Aiee
"Asan ako?" Natanong ko sa aking sarili nang matagpuan ko na ako'y nakahiga sa damuhan.
Napakaganda ng kulay ng aking hinihigaan berdeng berde.Ako ay nasisilaw sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mga balat.Naisangga ko na lang ang aking kamay upang makapag-adjust ang aking paningin sa liwanag.Unti unti namang nagiging maayos ang aking kapaligiran.
Nakita ko ang aking pulsuhan at nagulat ng may sugat doon.Wala naman akong naaalala na nagkaroon ako ng sugat doon.
Tumingin naman ako sa paligid ko at nakita ko ang mga hayop.Hindi lamang sila normal na hayop dahil bawat hayop ay may pakpak at para bang ang katawan nila ay gawa sa pixie dust dahil bawat pag galaw nila ay nagkakaroon ng pixie dust na sumasaboy sa paligid.
Palipat lipat ang aking tingin sa mga hayop dahil talagang sila'y kamangha mangha.Ngayon lang ako nakakita nito.Siyempre susulitin ko na.
Mayroong sa tingin ko ay kambing na nakatingin sa itaas ng puno na mayroong apple.Siguro ay gusto niya ito.
Dahil na rin sa kaniyang pakpak ay nakalipad siya at kinuha niya ito.
Marami akong nakikita na mga hayop na iba iba ang ginagawa,mayroong natutulog,kumakain,umiinom at nakikipaglaro sa kanilang kapwa.
Lumapit ako sa isang kabayo..or should I say unicorn?
Hmm...Yes,unicorn siya.Nang makalapit ako'y medyo natatakot pa ako dahil hindi ko alam ang pwedeng gawin ng isang ito.Nakatitig lamang siya sa akin,naalala ko tuloy ang mukha ng taong aking kinaiinisan.
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasiON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...