Miss Carmen's POV
Ang sarap alalahanin ng mga araw na kompleto pa kayo ng mga kaibigan mo, kaklase mo at mahal mo sa buhay. Iyong mga araw na iyon na sobrang saya niyo pa, napag-uusapan pa ang mga trip niyo sa buhay, at mga masasaya niyong nagawa, nagpapasalamat ako dahil dumating iyong araw na iyon na napakasaya dahil kasama ko sila.
Para sa iba lahat ng kanilang mga mahal sa buhay, kaibigan o kung sino man na kilala ay talagang kilala mo at mapagkakatiwalaan. Iyon bang yung sikreto mo ay alam ng lahat ng kaibigan at kamag-anak mo. Ngunit para sa akin mahirap nang magtiwala, noong nagtiwala kasi ako sa isang tao ay... inabuso. Sinabi ko sa kaniya yung sikreto ko maging ng pamilya ko.
Ginamit niya iyon para sa aming kahinaan.
Ginamit niya iyon upang mapasakamay niya ang lahat ng kagustuhan niya.
Ginamit niya iyon upang maging sunod-sunuran sa kaniya lahat.
Isang kaibigan na aking pinagkatiwalaan.
"Miss Carmen, nandito na po ang mga guro," sabi ni Judy. Kanina pa pala siya kumakatok sa pinto at pumasok na lang dhail hindi ko napagbuksan. Nawala na pala ako sa mga naiisip ko.
Inayos ko muna ang sarili ko bago harapin si Judy. "Go ahead, tell them I'll be there."
Narinig ko naman ang pagsarado ng pinto. Inayos ko ang mga gamit ko sa desk ko, ayoko namang ipaayos ito kay Judy dahil alam ko naming marami siyang ginagawa. Ilang sandali pa ay lumabas na ako para pumunta sa pagpupulong na magaganap.
Pagkapasok ko'y binati agad nila ako, umupo at bumalik sila sa mga gawain nila. May kaniya- kaniya silang ginagawa, 'yung iba ay nagsasalita at kusang naisusulat ang kanilang mga sinasabi sa isang kuwaderno. Ang iba naman ay sinusubukan ang kanilang mga dalang gamit katulad na lamang ng healing potion.
Tumayo lamang ako hanggang sa sila na mismo ang makapansin ng presensya ko. Naiintindhan kong marami silang ginagawa ngunit oras na ito para sa pagpupulong na napag-usapan.
"We're sorry, Miss Carmen," paumanhin nila, inayos na nila ang kanilang sarili. May ibinigkas silang salita at biglang nawala ang mga gamit sa mesa. Humarap na sila sa akin.
"We're Sorry, Miss Carmen. Please understand our situation," paulit nila.
"I understand. Now, let's start." Sabi ko. "We all know what happened four days ago..." paninimula ko, tumango naman sila.
Oo, apat na araw na ang nakalipas mula ng pangyayaring iyong ngunit hindi pa rin nagigising ang mga bata. Hindi ko pa sila nabibisita kaya hindi ko pa alam ang kanilang kalagayan, ngunit ang sabi naman ni Judy ay nasa maayos na kalagayan sila.
"Yes, the early bond of the two intermidiate students," sabi ng iba. Maging sila ay alam na maaga pa para magkaroon ng bond sa dalawang iyon. Ngunit ang hindi nila alam na ang isa sa kanila ay hindi estudyante dito sa AU. Ano kayang magiging reaksyon nila?
"Ngayon lang ako nakasaksi ng isang maagang pagb-bond ng dalawang estudyante, sa tingin ko ay gano'n din kayo, hindi ba?" Tanong ko pa.
"Yes, but I'm curious about the girl..." sabi pa ni Sir Nystul, dito sa Amethyst University kahit pa mataas ang aking pwesto, itinatawag ko pa rin ang mga guro dito ng Sir o kaya ay Miss. They deserved it, after all, especially Sir Nystul, he was my teacher.
"If I'm not mistaken, I saw that girl serving at the restaurant," ani pa ni Sir Oneal habang pinaglalaruan sa kaniyang kamay ang hawak niyang ballpen. The Food Room.
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasyON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...
