Chapter 40

120 3 0
                                    


KITTY*

"Kitty."

"Bessy."

I wanted to run away, I wanted to hide my pain to them. Pero kahit gusto kong tumakbo o lumayo, hindi ko parin matatakasan ang katotohanan na wala na akong hihintayin at wala ng babalik pa.

I ran towards the maingate pero naabutan ako ni Heaven saka hinarap sa kanila. Nakita ko ang awa sa mga mata nila, awang ayokong maramdaman nila para sakin.

"Heaven, let me go." Matapang kong sabi sa kanya, pero ang totoo kinukubli ko lang ang kahinaan ko. Dahil ano mang oras baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Bessy, naman." Binitawan nya ako pero nakaharang sya sa may gate. Nasa likod naman nya si Marcus at nasa gilid ko si Christian at Kristine.

"What do you want me to do, Heaven?" Iritado kong sabi. "Mahirap bang maki-usap na gusto kong mag-isa?"

"I know that, pero hindi mo maiwasan saming mag-alala sayo."

"Kitty, we just go to talk Tita Maricel about you. Sa tingin ko maiintindihan nya at para narin malinawan sya sa totoong relasyon nyo ni Gray." Napangisi lang ako sa sinabi ni Christian, taas kilay ko syang hinarap.

"Does you heard a while ago for what that she told us...walang sinabi sa kanila si Gray tungkol samin. At anong gusto nyo ipakilala ko ang sarili ko sa lugar na wala akong karapatan?"

Hindi ako kailanman nakakalimot kung sino ako, pero wala ako sa lugar para ipakilala ang sarili ko. Alam kong nag-alala sila kaya naiintindihan ko, pero mahirap bang makiusap sa kanila na pabyaan muna nila ako.

"I'm sorry, I don't know what to say." Napatingin ako kay kay Kristine ng magsalita sya, pero agad naman syang sinugod ni Heaven.

"Seriously?" Sigaw nya kay Kristine pero inawat agad sya ni Marcus at Christian. "Wala ka ba talagang alam? O would I say matagal ka nang may alam pero hindi mo sinabi samin, because with your f*cking cousin."

"Heaven, shut up." Sinigawan narin sya ni Christian. "Can you please calmdown, at wag mo syang pagsasalitaan ng ganyan."

"Babe, calm down." Nakaalalay na si Marcus kay Heaven.

"How to be? Pinsan nya si Kisses at posibleng hindi nya alam." Turo parin ni Heaven kay Kristine.

"But Heaven I swear, I didn't know about this. Lastweek narin simula ng huli kong makausap si Kisses." Paliwanag ni Kristine.

Nakita ko ang sinsiridad sa sinabi ni Kristine at naniniwala ako sa kanya na wala syang alam. I don't think I'm not in position to judge her even I didn't know the real story.

"Tama na." Sigaw ko sa kanila at sabay-sabay silang napatingin sakin. "Naiintindihan ko kayo, pero hayaan nyo muna ako ngayon..nakikiusap ako dahil gusto kong mapag-isa." Tatalikuran ko na sila ng harangin na naman ako ni Heaven. "Heaven, I promised wala akong gagawing hindi maganda para mag-alala kayo. Gusto ko lang mapag-isa." Malungkot nya akong tinignan bago sya umalis sa gate para makadaan ako.

Then how that I going to solve this?
Masakit malaman ang katotohanan, pero mas masakit kung sa iba pang tao ko mismo yun nalaman. Hindi ko alam kung san ako pwdeng magsimula.

Tulad ng mga nakaraang araw kapag malungkot ako, dinadala ako lagi ng mga paa ko sa lugar nato. Maraming beses nya nang nasaksihan ang lahat ng paghihirap ko. Palagi rin akong nakakabangon, ngunit sa ngayon meron pa kayang pag-asa para dun?

"Gray..what happened? Hanggang kailan ba ako kailangan masaktan? Ilang beses ba ako kailangang umiyak? Isa lang naman ang hangad ko eh, ang makita at makasama ka. Pero bakit napakahirap matupad yun?"

Tinaas ko ang paa ko sa upuan saka ko niyakap ang sarili ko. Nakatingin ako sa mga taong masaya sa paligid, samantalang ako lihim na umiiyak at walang sino man ang nakakaalam.

"Gray nakakapagod na maghintay sa bagay na alam kong walang kasiguraduhan. Maybe I should forget everything and pretend just this never happened."

Umiiyak ako ngayon, as usual palagi na lang. Ngunit nakakapagtakang walang nagbabadya na pag-ulan. Napakaganda pagmasdan ng bughaw na kalangitan, mga ibon na malayang lumilipad. Bakit ko kailangan malungkot kung ganito kaganda ang aking nasa harapan.

Pinunasan ko ang mga luha ko at umayos ng upo. Lahat ng nangyayari ay merong dahilan, subalit ano man yun ay kailangan kong maintindihan.

Hindi ko alintana ang oras ng magumpisang magdilim ang langit. Bumukas narin ang mga ilaw sa paligid ng Park, at nag-aayos narin ang iba para sa kanilang pag-uwi.

"Ate."

Napalingon ako sa batang babaeng lumapit sakin. Sa tingin ko nasa 4years old na sya, ngumiti ako sa kanya ng meron syang iabot sakin. Isa tong chocolate cup cake na may strawberry sa ibabaw.

"Para sakin?" Tanong ko at tumango naman sya. Kinuha ko yung cake sa kanya at nagpasalamat.

"Bye, Ate. Uwi na po kame." Kumaway muna sya sakin saka tumakbo palapit sa mga magulang nya.

Pinagmasdan ko yung cake na hawak ko. Naalala ko pala na magbibirthday na ako sa susunod na linggo. All I wish on my Birthday will be celebrated with him. But I think that wishes never been command and forget that I haven't wish for.

Ayan na naman ang luha kong traydor na kahit anong pigil ko ay kusa na lang bumabagsak. Wala na ba talaga akong karapatan lumigaya.

"Can I wish my happiness? Eto lang po sa Birthday ko at kontento na ako."

Pagkatapos kinain ko yung cake na hawak ko. Nalasahan ko agad ang tamis nito pero sa mga sumunod ay pinaghalong tamis at alat dahil sa luhang bumabagsak sa mata ko.

Sana lang kahit maalat na matamis ang cake ay matupad parin nito ang huling kahilingan ko. At pangako ko eto na ang huling iiyak ako at magiging matapang para harapin ang lahat.

I will never be happy if I continously hold on the things that make me sad. Hahayaan kong alisin yun at magpatuloy sa buhay na meron ako. At maging masaya dahil nanjan pa ang mga kaibigan ko.

Haharapin ko na sya para matapos narin tong storya kong walang patutunguhan. Palagi lang akong masasaktan kung patuloy kong panghahawakan ang katotohanang ako na lang pala ang lumalaban.

TBC...

VOTE&COMMENT&SHARE.
THANK YOU.

@MisReika

Firts LOVE(MarVoree)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon