KITTY*"Bessyyyyyy."
Hindi na ako mapakali dahil sa pagsigaw ni Heaven. Yung babae talagang yun kahit kelan napakaingay ng bunganga. Nasa labas na sila at hinihintay ako, dahil kailangan kong maging presintable sa harap ni Gray at ng pamilya nya.
I just wearing a black dress na walang sleeves at hanggng tuhod. Nakabraid din ang buhok ko at nakadoll shoes. Plain make up and lipgloss. Nakangiti akong humarap sa salamin.
"Perfect."
Kinuha ko ang silver kong purse saka lumabas ng kwarto. Napatingin sila sakin at natulala o sadyang OA lang talaga tong si Heaven. Nakahawak pa sya sa dalawang pisngi at naka o ang hugis ng bibig nya.
"What do you think?" Nakangiting tanong ko sa kanila. Agad naman tumakbo palapit sakin si Heaven.
"That's pretty well, ang ganda ganda mo. Bessy." Niyakap pa nya ako.
"Kitty, version 2.0." Nakangiting komento rin ni Christian.
"Salamat." Sagot ko sa kanila.
Pagkatapos lumabas na kame ng bahay, sa sasakyan ako ni Christian sumakay. May dala rin kasing sasakyan si Marcus kaya sumunod na lang sila ni Heaven.
Its nice to know that his finally back, and Im really excited to see him. Di ko parin maiwasan kabahan dahil sa alam kong makikilala ko na ang pamilya nya.
I just checking on my phone, if Gray leave a message for me before his flight. Binalik ko na yun sa purse ko ng wala akong nakitang mensahe galing sa kanya.
"We're here." Anunsyo ni Christian. Kaya mas lalong nadagdagan ang kaba ko dahil ano mang oras ay darating na sila.
Pinagbuksan nya muna ako ng pinto bago nya pagbuksan si Kristine na nasa frontseat. Ang ganda ni Kristine sa dress nyang black na may nakapatong na gray blazer. At si Christian na naka blue polo at black pants.
"Thank you."
Lumabas narin si Heaven sa sasakyan ni Marcus. She's pretty as well to her off shoulders gray dress, nakalugay ang mahaba nyang buhok. Kahit hindi magmake up lumalabas parin kay Heaven ang natural nyang ganda.
Si Marcus na naka ripped shorts at red shirts, bagay sila Ni Heaven..."Let's go." Pagkasabi ni Christian ay sumunod na kame sa kanya papasok sa bahay nila.
This party had a black and white theme. Mga table na white ang sapin at black naman ang nasa chair. Ganun din ang table sa mga pagkain. May mga baloons sa kisame na black and white and taurpalin na may nakasulat na Welcome Delos Reyes Family.
"Oh, anjan na pala kayo?" Isa-isa kameng bumati kay Tita Clare ng lumabas sya ng kitchen. "Maricel just call a while ago, malapit na raw sila."
"Oh my ghad." Kinikilig na sabi ni Heaven. "Finally nanjan na si Gray, Bessy." OA talaga sya.
"Im so happy for you, Kitty." Nakangiting sabi ni Kristine at ngumiti ako sa kanya pabalik.
"Thank you."
Nag-ayos pa kame ng mga kulang habang hindi pa sila dumadating. Dumating narin ang ibang relatives nila Christian at mga pinsan nila sa mother side.
"Anjan na sila." Sigaw ng pinsan ni Christian nang galing sya sa labas. Umayos narin kame ng pwesto malapit sa pinto.
Hinawakan ako ni Heaven sa braso dahil tensyong nararamdaman ko. Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40's na. May pagka chubby ang katawan, maputi at mahaba ang kanyang buhok na kulot sa dulo. She's wearing a all over red dress, with a shoulder red bag.
BINABASA MO ANG
Firts LOVE(MarVoree)
FanfictionGaano man kasaya o kahirap tanggapin ang nakaraan, mananatili parin matapang si Kitty sa kabila ng kanyang pinagdaanan. Lumipas ang maraming taon, naghilom kaya ang sugat ng kahapon? O sa pagbabalik ng lalaki sa kasalukuyan, mabubuksan muli ang ka...