KITTY"Bessy, Let's go. Ang tagal mo naman eh." Sigaw sakin ni Heaven mula sa labas.
Pupunta kasi kame ng Mall ngayon para bumili ng gamit sa darating na pasukan. Usapan kasi namin bukas na lang, pero bigla na lang susulpot at mag-Aaya.
Nagbihis lang ako ng white long sleeves na may print na New York. Jeans pants at adidas shoes, tinali ko ang buhok ko at ngsuot ng shorpet.
Kinuha ko ang phone ko at nilagay sa backpack kong dala. Si Heaven naka up shoulder syang white dress at black pants, nakalugay ang buhok at naka doll shoes. Paglabas ko hinila nya agad ako sa labas, meron na palang naghihintay na taxi samin kaya nagmamadali sya.
"You looks so nice." Komento nya sa suot ko, kahit ano naman ang isuot ko hindi pwdeng wala syang masabi.
"You too, also." Sagot ko. Abala naman sya sa phone nya, kaya ako nagmusic lang habang nasa byahe.
Pagdating namin sa Mall dumiretso agad kame sa NBS. Ako narin ang bumili ng gamit ni Angel, dapat si Mama kaso busy sya masydo sa School.
Kumuha ako ng cart at sumunod lang kay Heaven, maaasahan kasi sya pagdating sa mga ganitong bagay. Alam nya kung ano yung pang matagalan at madaling masira na gamit. Well' para sakin depende yun sa gumagamit.
"Christ txt me. Nandito daw sila kasama yung bisita nila at si Gray." Sabi ni Heaven habang pumipili ako ng pilot pen.
"Ahh, anong reply mo?" Tanong ko. Pero nasa mga pilot lang ang atensyon ko. Hindi naman nya ako sinagot sa tanong ko.
Mahilig ako sa pilot na pen, maganda din naman ang handwriting ko kaya sanay ako gamitin to. Kaso kapag masydo ka madiin magsulat gamit ang pilot, bumabakat sya sa kabilang page ng papel. So instead I use carbon paper, para ilagay sa ilalim ng papel.
"Nasa arcade daw sila." Sabing muli sakin ni Heaven. Busy pa din sya makipagtxt kay Christian.
Siguro sinamahan nila ni Gray mamasyal yung bisita nila, pero wag naman sana ulit sila mag-aya sa Baguio na kasama kame. Kung gusto nila, sila na lang at hindi rin ako interesado bumalik dun.
Pero naisip ko, dati gustong gusto ko pumunta dun na si Christian ang kasama. Ngunit bakit ngayon ganun na lang ang reaksyon ko kung sakali.
"Tara." Yaya ni Heaven, sabay kameng pumunta sa counter at binayaran lahat ng pinamili ko. Binayaran nya narin yung mga nabili nya. "Nagtxt si Christ, punta na daw tayo dun,"
"Teka? Bakit naman?" Takang tanong ko, sa pagkakaalam ko kasi hindi gusto ni Heaven si Kisses. Bakit ngayon isang sabi lang ni Christ at sya pa tong parang excited.
"Bessy, you being slow sometimes." Taas kilay nyang sabi. "You like, Gray? Right?" Tumango naman ako. "Kaya kailangan nating puntahan sila, sige ka maagaw sayo si Gray. Ikaw din."
Walang kame ni Gray. Bakit naman sya sakin maagaw? He said that he likes me, so kailangan ba talaga akong mapanatag sa salitang sinabi nya.
Simula nang malaman ni Heaven na gusto ko si Gray, naging supportive sya sakin sa bagay na yun. Hindi ako slow, pero minsan binabalewala ko na lang din dahil ayokong umasa.
Pinalagay namin yung pinamili namin sa bagage service, masyado yun marami para dalhin pa namin. Sa last floor ang arcade, kaya sumakay na kame ng elevator.
Pagpasok namin, medyo marami ding tao. Siguro dahil eto narin ang huling linggo ng bakasyon, kaya sinusulit na nila ang pag-gala. Marami din tao sa NBS mabuti na lang at hindi kame nahirapan sa pagpila.
BINABASA MO ANG
Firts LOVE(MarVoree)
FanfictionGaano man kasaya o kahirap tanggapin ang nakaraan, mananatili parin matapang si Kitty sa kabila ng kanyang pinagdaanan. Lumipas ang maraming taon, naghilom kaya ang sugat ng kahapon? O sa pagbabalik ng lalaki sa kasalukuyan, mabubuksan muli ang ka...