KITTY*
Tulad ng inaasahan ay nakuha ko na naman ang huling panalo. Marami ang nakarelate sa kantang napili ko at halos nagustuhan nila eto. Nagkaron ako ng chance magpasalamat sa mga taong tumulong at sumuporta sakin.
Pagkatapos ng competition ay nagkaron kame ng maliit na selebrasyon. Dumalo rin ang mga k-klase namin at mga mga kaibigan. Ginanap iyun sa isang Disco Bar malapit sa Subdivision namin.
"Cheersssss." Sigaw nang mga kklase ko na nagsasaya na.
"For Kitty's won."
"Congrats, Kitty."
Halos mabingi na ako sa mga sigawan nila, pero nakakatuwa kasi atleast masaya ang lahat sa pagkapanalo ko. Napalingon ako kay Heaven na katabi ko ngayon at kasama sila Christian.
Niyakap ko sya kaya napatingin din sya sakin sa inasta ko."I'm sorry." Paglalambing ko sa kanya. Niyakap naman nya ako pabalik.
"Okay na yun, kalimutan na natin." Nakangiting sagot nya. "Congrats pala, nadala ako kanina sa emosyon ng kanta mo."
"Heaven's right." Sabat naman ni Christian sa tabi ni Kristine. "Tagos sa puso eh, ramdam namin yung sakit." Napahwak pa sya kuwari sa dibdib nya saka tumawa.
"Halatang may pinag-dadaanan." Natatawang komento ni Kristine.
Hindi ko intensyong malungkot ang mga nanunuod sakin, binigyan ko lang ng storya yung pagkanta mula dun sa pamagat ng song. Kahit nga ako hindi rin kinaya yung emosyon na lumabas sa boses ko.
"Bessy, kung may pinagdadaanan ka. Daanan mo lang wag mong tambayan." At nagtawanan kameng lahat sa sinabi ni Heaven.
"Oh kaya man, magshort cut ka." Natawa naman si Marcus sa sinabi nya kaya sinimangutan sya ni Heaven.
"Waley, babe. Hahha." At natawa ulit kame sa pang-aasar nya kay Marcus.
Everything is okay now. Walang away na hindi nadadaan sa magandang usapan. Kahit sino nagkakamali, pero minsan kailangan parin natin magpakumbaba para sa maayos na samahan.
"Excuse me." Napatingin ako kay Aizan ng lumapit sya samin. "Can I talk Kitty for a while?"
"Sure." Sagot ni Heaven. Tumayo naman ako saka sumunod kay Aizan sa labas.
I should forgot to thank him, hindi ko kasi sya nakita kanina pagkatapos ng competition. Hindi ko narin natanong kung nasan sya, kaya nagulat ako ng tawagin nya ako para makausap.
"Congrats, you made it." Bati nya sakin pagkaharap ko sa kanya. "Hindi talaga kame nagkamali noon nang kunin ka namin sa grupo."
"Thank you. At thank you rin pala sa mga tulong mo, at wala siguro ako dito kung di dahil sayo.! "
"Wala ka dito hindi dahil sakin, kundi dahil magaling ka." Nagulat ako ng hinawakan nya ako sa dalawang kamay at tumingi sakin ng seryoso.
"I just here to say goodbye.""What do you mean?"
"I need to go back to the way I use to be, at magagawa ko yun kung aalis ako."
"Aizan, wait." Saka ko inalis yung mga kamay ko sa pagkakahawak nya. "I don't understand for what are you saying?"
"Kitty, alam kong mali to simula pa lang nung una. But I was trying my best to forget it, and I was trying to avoid you. Kaso hanggang dulo hindi ko nagawang kalimutan yung nararamdaman ko."
"You...mean?"
"Yes, Kitty... I LIKE YOU."
Hindi pwde. Pero tama naman siguro yung narinig ko sa kanya diba? Pero bakit hindi ko yun naramdaman? Palagi kameng magkasama, ngunit bakit hindi ko agad yun nahalata.
BINABASA MO ANG
Firts LOVE(MarVoree)
FanfictionGaano man kasaya o kahirap tanggapin ang nakaraan, mananatili parin matapang si Kitty sa kabila ng kanyang pinagdaanan. Lumipas ang maraming taon, naghilom kaya ang sugat ng kahapon? O sa pagbabalik ng lalaki sa kasalukuyan, mabubuksan muli ang ka...