3:WORDS

358 22 0
                                    

Sobrang tahimik ng paghahanap namin, sumusunod lang ako sa kanila dahil hindi ko naman alam kung sino o ano iyong hinahanap nila. Kapag tinatanong ko naman hindi rin sila sigurado sa sagot nila.

"Ano bang itsura ng hinahanap natin?"

"We don't know too. Bata pa lang kami nawala na siya," sagot sa akin ni Leo

"Tao iyong hinahanap natin, 'di ba? Bakit nandito tayo sa gubat?" Tanong ko.

Oo, nandito kami sa gubat, super creepy dito. Puro tuyong dahon at matataas na puno, sasabihin ko na sanang naliligaw kami kung hindi lang taga-rito ang mga kasama ko. Paulit-ulit lang din ang mga nakikita ko.

"Sana hindi ka na lang sumama, ang dami mong tanong." Kit said.

Nanahimik na lang ako dahil baka matalakan na naman ng masungit na kasama namin. Kit doesn't want me here. 

"125 meters ahead. May makikita tayong garden," sabi ni Aey.

Kanina pa nagsasabi ng directions si Aey, para bang siya ang nagiging map ng grupo na ito. O baka naman kabisado niya lang talaga ang lugar na ito?

Tumingin naman ako kay Aey, nakatingin lang siya sa dinadaanan namin. Bakit ba napakaseryoso nila ngayon? 'Di katulad ng usual nilang ginagawa, hindi sila nagtatawanan at nagku-kwentuhan. Nagsasalita sila ngunit lahat ay patungkol sa kung anomang ginagawa nila ngayon.

Sa paglalakad namin may nakikita akong liwanag, mas maliwanag siya sa karaniwang nakikita kong sinag ng araw. 

Napangiti ako dahil palapit kami nang palapit doon. Tinanong ko kung pupunta ba kami doon at mas lalong lumapad ang aking ngiti nang doon pala ang destinasyon namin.

Hindi ko inaasahang may kasing ganda ang mga bulaklak na nakita ko sa Gate ng University. Napakaganda ng mga bulaklak na ito, may nag-aalaga ba rito? Puro fresh at ang kikinang ng mga kulay.

"Ang ganda!" Hindi ko na naitago ang aking pagkamangha. How can a place like this be so beautiful?

Humiga ako sa damuhan, halatang walang pumupunta dito dahil ang linis. Ayos lang naman siguro ang humilata rito dahil pati ang mga kasama ko ay gano'n din ang ginawa.

Kitang-kita ko ang asul na kalangitan, sandali akong nasilaw ngunit agad din namang nakapag-adjust sa kgandahan nito.

Narinig ko ang hagikhik ni Kez, nakita kong may binulong sa kaniya si Tin. 

Umihip ang hangin at kung sinuswerte ka nga naman, sumagi sa aking paningin ang isang bulaklak. Masakit mang aminin, ngunit hindi ako pamilyar sa mga pangalan ng bulaklak, talagang nagagandahan lang ako sa kanila.

I only know the popular ones, sunflowers, tulips, santan.

Hindi rin naman ako tanga para hawakan lang ng basta-basta ang isang bulaklak. Oo, magaganda ang mga bulaklak ngunit may itinatago rin itong kasamaan. Looks can be deceiving ika nga nila, maaaring simpleng hawak ko sa bulaklak na ito ay may mangyari sa'kin.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin kay Aey na tumabi sa akin.

"Ang saya pala ng ganito, Aiee!" Sabi ni Aey at nagsimula kaming magpaikot sa damuhan. 

Sa aking pag-ikot, nahagip ko ang titig ni Kit sa akin. May be he's looking at me to know if I'm going to do something bad. Hindi ko na lang pinansin.

Nagpatuloy pa kami sa pag-ikot sa damuhan. Nag-laro rin kami ng habulan pero hindi kami tatakbo. Iikot kami sa damuhan para hindi mahuli ng taya.

"Ang dumi na natin." Tawa ni Kez. Hala! Nakalimutan kong puti nga pala ang suot ko. Mahihirapan akong maglaba!

"Ayan, Aiee! Ang dumi mo!"

Amethyst UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon