa mga dahon ng puno.Maliit pa naman ang mataray na fairy na iyon!
Napagpasiyahan ko'ng maglakad na lang ulit para maghanap ng kalaban.I can't stay at a place na wala akong ginagawa.
*****
THIRD PERSON'S PoV
Habang naglalakad si kheitee ay nakaramdam siya ng gutom,hindi kasi siya kumain bago matulog.Gusto niya kasing tipirin ang tinapay na kaniyang baon.Masyado niyang tinitipid ang kaniyang sarili.Kaya naman tumingin-tingin siya sa mga puno at nagbabakasakaling may makitang pagkain o prutas man lang.Pang-tawid gutom.
"Ha!Banana!"Pag-kausap niya muli sa kaniyang sarili nang makakita siya ng isang puno ng saging.Agad siyang lumapit do'n at hindi inisip kung may lason ba ito o wala.Pinitas niya ang isang saging.
Hinubadan na niya rin ito at akmang kakainin ng may isang mahabang kamay ang pumigil sa kaniya.
"Don't eat that,kheitee!"Natapon ang saging sa damuhan at napaatras si kheitee dahil sa kaniyang nakikita.Nang mahulog ang saging sa damuhan ay unti-unti na namamatay ang mga dahon sa paligid nito pati na rin angmga halaman sa malapit nito.
"H'wag kang basta basta kumakain ng mga pagkain na nakikita mo!"Parangal sa kaniya ng kaniyang kasama.Imbis na matakot sa parangal nito ay natatawa na lamang si kheitee dahil sa gigil sa mukha ni Tin.
"Chill Tin,Thanks!"Sabi niya at tumingkayad para maabot ang buhok ni Tin at guluhin ito na ikinainis ni Tin.
"Tsk.Kapag may nangyari sa'yo ako ang malalagot sa kaniya eh."Naiinis na sabi ni Tin.
"Kanino?"
Hindi naman sinagot ni Tin ang tanong ni kheitee,imbis ay nag-pauna siyang maglakad.Katulad ni Kheitee ay naglalakad din si Tin para humanap ng kalaban – hindi para humanap ng pagkain.Nainis naman si Kheitee sa inasta ni Tin kaya agad niyang piningot ito sa tenga.
"Manners please!Alam mo bang ang pangit tingnan kapag nauunang maglakad ang isang lalaki at nasa likod nito ang babae?"
"I know.Karyl always saying that to me,"tipid na sagot nito.
"Alam mo naman pala eh."
Kaya naman ay nag-give way na si Tin para mauna si Kheitee sa paglalakad.Naririndi na rin kasi siya sa boses nitong si Kheitee.But like Kheitee,he's also thankful that their princess is with him,at naisisguro niyang ligtas ito.
Habang naglalakad ay hindi nila napapansin na mayroon palang nakasunod sa kanilang dalawa na binabantayan ang kanilang mga ikinikilos.Humahanap lamang ito ng tiyempo para atakihin ito.Nang makahanap ng tiyempo ay agad niyang pina-apoy ang sangang hawak niya at agad na ibinato sa direksyon ni Kheitee.
Nakita ito ni Tin kaya naman mabilis niyang pinahaba ang kaniyang katawan at pinalapad sapat na para ma-protektahan si Kheitee.Alam niyang masyadong delikado ang ginawa niya ngunit mas masakit pa ang dadanasin niya sa kamay ng isang lalaki kapag may nangyari kay Kheitee.
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasíaON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...