46:BATTLE(1)

134 11 7
                                    



Kheitee's

INIISIP KO IYONG MGA MAGULANG KONG saglit ko lang nakasama sa buhay at si khailee naman ay hindi man lang,ni hindi niya nga ata alam kung anong itsura ng mga magulang naming.Ang sabi ni Miss Carmen,patay na raw sila.NAmatay no'ng battle pero hindi ako naniniwala.

Bakit hindi ako naniniwala?Hindi ko rin alam.

Meron kasi'ng parte sa feeling ko na hindi pa sila patay.Meron din namang nagsasabi na patay na sila.Magulo.

Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Kez na talagang ikinababahala naming,lalo na si Tin.Kanina pa niya binabantayan si Kez.Muling sumagi sa aking isipan iyong kulay ng buhok ni Kez kanina.

Kapag kasi ginagamit ni Kez ang kaniyang main,nagiging kulay violet ang kaniyang buhok,pero kanina,merong ilang hibla ng kaniyang buhok ang naging kulay itim na hanggang ngayon ay hindi pa rin naming masagot-sagot dahil hindi pa gising si Kez.

Naiinggit ako sa kaniya,kahit kasi tulog ang loka maganda pa rin!Buhat buhat siya ngayon ni Tin – bridal style!

"Takte naman!Hindi pa nga ako kumakain meron nanamang kalaban!"Sabi ni Leo habang nakatingin sa harapan naming,tumingin naman ako do'n at wala akong nakikitang kahit anong bakas ng matra.

"5...4...,"nagsimulang magbilang si Leo.aish!Nakalimutan ko,Concluding nga pala ang extra niya.

Kaya niyang malaman ang mangyayari sa kasalukuyang sampung segundo,pero pwede pang madagdagan ito hanggang maging minuto ito.

Hindi nga nagkamali si Leo at biglang may lumabas na isang malaking itim na bilog na nakalutang sa harap naming,para siyang isang dimension mula sa isang lugar.May dalawang lalaki ang lumabas do'n.Ngunit nakakapagtaka lang dahil nakangiti itong mga ito.

"Uy!Naalala ko kayo,"sabi ng isang lalaki pero nakatingin lang siya kay Leo.Hmm.

"Kayo,pero nakatingin lang kay Leo?"Sabi ni Tin habang karga-karga si Kez na walang malay.

"Sisteret!Ang gu-gwapo nito,kakalabanin ba natin?" Tanong ng isang lalaki – este bakla! Sa isa pa niyang kasamahan.

"Ano ka ba sister!Syempre,wala tayong makukuhang points kung hindi natin sila chuchugiin!" Parehong bakla!Atsaka hindi ko maintindihan iyong sinasabi nila.Meron silang sariling language.

"Pero sisteret – "

"No buts sisteret!No pwet!"Sabi niya at nagsimulang mawala ang malaking itim na bilog sa kanilang likuran.

In a snap,bigla na lang may lumabas na itim na bilog sa aking harapan,sa gilid nito ay mayroong kulay blue na pumapaligid sa bilog.Biglang may lumabas na isang kamay ng lalaki at bigla akong sinampal nito.

"Potek!"Sabi ko at mabilis na kinuha ang kamay na ito at hinila palabas.Bumungad sa akin ang mukha ng isa sa mga bakla kanina.

"How dare you to pull me?!"Sigaw niya sa pangbabae at maarteng tono.Yuck!Kala niya bagay sa kaniya.

"How dare you to fcking slap me,huh?"

"Hmp!"Sabi niya at akmang sasampalin muli ako mabuti na lamang ay nakailag agad ako.Ghad,kahit naman bakla siya,malakas pa rin siya dahil meron siyang katawan ng lalaki.

I want to punch him and slap him hard,pero bigla siyang gumawa muli ng isang tiim na bilog at pumasok do'n.Dimension.Nakaramdam ako ng init sa aking likuran kaya ako'y lumingon at nakita ko ang itim na bilog do'n.Hindi ko na inintay na lumabas ang baklang yon sa ginawa niyang dimension kaya naman humiling na ako sa aking birthstone.

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon